Tibni
Isa na nakipaglaban para sa pagkahari ng sampung-tribong kaharian ng Israel pagkatapos ng pitong-araw na pamamahala ng ikalimang hari ng Israel na si Zimri noong mga 951 B.C.E. Ang taong-bayan ay nahati kung si Tibni kaya o si Omri ang dapat na maging hari. Pagkalipas ng apat na taon, kung kailan ipinapalagay na nagngangalit ang digmaang sibil, sa wakas ay nalutas ang usapin; natalo si Tibni ng mga tagasuporta ni Omri at namatay. Siya ay anak ni Ginat.—1Ha 16:15, 21-23.