Zepat
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “manatiling nagbabantay”].
Isang maharlikang Canaanitang lunsod sa timugang bahagi ng teritoryo ng Juda. Lumilitaw na ito’y nasa T ng Arad, na binihag ng magkasanib na mga hukbo ng Juda at Simeon. (Huk 1:16, 17; ihambing ang Jos 15:30; 19:4.) Binago ang pangalan ng lunsod na ito at ginawang “Horma,” na nangangahulugang “Pagtatalaga sa Pagkapuksa.” Tulad ng iba pang mga lunsod ng mga Canaanita, ang lunsod na ito’y inilagay ni Jehova ‘sa ilalim ng pagbabawal’ at dapat italaga sa pagkapuksa. (Deu 7:1-4) Inilapat ng mga tribo nina Juda at Simeon ang mga kundisyon ng pagbabawal na iyon sa Zepat. Maaaring ang Zepat ang pangunahing Canaanitang lunsod ng distrito o lugar na iyon.—Tingnan ang HORMA.