Tipan
Isang kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga indibiduwal upang gawin o huwag gawin ang isang bagay; isang kontrata. Ang salitang Hebreo na berithʹ, na hindi matiyak ang pinagmulan, ay lumilitaw nang mahigit 280 beses sa Hebreong Kasulatan; mahigit sa 80 sa mga iyon ay nasa limang aklat ni Moises. Ang saligang kahulugan nito ay “tipan,” katulad ng makabagong legal na salita na “kontrata.” Ipinakikita iyan ng mga tapyas na cuneiform na natagpuan noong 1927 sa Qatna, isang sinaunang di-Israelitang lunsod sa TS ng Hamat. “Simple lamang ang nilalaman ng dalawang tapyas [sa 15 na natagpuan]. Ang Tapyas A ay isang talaan ng mga pangalan . . . Ang Tapyas B ay isang talaan ng rasyon . . . Samakatuwid, ang Talaan A ay isang kasunduan na ang mga lalaking nabanggit . . . ay sumang-ayon na maglingkod sa isang tao o magsagawa ng ilang partikular na obligasyon. Inilalarawan naman ng Talaan B, na isinulat din ng eskribang iyon, kung anong klase ng kasunduan iyon; ang mga lalaking ito ay tatanggap ng inilistang mga rasyon bilang kabayaran sa kanilang paglilingkod. . . . ang konsepto ng mga Israelita hinggil sa berit, ‘tipan,’ ay isang pangunahing tema sa teolohiyang Yahwista. Narito ang unang nailathalang di-biblikal na paglitaw ng salitang iyon noong unang mga panahon—hindi lalampas ng unang sangkatlo ng ikalabing-apat na siglo B.C.”—Bulletin of the American Schools of Oriental Research, Pebrero 1951, p. 22.
Sa ilang bersiyon ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang di·a·theʹke ay isinalin bilang “tipan” o “testamento” (testamentum, Vg). Ngunit ganito ang sabi ng Cyclopædia nina M’Clintock at Strong (1891) sa ilalim ng paksang “Tipan”: “Gayunman, waring hindi kailangang gumamit ng bagong salita [maliban sa “tipan”] na nagtatawid ng bagong ideya. Yamang isinalin ng Sept[uagint] ang [berithʹ] (na hindi kailanman nangangahulugang testamento, kundi palaging tipan o kasunduan) bilang [di·a·theʹke] sa buong M.T., makatuwirang ipalagay na nang gamitin ng mga manunulat ng B.T. ang salitang iyan, gayunding ideya ang nais nilang itawid sa kanilang mga mambabasa, na ang karamihan ay pamilyar sa Griegong M.T. Karagdagan pa, sa karamihan ng mga kaso, yaong tinatawag na ‘tipan’ (berithʹ) sa M.T. ay binabanggit din sa B.T. (halimbawa, 2Cor. iii, 14; Heb. vii, ix; Apo. xi, 19); samantalang sa gayunding konteksto, ang gayunding salita at bagay sa Griego ay tinutumbasan kung minsan sa Ingles [sa KJ] ng ‘covenant’ [tipan] at kung minsan naman ay ng ‘testament’ [testamento] (Heb. vii, 22; viii, 8-13; ix, 15).”—Tingnan din ang apendise ng Rbi8, p. 1584, 1585.
Sa maraming talata sa aklat ng Mga Hebreo (Heb 7:22; 8:6, 8, 9, 10; 9:4, 15, 16, 17, 20), maliwanag na ginamit ng manunulat ang salitang di·a·theʹke na ang tinutukoy ay isang tipan ayon sa diwa nito sa matandang Hebreo, at sumipi pa nga siya mula sa Jeremias 31:31-34 at binanggit ang “kaban ng tipan.” Upang isalin ang mga talatang ito ng Jeremias, ginamit ng Griegong Septuagint ang di·a·theʹke para sa sinaunang Hebreong berithʹ, na nangangahulugang “tipan.” Sumipi rin ang Hebreo 9:20 mula sa Exodo 24:6-8, kung saan malinaw na isang tipan ang tinutukoy.
Kung Saan Ikinakapit ang Salita. Laging dalawa o higit pang mga partido ang kasangkot sa mga tipan. Maaaring ito’y pang-isahang panig (kapag isang partido lamang ang may pananagutang tumupad sa mga kundisyon) o pandalawahang panig (kapag ang magkabilang partido ay may mga kundisyong dapat tuparin). Maliban sa mga tipan na doo’y isa ang Diyos sa mga partido, iniulat ng Bibliya ang mga pakikipagtipan sa pagitan ng mga tao, at sa pagitan ng mga tribo, mga bansa, o mga grupo ng mga tao. Malubhang kasalanan ang pagsira sa tipan.—Eze 17:11-20; Ro 1:31, 32.
