Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zalmon

Zalmon

1. Isang Ahohitang mandirigma ni David. (2Sa 23:8, 28) Lumilitaw na tinatawag na Ilai sa 1 Cronica 11:29.

2. Isang bundok na malapit sa Sikem. Mula sa Bundok Zalmon, si Abimelec at ang kaniyang mga hukbo ay pumutol ng kahoy na magagamit nila upang sunugin ang kuta na nasa lunsod ng Sikem. (Huk 9:48, 49) Yamang ang Ebal at Gerizim lamang ang mga bundok na malapit sa Sikem, ang Zalmon ay maaaring isang taluktok o dalisdis ng isa sa mga ito, o kaya’y isang kalapit na burol na di-gaanong prominente.

3. Isang napakataas na taluktok na maliwanag na nasa Basan, sa S ng Jordan. (Aw 68:14, 15) Ito marahil ang pinakamataas na taluktok ng Bundok Hauran (Jebel ed Druz).