Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zeeb

Zeeb

[Lobo].

Isang prinsipe ng Midian na kabilang sa mga hukbong tinalo ni Gideon at ng mga Israelita. Pagkatapos ng kanilang unang pagkatalo, si Zeeb at ang kaniyang kapuwa prinsipe na si Oreb ay tumakas, ngunit nabihag sila at pinatay ng mga Efraimita. Ang tangkeng pang-alak kung saan pinatay si Zeeb ay tinawag ayon sa kaniyang pangalan.​—Huk 6:33; 7:23-25; 8:1-3; Aw 83:11.