Ang terminong “tipan” ay ikinapit sa isang maaasahang ordinansa, gaya niyaong sa tinapay na pantanghal (Lev 24:8), o sa paglalang ng Diyos na inuugitan ng kaniyang mga batas, gaya ng di-nagbabagong pagsasalitan ng araw at gabi. (Jer 33:20) Ginagamit din ito sa makasagisag na paraan, gaya sa pananalitang “pakikipagtipan sa Kamatayan.” (Isa 28:18) Binanggit din ni Jehova ang kaniyang pakikipagtipan may kaugnayan sa mababangis na hayop. (Os 2:18) Ang kasunduan sa pag-aasawa ay tinatawag na isang tipan. (Mal 2:14) Ang pananalitang “mga may-ari (mga panginoon) ng isang tipan” ay nangangahulugang “mga kakampi,” gaya sa Genesis 14:13.
Sa diwa, anumang pangakong binitiwan ni Jehova ay isang tipan. Iyon ay tiyak na isasagawa at maaasahan ang katuparan niyaon. (Heb 6:18) Ang isang tipan ay may bisa hangga’t umiiral ang mga kundisyon nito at may obligasyong dapat tuparin ang isa o dalawang partido. Ang mga resulta o pagpapalang dulot ng isang tipan ay maaaring magpatuloy, kahit magpakailan-kailanman.
Kung Paano Pinagtitibay ang Isang Tipan. Kadalasa’y hinihilingan ang Diyos upang magsilbing saksi. (Gen 31:50; 1Sa 20:8; Eze 17:13, 19) Isang sumpa ang ipinananata. (Gen 31:53; 2Ha 11:4; Aw 110:4; Heb 7:21) Kung minsan, ang mga nakikipagtipan ay nagsasaayos ng isang tanda, patotoo, o pinakasaksi, gaya ng isang kaloob (Gen 21:30), isang haligi o bunton ng mga bato (Gen 31:44-54), o binibigyan nila ng pangalan ang isang lugar (Gen ). Noong minsan, gumamit si Jehova ng isang bahaghari. ( 21:31Gen 9:12-16) Ang isa pang paraan ay ang pagpatay ng mga hayop at paghiwa ng mga ito sa dalawa. Pagkatapos, ang mga nakikipagtipan ay dumaraan sa pagitan ng mga piraso ng hayop. Sa kaugaliang ito hinango ang karaniwang idyomang Hebreo na ‘maghiwa ng isang tipan.’ (Gen 15:9-11, 17, 18, tlb sa Rbi8; Jer 34:18, tlb sa Rbi8, 19) Kung minsan, ang paggawa ng mga alyansa ay may kalakip na kasayahan. (Gen 26:28, 30) Maaaring may salu-salo, gaya noong ipakipagtipan ang tipang Kautusan. (Ob 7; Exo 24:5, 11) Maaaring ibigay ng nakatataas na partido sa kabilang partido ang kaniyang kasuutan o sandata. (1Sa 18:3, 4) Kaugalian naman ng ilang bansang pagano na uminom ng dugo ng isa’t isa o ng dugo na hinaluan ng alak (na labag sa iniutos ng Diyos sa lahat ng tao, sa Genesis 9:4, at sa Israel sa ilalim ng Kautusan), at ang mga nagtitipanan ay bumibigkas ng pinakamatitinding sumpa sa partidong lalabag sa tipan.
Ginagamit ng Bibliya ang pananalitang “tipan ng asin” upang tumukoy sa pagiging permanente at di-nababago ng isang tipan. (Bil 18:19; 2Cr 13:5; Lev 2:13) Sa sinaunang mga tao, ang magkasamang pagkain ng asin ay tanda ng pagkakaibigan at nagpapahiwatig ng namamalaging pagkamatapat. Ang pagkain naman ng asin kasama ng mga haing pansalu-salo ay sumasagisag sa walang-hanggang pagkamatapat.
Nasusulat na mga Dokumento. Ang Sampung Utos ay isinulat sa bato sa pamamagitan ng “daliri ng Diyos.” (Exo 31:18; 32:16) Si Jeremias ay sumulat ng isang kasulatan, nilakipan iyon ng tatak, at kumuha ng mga saksi. (Jer 32:9-15) May natagpuang mga tapyas na luwad ng sinaunang mga tao, na nagsasaad ng mga kundisyon ng mga kontrata. Ang mga ito ay kadalasang natatatakan at nakapaloob sa mga sobreng luwad.
Ang Pangako sa Eden. Sa Genesis 3:15, makahulang sinabi ng Diyos na Jehova sa hardin ng Eden ang kaniyang layunin sa harap ni Adan, ni Eva, at ng “serpiyente.”
