Zenas
Isang kakilala ni Pablo, na may kinalaman sa kaniya ay sinabi kay Tito: “Maingat mong paglaanan si Zenas . . . at si Apolos para sa kanilang paglalakbay.” (Tit 3:13) Nang panahong iyon, maliwanag na si Zenas ay nasa pulo ng Creta, ngunit hindi sinabi kung saan sila pupunta ni Apolos, kung sa Nicopolis, na doon inaasahan ni Pablo na makakatagpo niya si Tito (Tit 3:12), o kung sa iba pang lugar. Sinabi ni Pablo na si Zenas ay “bihasa sa Kautusan[g Mosaiko],” na maaaring nangangahulugan na alinman sa siya ay isang Judio o isang proselitang Judio na nakumberte sa Kristiyanismo. Ang kaniyang pangalang Griego ay higit na susuhay sa huling konklusyon, ngunit hindi ito masasabi nang tiyak, yamang noong unang siglo C.E., pangkaraniwan sa mga Judio ang magkaroon ng mga pangalang Griego o Romano. Kabilang din sa ganitong mga halimbawa sina Justo, Dorcas, at Marcos.—Gaw 1:23; 9:36; 12:25.