Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Uz

Uz

1. Isang anak ni Aram at apo sa tuhod ni Noe sa pamamagitan ni Sem.​—Gen 10:22, 23; 1Cr 1:17.

2. Panganay na anak nina Nahor at Milca; pamangkin ni Abraham.​—Gen 22:20, 21.

3. Anak ni Disan at inapo ni Seir na Horita.​—Gen 36:20, 21, 28.

4. Sariling lupain ni Job (Job 1:1), kung saan namayan si Uz, ngunit hindi masabi nang may katiyakan kung ang Uz na iyon ay anak ni Aram o anak ni Nahor. (Gen 10:22, 23; 22:20, 21) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Waring ang Uz ay malapit sa Edom, anupat dahil dito ay naging posible na palawakin nang maglaon ang nasasakupan ng Edom hanggang sa Uz, o na manirahan ang ilang mas huling mga Edomita sa “lupain ng Uz,” gaya ng sinasabi sa Panaghoy 4:21. Inatasan si Jeremias na ipasa ang kopa ng poot ng Diyos sa “lahat ng hari sa lupain ng Uz,” at kalakip sa kalapit na konteksto ang mga pagtukoy sa Filistia, Edom, Moab, at Ammon. (Jer 25:15, 17, 20, 21) Ang sariling lupain ni Job ay madaling salakayin ng mga Sabeano (mula sa T) at mga Caldeo (mula sa S). (Job 1:15, 17) Kung pagsasama-samahin, ipinahihiwatig ng mga salik na ito ang isang lokasyon sa S ng Lupang Pangako malapit sa Edom, sa H Arabia.