Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Trifena

Trifena

[mula sa salitang-ugat na Gr. na nangangahulugang “mamuhay nang marangya”].

Isang babaing Kristiyano sa Roma na binati ni Pablo sa kaniyang liham at pinapurihan ito sa kaniyang masikap na pagpapagal. (Ro 16:12) Si Trifena at si Trifosa, na nakatalang kasama ni Trifena, ay maaaring magkapatid sa laman, sapagkat karaniwan sa mga miyembro ng isang pamilya na magkaroon ng mga pangalang hinalaw sa iisang salitang-ugat, gaya sa kasong ito. Ang mga pangalang ito ay kapuwa karaniwan sa mga babaing nasa sambahayan ni Cesar; ngunit hindi sinasabi ng ulat kung ang dalawang babaing ito ay kabilang sa sambahayang iyon.​—Fil 4:22.