Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zanoa

Zanoa

[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “bumaho”].

1. Isang Judeanong lunsod sa Sepela. (Jos 15:20, 33, 34, 36) Kabilang ito sa mga lunsod na muling tinahanan pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:25, 30) Maaaring ang mga naninirahan sa Zanoa na ito ang nagkumpuni sa timugang pader ng Jerusalem at sa Pintuang-daan ng Libis. (Ne 3:13) Ipinapalagay na ito ay ang Khirbet Zanuʽ (Horvat Zanoah), na mga 5 km (3 mi) sa TS ng Bet-semes.

2. Isang lunsod sa bulubunduking pook ng Juda. (Jos 15:20, 48, 56, 57) Lumilitaw na ito ang Zanoa na ang “ama” ay si Jekutiel ayon sa 1 Cronica 4:18. (Tingnan ang JEKUTIEL.) Ipinapalagay na ito ay ang Khirbet Beit Amra, na mga 10 km (6 na mi) sa TTK ng Hebron.