Tob
Isang “lupain.” Dito tumakas si Jepte mula sa kaniyang mga kapatid sa ama. Sa Tob ay nagtipon siya ng isang hukbo ng mga lalaki bago siya hinilingan ng kaniyang mga kapatid sa ama na maging kumandante nila sa pakikipaglaban sa mga Ammonita. (Huk 11:3-11) Posibleng may isa pang pagtukoy sa Tob ang Bibliya kung ang pangalang Istob ay isasaling “mga lalaki ng Tob” sa 2 Samuel 10:6-8. (Tingnan ang AS, JP, RS, tlb sa Rbi8.) Hindi matiyak kung saan ang lokasyon ng Tob. Gayunman, kadalasang ipinapalagay na ito ay ang rehiyong nakapalibot sa Taiyiba, na mga 60 km (37 mi) sa STS ng Dagat ng Galilea.