Tidal
Ang hari ng Goiim at isang kaalyado ng Elamitang si Haring Kedorlaomer nang lupigin nila at ng dalawa pang monarka ang limang hari malapit sa Dagat na Patay. Pagkaraan ng 12-taóng pamumuno, naghimagsik ang limang natalong hari. Sina Tidal, Kedorlaomer, at ang iba pa ay pumakanluran upang supilin ang mga ito, at sa panunupil na iyon ay kumuha sila ng mga samsam at mga bihag, kabilang na ang pamangkin ni Abraham na si Lot. Tinugis ni Abraham ang mga maniniil at binawi ang mga bilanggo at mga sinamsam na pag-aari, ngunit walang pahiwatig na binihag o pinatay si Tidal o yaong mga haring kasama niya.—Gen 14:1-17.