Uzi
[pinaikling anyo ng Uzias].
1. Isang anak o inapo ni Tola sa tribo ni Isacar. Si Uzi at ang ilan sa kaniyang mga inapo ay naging mga ulo ng mga sambahayan ng mga ninuno.—1Cr 7:1-3.
2. Isang inapo ni Benjamin sa pamamagitan ni Bela. Si Uzi ay isang ulo ng pantribong pamilya.—1Cr 7:6, 7.
3. Isang inapo ni Aaron sa pamamagitan ni Eleazar sa linya ng mga mataas na saserdote; posibleng apo sa tuhod ni Pinehas; ninuno ng manunulat ng Bibliya na si Ezra.—1Cr 6:3-6, 51; Ezr 7:1-5.
4. Isang Benjamita na ang anak o inapo ay nanirahan sa Jerusalem pagkaraan ng pagkatapon.—1Cr 9:3, 7-9.
5. Tagapangasiwa ng mga Levita sa Jerusalem ilang panahon pagkaraan ng pagkatapon; inapo ni Asap.—Ne 11:22.
6. Ulo ng makasaserdoteng sambahayan ni Jedaias sa panig ng ama noong panahon ng kahalili ng mataas na saserdoteng si Jesua na si Joiakim. (Ne 12:1, 12, 19) Posibleng siya rin ang Blg. 7.
7. Isang saserdote na nakapuwesto kasama ni Nehemias sa templo ukol sa pagpapasinaya ng muling-itinayong pader ng Jerusalem. (Ne 12:27, 40-42) Marahil ay siya rin ang Blg. 6.