Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Uziel

Uziel

[Ang Diyos ay Lakas].

1. Ang huling binanggit sa apat na anak ni Kohat; apo ni Levi; tiyo nina Moises at Aaron. Ang tatlong anak ni Uziel, sina Misael, El(i)sapan, at Sitri, ay naging mga ulo ng mga pantribong pamilya ng Levi.​—Exo 6:16, 18, 20, 22; Lev 10:4; Bil 3:19, 30; 1Cr 6:2, 18; 23:12; tingnan ang UZIELITA, MGA.

2. Ulo ng pamilya sa tribo ni Benjamin; anak o inapo ni Bela.​—1Cr 7:6, 7.

3. Isang Levitang manunugtog na mula sa pamilya ni Heman, inatasan upang manguna sa ika-11 pangkat ni David sa pagtugtog; tinatawag ding Azarel.​—1Cr 25:1, 4, 18.

4. Levitang inapo ni Jedutun na tumulong na magtapon ng maruruming bagay na inalis sa templo noong pasimula ng paghahari ni Hezekias.​—2Cr 29:12, 14, 16.

5. Isa sa apat na Simeonitang anak ni Isi na nanguna sa 500 lalaki patungong Bundok Seir upang lipulin ang nalabi ng mga Amalekita at manirahan doon; kapanahon ni Hezekias.​—1Cr 4:41-43.

6. Isang panday-ginto na tumulong sa pagkukumpuni ng pader ng Jerusalem na pinangasiwaan ni Nehemias; anak ni Harhaias.​—Ne 3:8.