Zelopehad
[posibleng nangangahulugang “Lilim (Silungan) Mula sa Panghihilakbot”].
Isang inapo ni Manases sa pamamagitan nina Makir, Gilead, at Heper. (Bil 26:29-33) Namatay si Zelopehad noong panahon ng 40-taóng pagpapagala-gala sa ilang, hindi kasama ‘niyaong mga nagpisan laban kay Jehova sa kapulungan ni Kora, kundi dahil sa kaniyang sariling kasalanan.’ (Bil 27:3) Hindi siya nagkaroon ng mga anak na lalaki ngunit may naiwan siyang limang anak na babae: sina Maala, Noa, Hogla, Milca, at Tirza, na pawang nanatiling buháy at nakapasok sa Lupang Pangako.—Bil 27:1; 1Cr 7:15.
Ang naiibang situwasyong ito ay nagbangon ng mga suliranin may kinalaman sa mana. Nang hilingin ng mga anak na babae ni Zelopehad ang bahagi ng kanilang ama sa lupain ng Manases, dinala ni Moises ang kanilang usapin sa harap ni Jehova. Bilang hudisyal na pasiya ng Diyos, sinabi niya na ang mga anak na babaing walang kapatid na lalaki ang dapat tumanggap ng mana ng pamilya. (Bil 27:1-9; Jos 17:3, 4) Nang maglaon, itinakda na ang mga anak na babaing ito ay kailangang makapag-asawa ng mga lalaking mula sa tribo ng kanilang ama upang ang mana ay manatili sa loob ng tribo.—Bil 36:1-12.