Zeboim
[Mga Hayina].
1. Isang libis sa teritoryo ng Benjamin, malapit sa Micmash. Noong mga araw ni Haring Saul, isang pangkat ng mga mananamsam na Filisteo ang lumalabas mula sa Micmash at “lumiliko sa daan na patungo sa hangganan na nakaharap sa libis ng Zeboim, sa dakong ilang.” (1Sa 13:16-18) Bagaman di-matiyak ang lokasyon nito, maaaring ang libis ng Zeboim ay ang Wadi Abu Dabaʽ (nangangahulugang “Libis ng Ama ng mga Hayina”) na mga 10 km (6 na mi) sa STS ng Micmash at mga 13 km (8 mi) sa SHS ng Jerusalem.
2. Isang bayan na tinirahan ng mga Benjamita pagkabalik nila mula sa pagkatapon sa Babilonya. Binanggit ito sa pagitan ng Hadid at Nebalat at kasama ng Lod (Lida). (Ne 11:31, 34, 35) Hindi na alam sa ngayon kung saan ang eksaktong lokasyon nito.