Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tirsata

Tirsata

Ang Persianong titulo para sa gobernador ng isang nasasakupang distrito. Sa limang paggamit sa titulong ito, masusumpungan sa unahan nito ang Hebreong pamanggit na pantukoy na ha, kaya naman sa Ingles ito ay “the Tirshatha.”

Ang mga opisyal na tinukoy sa Bibliya sa titulong “Tirsata” ay namahala sa Juda, isa sa mga probinsiya ng Persia. Maliwanag na si Zerubabel ang Tirsata na binabanggit sa Ezra 2:63 at Nehemias 7:65, 70. Nang maglaon, nang si Nehemias ay maging gobernador, siya ang naging Tirsata at gayon siya tinutukoy sa Nehemias 8:9 at 10:1.