Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zacur

Zacur

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “alalahanin”].

1. Isang Rubenita na ang anak na si Samua ay isa sa 12 tiktik na isinugo ni Moises sa Lupang Pangako.​—Bil 13:3, 4.

2. Isang Simeonita na ang mga inapo sa pamamagitan ni Simei ay naging marami.​—1Cr 4:24-27.

3. Isang Meraritang Levita; anak ni Jaazias.​—1Cr 24:26, 27.

4. Ulo ng ikatlong pangkat ng mga Levitang manunugtog; isang anak ni Asap, isang Gersonita. (1Cr 25:2, 10; 6:39, 43; Ne 12:35) Si Zacur ay posibleng tinawag na Zabdi (Ne 11:17) at Zicri.​—1Cr 9:15.

5. Isa na gumawa sa pagtatayo ng pader ng Jerusalem sa ilalim ng pangangasiwa ni Nehemias; anak ni Imri.​—Ne 3:2.

6. Isang Levita na may kinatawan sa mga lagda sa tipan ng katapatan na ipinanukala noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias. Maaaring naroon mismo si Zacur, o marahil ay isa sa kaniyang mga inapo ang lumagda, sa kaniyang pangalan. (Ne 9:38; 10:1, 9, 12) Posibleng siya rin ang Blg. 7.

7. Isang Levita na ang anak na si Hanan ay pinagkatiwalaan ng wastong pamamahagi ng mga ikapu noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias. (Ne 13:10-13) Marahil ay siya rin ang Blg. 6.