Tirza
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “malugod; sang-ayunan”].
1. Isa sa limang anak na babae ng Manasitang si Zelopehad at kapanahon nina Moises at Josue.—Bil 26:29, 33; 27:1-7; 36:11, 12; Jos 17:3, 4.
2. Isang lunsod sa Samaria. Ang arkeolohikal na katibayan ay waring pumapabor na iugnay ito sa Tell el-Farʽah, na mga 10 km (6 na mi) sa HHS ng Sikem.
Sa ilalim ng pangunguna ni Josue, tinalo ng mga Israelita ang hari ng Tirza. (Jos 12:7, 24) Pagkaraan ng maraming siglo, inilipat ni Jeroboam, na unang hari ng hilagang kaharian, ang kaniyang tirahan sa Tirza. (Ihambing ang 1Ha 12:25; 14:17.) Maliwanag na ang Tirza pa rin ang kabisera ng hilagang kaharian noong panahon ng mga paghahari ng anak ni Jeroboam na si Nadab (1Ha 15:25-28) at ng mga humalili sa kaniya na sina Baasa, Elah, at Zimri. (1Ha 15:33; 16:5, 6, 8, 15) Ang huling nabanggit na hari, si Zimri, ay nagpatiwakal sa Tirza nang mabihag ni Omri ang lunsod. (1Ha 16:17-20) Pagkatapos maghari sa Tirza sa loob ng anim na taon, itinayo ni Omri ang Samaria at ginawa niyang kaniyang kabisera ang lunsod na iyon. (1Ha 16:23, 24, 29) Pagkaraan ng mahigit na 150 taon, pinatay ni Menahem, na naninirahan sa Tirza, si Salum at naging hari siya sa Samaria.—2Ha 15:14, 17.