Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tipsa

Tipsa

1. Isang lugar sa pinakadulong H ng kaharian ni Solomon. (1Ha 4:24) Ipinapalagay ng ilan na ito ay ang Dibseh na nasa Ilog Eufrates, mga 90 km (56 na mi) sa STS ng Aleppo at mga ganoon din ang distansiya mula sa pinagsasalubungan ng mga ilog ng Eufrates at ng Balikh.

2. Isang lugar na lumilitaw na nasa kapaligiran ng Tirza at pinabagsak ni Haring Menahem ng Israel (mga 790-781 B.C.E.). (2Ha 15:16) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Hawig ng pangalan nito ang Khirbet Tafsah, na mga 10 km (6 na mi) sa KTK ng sinaunang Sikem. Gayunman, waring napakalayo ng Khirbet Tafsah mula sa ipinapalagay na lugar ng Tirza para masabing iyon ang lokasyon ng Tipsa na ito.