Urbano
[mula sa Lat., nangangahulugang “Pino; Elegante”].
Isang Kristiyanong taga-Roma na binati sa liham ni Pablo. (Ro 16:9) Ang pangalan ay malimit na matatagpuan sa mga inskripsiyon ng sambahayan ni Cesar, ngunit hindi sinasabi ng ulat kung ang Urbanong ito ay isang lingkod ng emperador.