Tola
[Telang Krimson (Iskarlata)].
1. Unang binanggit na anak ni Isacar na sumama sa sambahayan ni Jacob patungong Ehipto noong 1728 B.C.E. (Gen 46:8, 13) Ang mga anak ni Tola at ang ilan sa kaniyang mga apo ang pinagmulan ng mataong mga pantribong pamilya sa Isacar, sa kabuuan ay kilala bilang mga Tolaita.—Bil 26:23; 1Cr 7:1-4.
2. Isang hukom ng Israel; ang anak ni Pua. Si Tola ay isang inapo ni Isacar, ngunit nanirahan siya at nang maglaon ay inilibing sa bulubunduking pook ng Efraim. Walang itinalang mga karanasan mula sa kaniyang 23-taóng pagiging hukom.—Huk 10:1, 2.