Tungkol sa pagkakakilanlan ng mga kasangkot sa pangako at hulang ito, sinasabi sa atin ng pangitaing ibinigay sa apostol na si Juan, sa Apocalipsis 12:9, na ang “serpiyente” ay si Satanas na Diyablo. Ipinakikita ng katibayan na ang “binhi” ng “babae,” na matagal nang hinihintay ng mga taong matuwid, ay tumutukoy sa “binhi” ni Abraham, si Jesu-Kristo. (Gal 3:16; Mat 1:1) Ang “binhi” na ito ay susugatan ng serpiyente sa sakong. Pinatay si Jesu-Kristo, gayunma’y hindi permanente ang sugat na ito sapagkat ibinangon siya ng Diyos mula sa kamatayan. Susugatan naman ng “binhi” ang ulo ng serpiyente, anupat tuluyan itong malulupig.
Sino ang “babae” sa tipang ito? Tiyak na hindi si Eva, na naging kaaway ng Diyos. Upang malupig, o “mapawi,” ng “binhi” ang espiritung nilalang na si Satanas na Diyablo, dapat na ang binhi ay espiritu, hindi tao. (Heb 2:14) Nang isilang si Jesus, siya’y isang taong Anak ng Diyos, ngunit noong panahon ng kaniyang bautismo, kinilala siya ng Diyos bilang Kaniyang Anak at isinugo sa kaniya ang banal na espiritu. Nang pagkakataong iyon, si Jesus ay naging inianak-sa-espiritung Anak ng Diyos. (Mat 3:13-17; Ju 3:3-5) Nang maglaon, sa kaniyang pagkabuhay-muli, siya’y “binuhay sa espiritu.” (1Pe 3:18) Kung gayon, sino ang “ina,” hindi ng taong sanggol na si Jesus kundi ng inianak-sa-espiritung Anak ng Diyos? Sinabi ng apostol na si Pablo na sina Abraham, Sara, Isaac, Hagar, at Ismael ay mga tauhan sa isang makasagisag na drama kung saan si Isaac ay lumalarawan sa mga may makalangit na pag-asa, kasama na si Pablo. Pagkatapos, sinabi ni Pablo na ang kanilang “ina” ay ang “Jerusalem sa itaas.” Ang mga ito’y tinawag ni Jesu-Kristo na kaniyang “mga kapatid,” anupat ipinahihiwatig na iisa ang kanilang ina. (Heb 2:11) Dahil dito, ang “babae” sa Genesis 3:15 ay tumutukoy sa “Jerusalem sa itaas.”—Gal 4:21-29.
Ipinahihiwatig ng mga kundisyon ng pangako sa Eden na lilipas ang isang yugto ng panahon kung kailan magluluwal ng “binhi” ang “serpiyente” at magkakaroon ng alitan sa pagitan ng dalawang “binhi.” Mga 6,000 taon na ang lumipas mula nang bigkasin ang pangakong iyon. Bago ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo, ang “serpiyente” ay ihahagis sa kalaliman, at pagkatapos ng sanlibong taon ay lilipulin siya magpakailanman.—Apo 20:1-3, 7-10; Ro 16:20.
Tipan kay Noe. Ang Diyos na Jehova ay nakipagtipan kay Noe, na nagsilbing kinatawan ng kaniyang pamilya, may kinalaman sa Kaniyang layunin na ingatang buháy ang mga tao at mga hayop kapag pinuksa Niya ang balakyot na sanlibutan ng panahong iyon. (Gen 6:17-21; 2Pe 3:6) Nagsimulang magkaanak si Noe paglampas niya ng 500 taóng gulang. (Gen 5:32) Nang isiwalat ng Diyos kay Noe ang layuning ito, malalaki at may-asawa na ang kaniyang mga anak. Sa bahagi ni Noe, itatayo niya ang arka at ilululan niya rito ang kaniyang asawa, mga anak, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, gayundin ang mga hayop at mga pagkain. Iingatang buháy naman ni Jehova ang laman sa lupa, kapuwa ng tao at ng mga hayop. Dahil sinunod ni Noe ang mga kundisyon ng tipan, naingatan ni Jehova ang buhay ng tao at hayop. Lubusang natupad ang tipan noong 2369 B.C.E., pagkatapos ng Baha, nang ang mga tao at mga hayop ay muling makapanirahan sa lupa at makapag-anak ayon sa kanilang uri.—Gen 8:15-17.
