Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Uma

Uma

Isang lunsod na di-matukoy ang lokasyon at nasa hangganan ng teritoryo ng Aser. (Jos 19:29-31) Iniisip ng ilang iskolar na ang “Uma” ay resulta ng tekstuwal na pagbago sa “Aco” (ang huling nabanggit na pangalan ay lumilitaw sa talaang ito sa ilang manuskrito ng Griegong Septuagint at sa talaan ng Huk 1:31), ngunit hindi ito tiyak.