Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zera

Zera

[posibleng pinaikling anyo ng Zerahias].

1. Isang Edomitang shik. Si Zera ay anak ni Reuel at apo ni Esau at ni Basemat na anak ni Ismael. (Gen 36:3, 4, 13, 17; 1Cr 1:37) Posibleng siya rin ang Blg. 2.

2. Ama ng ikalawang Edomitang hari, si Jobab; siya ay mula sa Bozra. (Gen 36:33; 1Cr 1:44) Posibleng siya rin ang Blg. 1.

3. Isang anak nina Juda at Tamar; kakambal ni Perez. (Gen 38:27-30; Mat 1:3) Si Zera ay isa sa mga “sumama kay Jacob sa Ehipto.” (Gen 46:12, 26) Ang kaniyang limang anak (1Cr 2:4, 6) ay naging isang Judeanong pantribong pamilya (Bil 26:20) at nang bandang huli ay kinabilangan ng mga taong gaya ni Acan (Jos 7:1, 17, 18, 24; 22:20), ng dalawa sa mga lider ng hukbo ni David (1Cr 27:11, 13), at ng ilang tumatahan sa Jerusalem na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon (1Cr 9:3, 6; Ne 11:22, 24).

4. Isang anak ni Simeon at pinagmulan ng isang pamilya sa tribong iyon. (1Cr 4:24; Bil 26:12, 13) Tinatawag siyang Zohar sa Genesis 46:10 at Exodo 6:15.

5. Isang inapo ni Gerson (Gersom) na anak ni Levi. (1Cr 6:16, 20, 21; ihambing ang Gen 46:11.) Maaaring ang tao ring iyon ang tinutukoy sa 1 Cronica 6:41.

6. Isang Etiope, o Cusita, na nanguna sa isang malaking hukbo na isang milyong lalaki at 300 karo patungong Juda noong panahon ng paghahari ni Asa, noong 967 B.C.E. Natalo si Zera, at ang tumatakas na mga hukbo niya ay tinugis at pinatay “hanggang sa Gerar.” (2Cr 14:1, 9-15) Ang pag-uugnay kay Zera sa sinumang tagapamahalang Ehipsiyo o Etiope na kilala sa sekular na kasaysayan ay hindi pa rin matiyak.