Tipang Bahaghari. Noong 2369 B.C.E., sa mga bundok ng Ararat, ang tipang bahaghari ay ginawa sa pagitan ng Diyos na Jehova at ng lahat ng laman (tao at hayop), na kinatawanan ni Noe at ng kaniyang pamilya. Sinabi ni Jehova na hindi na niya muling pupuksain ang lahat ng laman sa pamamagitan ng baha. Pagkatapos ay ibinigay niya ang bahaghari bilang tanda ng tipang iyon, na mananatili hangga’t nabubuhay sa lupa ang mga tao, samakatuwid ay magpakailanman.—Tipan kay Abraham. Lumilitaw na nagkabisa ang tipan kay Abraham nang tawirin ni Abram (Abraham) ang Eufrates patungong Canaan. Ginawa naman ang tipang Kautusan pagkaraan ng 430 taon. (Gal 3:17) Naninirahan pa si Abraham sa Mesopotamia, sa Ur ng mga Caldeo, nang makipag-usap si Jehova sa kaniya at utusan siyang maglakbay patungo sa lupaing ipakikita sa kaniya ng Diyos. (Gaw 7:2, 3; Gen 11:31; 12:1-3) Sinasabi ng Exodo 12:40, 41 (LXX) na sa pagtatapos ng 430 taon ng pananahanan sa Ehipto at sa lupain ng Canaan, “sa mismong araw na ito,” ang Israel, na noo’y inaalipin sa Ehipto, ay lumabas. Araw ng Nisan 14, 1513 B.C.E., na petsa ng Paskuwa, nang iligtas sila mula sa Ehipto. (Exo 12:2, 6, 7) Ipinahihiwatig nito na tinawid ni Abraham ang Ilog Eufrates patungong Canaan noong Nisan 14, 1943 B.C.E., at maliwanag na nagkabisa ang tipang Abrahamiko nang panahong iyon. Matapos siyang maglakbay papasók sa Canaan hanggang sa Sikem, muling nagpakita ang Diyos kay Abraham at pinalawak Niya ang pangako, sa pagsasabing, “Sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lupaing ito.” Sa gayo’y ipinahiwatig ng Diyos na ang tipang iyon ay nauugnay sa pangako sa Eden, at isiniwalat niya na ang “binhi” ay mabubuhay bilang tao, samakatuwid nga, magmumula sa linya ng angkan ng mga tao. (Gen 12:4-7) Nang maglaon, pinalawak pa ni Jehova ang pangakong iyon, gaya ng nakaulat sa Genesis 13:14-17; 15:18; 17:2-8, 19; 22:15-18.
Ang mga pangako ng tipan ay ipinamana sa mga inapo ni Abraham sa pamamagitan ni Isaac (Gen 26:2-4) at ni Jacob. (Gen 28:13-15; 35:11, 12) Sinabi ng apostol na si Pablo na ang tunay na “binhi” ay si Kristo (bilang pangunahing bahagi nito) at yaong mga kaisa ni Kristo.—Gal 3:16, 28, 29.
Isiniwalat ng Diyos ang layunin at mga isasagawa ng tipang Abrahamiko. Sinabi niya na darating ang binhing ipinangako sa pamamagitan ni Abraham. Aariin ng binhing ito ang pintuang-daan ng kaniyang mga kaaway. Ang binhi ni Abraham sa pamamagitan ni Isaac ay magiging marami, anupat di-mabibilang ng mga tao noong panahong iyon. Padadakilain ang pangalan ni Abraham. Aariin ng binhi ang Lupang Pangako. Pagpapalain ng lahat ng pamilya sa lupa ang kanilang sarili sa pamamagitan ng binhi. (Tingnan ang nabanggit na mga teksto mula sa Genesis.) Nagkaroon ng literal na katuparan ang mga bagay na ito, na sumasagisag naman sa mas malaking katuparan sa pamamagitan ni Kristo. Nilinaw rin ni Pablo na makasagisag at makahula ang mga kundisyon ng tipang ito nang sabihin niya na sina Abraham, Sara, Isaac, Hagar, at Ismael ay mga tauhan sa isang makasagisag na drama.—Gal 4:21-31.
Ang tipang Abrahamiko ay isang “tipan hanggang sa panahong walang takda.” Dahil sa mga kundisyon nito, kailangan itong magpatuloy hanggang sa maisakatuparan ang pagpuksa sa lahat ng kaaway ng Diyos at ang pagpapala sa mga pamilya sa lupa.—Gen 17:7; 1Co 15:23-26.
Nang tinatalakay niya ang tipang Abrahamiko at ang tipang Kautusan, sinabi ni Pablo ang simulain na “walang tagapamagitan kapag iisang persona lamang ang nasasangkot,” at pagkatapos ay idinagdag niya na “ang Diyos ay iisa lamang.” (Gal 3:20; tingnan ang TAGAPAMAGITAN.) Si Jehova ang nakipagtipan kay Abraham. Sa totoo, iyon ay isang pangako, at hindi tinakdaan ni Jehova si Abraham ng mga kundisyon na dapat nitong abutin para matupad ang pangako. (Gal 3:18) Kaya naman hindi kailangan ang isang tagapamagitan. Sa kabilang dako, ang tipang Kautusan ay pandalawahang panig. Ito’y sa pagitan ni Jehova at ng bansang Israel, at si Moises ang tagapamagitan. Sumang-ayon ang mga Israelita sa mga kundisyon ng tipan, at nagbitiw sila ng sagradong pangako na susundin nila ang Kautusan. (Exo 24:3-8) Hindi pinawalang-bisa ng tipang ito ang tipang Abrahamiko.—Gal 3:17, 19.
