Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tiras

Tiras

Isa sa pitong anak na lalaki ni Japet. (Gen 10:2; 1Cr 1:5) Ang mga tao na nagmula sa mga anak ni Japet ay “nangalat sa kanilang mga lupain, bawat isa ayon sa wika nito.”​—Gen 10:5.

Karaniwan nang ipinapalagay ng mga iskolar sa ngayon na ang Tiras ay siya ring Tyr·se·noiʹ na binanggit ng mga klasikal na Griegong manunulat, tinawag ding Tyr·rhe·noiʹ. Ang Tyr·se·noiʹ ay mga taong naglalayag sa dagat at naninirahan sa mga pulo at mga baybaying lupain ng Dagat Aegeano.