Zalmuna
Isa sa mga hari ng Midian na ang mga hukbo at mga kaalyado ay naniil sa Israel sa loob ng pitong taon bago naging hukom si Gideon. (Huk 6:1) Nadaig ng maliit na pangkat ni Gideon ang mga mananalakay at, nang kanilang tugisin ang tumatakas na mga hukbo, nabihag nila at pinatay ang mga haring sina Zeba at Zalmuna.—Huk 6:33; 8:4-21; Aw 83:11, 12; tingnan ang ZEBA.