Tipan ng Pagtutuli. Ang tipan ng pagtutuli ay ginawa noong 1919 B.C.E., nang si Abraham ay 99 na taóng gulang. Nakipagtipan si Jehova kay Abraham at sa kaniyang likas na binhi. Dapat tuliin ang lahat ng lalaki sa kaniyang sambahayan, kasama ang mga alipin. Sinumang tatanggi ay lilipulin mula sa kaniyang bayan. (Gen 17:9-14) Nang maglaon, sinabi ng Diyos na kung may naninirahang dayuhan na nagnanais kumain ng paskuwa (anupat nais niyang maging mananamba ni Jehova kasama ng Israel), kailangan niyang ipatuli ang mga lalaki sa kaniyang sambahayan. (Exo 12:48, 49) Ang pagtutuli ay nagsilbing tatak ng katuwirang tinaglay ni Abraham sa pamamagitan ng pananampalataya samantalang nasa di-tuling kalagayan, at iyon ay naging pisikal na tanda ng pakikipagtipan kay Jehova ng mga inapo ni Abraham sa pamamagitan ni Jacob. (Ro 4:11, 12) Kinilala ng Diyos ang pagtutuli hanggang sa magwakas ang tipang Kautusan noong 33 C.E. (Ro 2:25-28; 1Co 7:19; Gaw 15) Bagaman isinasagawa ang pisikal na pagtutuli sa ilalim ng Kautusan, paulit-ulit na ipinakita ni Jehova na mas mahalaga sa kaniya ang isinasagisag nito, anupat pinayuhan niya ang Israel na ‘tuliin ang dulong-balat ng kanilang mga puso.’—Deu 10:16; Lev 26:41; Jer 9:26; Gaw 7:51.
Tipang Kautusan. Ang tipang Kautusan sa pagitan ni Jehova at ng bansa ng likas na Israel ay ginawa noong ikatlong buwan pagkaalis nila sa Ehipto, 1513 B.C.E. (Exo 19:1) Ito’y isang pambansang tipan. Ang isang likas na Israelita ay awtomatikong nasa ilalim ng tipang Kautusan mula sa kaniyang kapanganakan at sa gayo’y may pantanging kaugnayan kay Jehova. Ang Kautusan ay nasa anyong kodigo, nakatala nang maayos, anupat nakapangkat-pangkat ang mga batas nito. Inihatid ito ng mga anghel sa pamamagitan ng kamay ng isang tagapamagitan, si Moises, at binigyang-bisa sa pamamagitan ng paghahain ng mga hayop (bilang kahalili ni Moises, ang tagapamagitan, o “nagpangyari ng tipan”) sa Bundok Sinai. (Gal 3:19; Heb 2:2; 9:16-20) Nang pagkakataong iyon, iwinisik ni Moises sa altar ang kalahati ng dugo ng mga hayop na inihain, pagkatapos ay binasa niya ang aklat ng tipan sa pandinig ng bayan, na sumang-ayong maging masunurin. Pagkatapos ay iwinisik niya ang dugo sa aklat at sa bayan. (Exo 24:3-8) Sa ilalim ng Kautusan, itinatag ang isang pagkasaserdote sa sambahayan ni Aaron, na mula sa pamilya ni Kohat na mula naman sa tribo ni Levi. (Bil 3:1-3, 10) Ang mataas na pagkasaserdote ay nagsimula kay Aaron at ipinamamana mula sa ama tungo sa anak, kung kaya hinalinhan ni Eleazar si Aaron, hinalinhan ni Pinehas si Eleazar, at patuloy.—Bil 20:25-28; Jos 24:33; Huk 20:27, 28.
Ayon sa mga kundisyon ng tipang Kautusan, kung iingatan ng mga Israelita ang tipan, sila’y magiging isang bayan ukol sa pangalan ni Jehova, isang kaharian ng mga saserdote at isang banal na bansa, at pagpapalain niya sila. (Exo 19:5, 6; Deu 28:1-14) Kung lalabagin nila ang tipan, susumpain sila. (Deu 28:15-68) Layunin ng tipang Kautusan na ihayag ang mga pagsalansang (Gal 3:19), akayin ang mga Judio tungo kay Kristo (Gal 3:24), magsilbing anino ng mabubuting bagay na darating (Heb 10:1; Col 2:17), ipagsanggalang ang mga Judio mula sa huwad at paganong relihiyon at ingatan ang tunay na pagsamba kay Jehova, at ingatan ang linya ng binhing ipinangako. Idinagdag ito sa tipan kay Abraham (Gal 3:17-19) at inorganisa nito ang bansang likas na binhi ni Abraham sa pamamagitan ni Isaac at ni Jacob.
