Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Uza

Uza

[posibleng pinaikling anyo ng Uzias, nangangahulugang “Ang Aking Lakas ay si Jehova”].

1. Isang Benjamita.​—1Cr 8:1, 7.

2. Isang pangalang kaugnay ng isang hardin. Ang mga haring sina Manases at Amon ng Juda ay inilibing sa hardin ni Uza sa halip na sa karaniwang maharlikang mga dakong libingan. (2Ha 21:18, 23, 26) Hindi kilala si Uza ni ang hardin. Yamang may mga taong inilibing doon, ang dako ay hindi maaaring nasa bakuran ng templo, at yamang ang maharlikang palasyo ay karatig ng templo, ang “bahay” ni Manases sa hardin ni Uza ay maaaring isang tahanang pantag-araw.

3. Ulo ng isang pamilya ng mga Netineo, na ang ilan sa mga ito ay bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E.​—Ezr 2:1, 2, 43, 49; Ne 7:51.