Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zebul

Zebul

[Pagpaparaya; o, posible, Marangal na Tahanan (Tirahan)].

Isang komisyonado ng lunsod ng Sikem, tagasuporta ng anak ni Gideon na si Abimelec. Nang ang isang nagngangalang Gaal at ang mga kapatid nito ay pumaroon sa Sikem at magtangkang sulsulan ang lunsod laban kay Abimelec, ipinagbigay-alam ito ni Zebul kay Abimelec at nang maglaon ay hinamon niyang makipaglaban ang mapaghimagsik na lider na si Gaal upang patunayan nito ang kaniyang ipinaghahambog. Natalo ang mapaghimagsik na mga Sikemita at pinalayas ni Zebul si Gaal at ang mga kapatid nito mula sa lunsod.​—Huk 9:26-41.