Nakinabang din sa tipang Kautusan ang iba na di-kabilang sa likas na Israel, sapagkat sa pamamagitan ng pagpapatuli ay maaari silang maging mga proselita at tumanggap ng maraming kapakinabangang nagmumula sa Kautusan.—Exo 12:48, 49.
Paano naging “lipas na” ang tipang Kautusan?
Gayunman, masasabing naging “lipas na” ang tipang Kautusan nang ipatalastas ng Diyos sa pamamagitan ng propetang si Jeremias na magkakaroon ng isang bagong tipan. (Jer 31:31-34; Heb 8:13) Noong 33 C.E., ang tipang Kautusan ay kinansela salig sa kamatayan ni Kristo sa pahirapang tulos (Col 2:14) at hinalinhan iyon ng bagong tipan.—Heb 7:12; 9:15; Gaw 2:1-4.
Tipan sa Tribo ni Levi. Nakipagtipan si Jehova sa tribo ni Levi na ibubukod ang buong tribo nila upang maglingkod sa tabernakulo, kasama na rito ang pagkasaserdote. Naganap ito sa ilang ng Sinai noong 1512 B.C.E. (Exo 40:2, 12-16; Mal 2:4) Si Aaron at ang kaniyang mga anak, na mula sa pamilya ni Kohat, ay magiging mga saserdote, at ang ibang mga pamilya mula kay Levi ang mag-aasikaso sa ibang mga tungkulin, gaya ng pagtatayo ng tabernakulo, paglilipat nito, at iba pang mga gawain. (Bil 3:6-13; kab 4) Nang maglaon, naglingkod din sila sa templo. (1Cr 23) Isinagawa ang serbisyo ng pagtatalaga para sa pagkasaserdote noong Nisan 1-7, 1512 B.C.E., at nagsimula silang maglingkod noong Nisan 8. (Lev kab 8, 9) Ang mga Levita ay walang manang lupain, ngunit tumatanggap sila ng mga ikapu mula sa ibang mga tribo, at binigyan sila ng mga nakapaloob na lunsod na matatahanan nila. (Bil 18:23, 24; Jos 21:41) Dahil sa sigasig ni Pinehas para sa bukod-tanging debosyon kay Jehova, ang Diyos ay nakipagtipan sa kaniya ng isang tipan ng kapayapaan, isang tipan para sa pagkasaserdote hanggang sa panahong walang takda para sa kaniya at sa kaniyang supling. (Bil 25:10-13) Nanatiling may bisa ang tipan kay Levi hanggang sa magwakas ang tipang Kautusan.—Heb 7:12.
Pakikipagtipan sa Israel sa Moab. Bago pumasok ang Israel sa Lupang Pangako, noong 1473 B.C.E., nakipagtipan si Jehova sa likas na Israel sa Moab. (Deu 29:1; 1:3) Noon ay muling binigkas at ipinaliwanag ni Moises ang kalakhang bahagi ng Kautusan. Layunin ng tipang ito na pasiglahin ang katapatan kay Jehova at gumawa ng ilang pagbabago at magtakda ng mga utos na kailangan ng mga Israelita habang nagbabago ang kanilang kalagayan mula sa pagpapagala-gala tungo sa pamimirmihan sa lupain. (Deu 5:1, 2, 32, 33; 6:1; ihambing ang Lev 17:3-5 sa Deu 12:15, 21.) Nagwakas ang tipang ito nang pawiin ang tipang Kautusan, yamang ito’y mahalagang bahagi ng Kautusan.
2Sa 7:11-16) Ayon sa tipang ito, isang anak na mula sa linya ni David ang magmamay-ari sa trono magpakailanman at magtatayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova. Sa tipang ito, layunin ng Diyos na maglaan ng isang dinastiya ng mga hari para sa mga Judio. Layunin din niyang ibigay kay Jesus, bilang tagapagmana ni David, ang legal na karapatan sa trono ni David, samakatuwid nga, ang “trono ni Jehova” (1Cr 29:23; Luc 1:32), at maipakilala si Jesus bilang ang Mesiyas. (Eze 21:25-27; Mat 1:6-16; Luc 3:23-31) Hindi kasama sa tipang ito ang pagkasaserdote. Ang Levitikong mga saserdote ay naglingkod na kaagapay ng mga haring mula sa linya ni David. Gayunman, sa ilalim ng Kautusan, magkahiwalay ang pagkasaserdote at ang pagkahari. Yamang kinikilala ni Jehova ang pagkaharing iyon at gagamitin niya iyon magpakailanman, ang tipan kay David ay magpasawalang-hanggan.—Isa 9:7; 2Pe 1:11.
