Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tolda ng Kapisanan

Tolda ng Kapisanan

Isang pananalita na ikinapit kapuwa sa tolda ni Moises (Exo 33:7) at sa sagradong tabernakulo na itinayo sa ilang. (Exo 39:32, 40; 40:2, 6, 7, 22, 24, 26, 29, 30, 32, 34, 35) Sa loob ng ilang panahon habang hindi pa naitatayo ang tabernakulo, ang tolda ni Moises ay nagsilbing isang pansamantalang santuwaryo. Ito’y sapagkat ang ulap, na kumakatawan sa presensiya ni Jehova, ay tumitigil mismo “sa” (malamang, sa harap ng) pasukan ng toldang ito kapag pumapasok dito si Moises, at dito nakikipag-usap si Jehova kay Moises. Maliwanag na tinawag itong “tolda ng kapisanan” dahil kailangang magtungo rito ang bayan kapag sila’y sumasangguni kay Jehova. Sa gayon, sa diwa, dito sila nagpipisan upang makipagtipon kay Jehova. (Exo 33:7-11) Lumilitaw na ito rin ang dahilan kung bakit tinawag na “tolda ng kapisanan” ang sagradong tabernakulo.​—Tingnan ang TABERNAKULO.