Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zabdi

Zabdi

[pinaikling anyo ng Zabdiel].

1. Isang inapo ni Juda sa pamilya ng mga Zerahita; lolo ni Acan.​—Jos 7:1, 17, 18.

2. Ulo ng isang Benjamitang pamilya na nanirahan sa Jerusalem; anak o inapo ni Simei.​—1Cr 8:1, 19-21, 28.

3. Opisyal sa mga imbakan ng alak ni Haring David sa mga ubasan; isang Sipmita. Isa pang opisyal, si Simei, ang nangasiwa sa mga ubasan mismo.​—1Cr 27:27.

4. Isang Levita na mula sa mga anak ni Asap at ninuno ni Matanias, isang tagapanguna sa musika na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon. (Ne 11:17) Lumilitaw na sa ibang bahagi ng Kasulatan, si Zabdi ay tinatawag na Zicri (1Cr 9:15) at posibleng Zacur.​—1Cr 25:2, 10; Ne 12:35.