Tipan kay Haring David. Ang tipan kay David ay ginawa noong naghahari siya sa Jerusalem (1070-1038 B.C.E.), at ang mga partido rito ay si Jehova at si David, na kumakatawan sa kaniyang pamilya. (Tipan Upang Maging Saserdoteng Tulad ni Melquisedec. Ang tipang ito ay ipinahayag sa Awit 110:4, at ikinapit ito kay Kristo ng manunulat ng aklat ng Mga Hebreo sa Hebreo 7:1-3, 15-17. Ito’y tipan na tanging kay Jesu-Kristo ipinakipagtipan ni Jehova. Lumilitaw na tinukoy ito ni Jesus nang makipagtipan siya sa kaniyang mga tagasunod ukol sa isang kaharian. (Luc 22:29) Sa pamamagitan ng ipinanatang sumpa ni Jehova, si Jesu-Kristo, ang makalangit na Anak ng Diyos, ay magiging isang saserdote ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec. Si Melquisedec ay naging hari at saserdote ng Diyos sa lupa. Manunungkulan si Jesu-Kristo kapuwa bilang Hari at Mataas na Saserdote, hindi sa lupa, kundi sa langit. Permanente siyang itinalaga sa katungkulang ito pagkaakyat niya sa langit. (Heb 6:20; 7:26, 28; 8:1) Ang tipang ito ay may bisa magpakailanman, yamang maglilingkod si Jesus bilang Hari at Mataas na Saserdote magpakailanman sa ilalim ng patnubay ni Jehova.—Heb 7:3.
Bagong Tipan. Noong ikapitong siglo B.C.E., inihula ni Jehova, sa pamamagitan ng propetang si Jeremias, ang bagong tipan, anupat sinabi niya na hindi iyon magiging gaya ng tipang Kautusan na sinira ng Israel. (Jer 31:31-34) Noong gabi bago siya mamatay, Nisan 14, 33 C.E., habang itinatatag niya ang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon, ipinatalastas ni Jesu-Kristo ang tungkol sa bagong tipan, na bibigyang-bisa ng kaniyang hain. (Luc 22:20) Noong ika-50 araw mula nang siya’y buhaying-muli at 10 araw pagkaakyat niya sa kaniyang Ama, ang banal na espiritu, na tinanggap niya mula kay Jehova, ay ibinuhos niya sa kaniyang mga alagad na nagkakatipon sa isang silid sa itaas sa Jerusalem.—Gaw 2:1-4, 17, 33; 2Co 3:6, 8, 9; Heb 2:3, 4.
Ang mga partido sa bagong tipan ay si Jehova at ang “Israel ng Diyos,” ang mga inianak-sa-espiritu na kaisa ni Kristo, na bumubuo sa kaniyang kongregasyon o katawan. (Heb 8:10; 12:22-24; Gal 6:15, 16; 3:26-28; Ro 2:28, 29) Binigyang-bisa ito ng itinigis na dugo (ang inihaing buhay-tao) ni Jesu-Kristo, na ang halaga ay iniharap kay Jehova pagkaakyat ni Jesus sa langit. (Mat 26:28) Kapag pinili ng Diyos ang isa para sa makalangit na pagtawag (Heb 3:1), dinadala siya ng Diyos sa Kaniyang tipan salig sa hain ni Kristo. (Aw 50:5; Heb 9:14, 15, 26) Si Jesu-Kristo ang Tagapamagitan ng bagong tipan (Heb 8:6; 9:15) at ang pangunahing Binhi ni Abraham. (Gal 3:16) Bilang Tagapamagitan ng bagong tipan, tinutulungan ni Jesus yaong mga kabilang sa tipan upang sila’y maging bahagi ng tunay na binhi ni Abraham (Heb 2:16; Gal 3:29) sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Ipinahahayag silang matuwid ni Jehova.—Ro 5:1, 2; 8:33; Heb 10:16, 17.
