Zelza
Isang lokasyon sa Benjamin. Bilang isang tanda na magpapatunay ng pagiging lider ni Saul sa Israel, masusumpungan niya “malapit sa libingan ni Raquel sa teritoryo ng Benjamin sa Zelza” ang dalawang lalaki at tatanggap siya ng mensahe mula sa mga ito tungkol sa nawawalang mga asnong babae ng kaniyang ama. (1Sa 10:1, 2, 7) Ang Griegong Septuagint ay isinalin upang kabasahan ng “lumukso nang malakas” sa halip na “Zelza.” Gayunman, ang huling nabanggit na termino ang lumilitaw sa Hebreong tekstong Masoretiko. Si Raquel ay inilibing sa isang lugar na di-alam kung saan ‘sa daang mula sa Bethel patungo sa Betlehem’ (Gen 35:16-20), at hindi pa rin matukoy ang lokasyon ng Zelza.