Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Waw

Waw

[ו].

Ang ikaanim na titik ng alpabetong Hebreo. Kapag binibigkas, ang titik na ito ay karaniwan nang katumbas ng Ingles na “w,” gaya sa “wine”; gayunman, kung minsan, sa makabagong Hebreo ay ginagamitan ito ng tunog ng Ingles na “v.” Sa akdang ito, tinutumbasan ito ng transliterasyon na “w” (ו), “u” (וּ), at “oh” (וֹ). Maliban sa paggamit sa titik na ito bilang unlapi, bihira itong gamitin bilang unang titik, anupat kadalasa’y hinahalinhan ng titik na yod (י). Sa Hebreo, lumilitaw ito sa pasimula ng bawat isa sa walong talata ng Awit 119:41-48.