Ang inianak-sa-espiritu at pinahirang mga kapatid na ito ni Kristo ay magiging mga katulong na saserdote ng Mataas na Saserdote, “isang maharlikang pagkasaserdote.” (1Pe 2:9; Apo 5:9, 10; 20:6) Gumaganap sila ng gawaing pansaserdote, isang “pangmadlang paglilingkod” (Fil 2:17), at tinatawag silang “mga ministro ng isang bagong tipan.” (2Co 3:6) Ang mga tinawag na ito ay dapat na maingat at may-katapatang sumunod sa mga yapak ni Kristo hanggang sa isuko nila ang kanilang buhay sa kamatayan. Kung magkagayon ay gagawin sila ni Jehova na isang kaharian ng mga saserdote at mga kabahagi sa tulad-Diyos na kalikasan, at gagantimpalaan niya sila ng imortalidad at kawalang-kasiraan bilang mga kasamang tagapagmana ni Kristo sa langit. (1Pe 2:21; Ro 6:3, 4; 1Co 15:53; 1Pe 1:4; 2Pe 1:4) Layunin ng tipan na kumuha ng isang bayan ukol sa pangalan ni Jehova bilang bahagi ng “binhi” ni Abraham. (Gaw 15:14) Sila ang magiging “kasintahang babae” ni Kristo at ang kalipunan ng mga tao na dadalhin ni Kristo sa isang tipan ukol sa Kaharian, upang mamahalang kasama Niya. (Ju 3:29; 2Co 11:2; Apo 21:9; Luc 22:29; Apo 1:4-6; 5:9, 10; 20:6) Upang maisakatuparan ang layunin ng bagong tipan, kailangan itong manatiling may bisa hanggang sa ang lahat ng kabilang sa “Israel ng Diyos” ay buhaying-muli tungo sa imortalidad sa langit. Ang mga pakinabang na idudulot nito ay magiging walang hanggan, kaya naman matatawag itong isang “walang-hanggang tipan.”—Heb 13:20.
Ang Tipan ni Jesus sa Kaniyang mga Tagasunod. Noong gabi ng Nisan 14, 33 C.E., matapos ipagdiwang ang Hapunan ng Panginoon, ginawa ni Jesus ang tipang ito sa kaniyang tapat na mga apostol. Pinangakuan niya ang 11 tapat na apostol na Luc 22:28-30; ihambing ang 2Ti 2:12.) Nang maglaon, ipinakita niya na saklaw ng pangakong ito ang lahat ng inianak-sa-espiritu na mga “nananaig.” (Apo 3:21; tingnan din ang Apo 1:4-6; 5:9, 10; 20:6.) Noong araw ng Pentecostes, pinasinayaan niya ang tipang ito sa kanila sa pamamagitan ng pagpapahid ng banal na espiritu sa mga alagad na nasa isang silid sa itaas sa Jerusalem. (Gaw 2:1-4, 33) Yaong mga mananatiling kasama niya sa mga pagsubok at mamamatay sa kamatayan na tulad ng sa kaniya (Fil 3:10; Col 1:24) ay maghaharing kasama niya sa Kaharian. Ang tipang ito ay mananatiling may bisa sa pagitan ni Jesu-Kristo at ng mga kasamang haring ito magpakailanman.—Apo 22:5.
uupo sila sa mga trono. (Iba Pang mga Tipan. (a) Pakikipagtipan ni Josue at ng mga pinuno ng Israel sa mga tumatahan sa lunsod ng Gibeon na pababayaan nilang mabuhay ang mga ito. Bagaman ang mga Gibeonita ay isinumpang mga Canaanita na dapat lipulin ng mga Israelita, itinuring pa ring may bisa ang tipan at pinahintulutan silang mabuhay. Gayunman, tinupad ang sumpa dahil ginawa silang mga tagakuha ng kahoy at mga tagasalok ng tubig para sa kapulungan ng Israel. (Jos 9:15, 16, 23-27) (b) Pakikipagtipan ni Josue sa Israel na maglilingkod sila kay Jehova. (Jos 24:25, 26) (c) Tipan ng matatandang lalaki ng Gilead kay Jepte sa Mizpa na gagawin nila siyang ulo ng mga tumatahan sa Gilead kung ibibigay ni Jehova sa kaniya ang tagumpay laban sa mga Ammonita. (Huk 11:8-11) (d) Tipan sa pagitan ni Jonatan at ni David. (1Sa 18:3; 23:18) (e) Tipan ni Jehoiada na saserdote sa mga pinuno ng tagapagbantay na Cariano at ng mga mananakbo. (2Ha 11:4; 2Cr 23:1-3) (f) Tipan ng Israel kay Jehova na hihiwalayan nila ang mga asawang banyaga. (Ezr 10:3) (g) Pagbibigay ni Jehova ng kaniyang lingkod bilang isang tipan ng (para sa) bayan. (Isa 42:6; 49:8) (h) Pakikipagtipan ni David sa lahat ng matatandang lalaki ng Israel, sa Hebron. (1Cr 11:3) (i) Isang tipang ginawa ng bayan, noong naghahari si Asa, na hahanapin nila si Jehova nang kanilang buong puso at kaluluwa. (2Cr 15:12) (j) Pakikipagtipan ni Josias kay Jehova na tutuparin niya ang mga utos ni Jehova, alinsunod sa Kautusan. (2Cr 34:31) (k) Inakala ng “mayayabang” na tagapamahala sa Jerusalem na ligtas sila dahil sa kanilang “pakikipagtipan sa Kamatayan.”—Isa 28:14, 15, 18.