Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tuwid

Tuwid

Isang lansangan sa Damasco, Sirya. (Gaw 9:10, 11; LARAWAN, Tomo 2, p. 748) Noong yugtong Romano, isa itong pangunahing daanan na bumabagtas sa lunsod mula silangan hanggang kanluran nang humigit-kumulang 1.5 km (1 mi). Ang gitnang kalye para sa mga sasakyan ay mga 15 m (50 piye) ang lapad, na may mga daanan na may kolonada sa dalawang panig nito para sa mga naglalakad. Sa kabuuan, ang malaking lansangang ito ay may lapad na mga 26 na m (85 piye). Taglay pa rin nito ang katumbas sa Arabe ng dati nitong pangalan (Darb al-Mustaqim), bagaman hindi na ito tuwid na tuwid, patungo itong K mula sa Silangang Pintuang-daan ng lunsod. Sa sinaunang lansangang ito, sa bahay ng isang lalaki na nagngangalang Hudas, nanuluyan si Saul ng Tarso nang ilang panahon matapos na magpakita sa kaniya ang niluwalhating si Jesu-Kristo. Sa isang pangitain, inutusan ni Jesus ang alagad na si Ananias na pumaroon sa tahanang ito sa “lansangan na tinatawag na Tuwid” upang panauliin ang paningin ni Saul.​—Gaw 9:3-12, 17-19.