Uri, II
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “liwanag”].
1. Inapo ni Juda sa pamamagitan nina Perez, Hezron, Caleb, at Hur. Ang anak ni Uri na si Bezalel ay isang kilalang bihasang manggagawa ng tabernakulo.—Exo 31:2; 35:30; 38:22; 1Cr 2:4, 5, 9, 18-20; 2Cr 1:5.
2. Ama ni Geber na isa sa mga kinatawan ni Solomon para sa paglalaan ng pagkain.—1Ha 4:7, 19.
3. Isa sa tatlong Levitang bantay ng pintuang-daan na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak dahil sa payo ni Ezra.—Ezr 10:10, 11, 24, 44.