Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zicri

Zicri

[pinaikling anyo ng Zacarias, nangangahulugang “Inalaala ni Jehova”].

1. Ikatlong binanggit na anak ni Izhar; apo ni Kohat, isang Levita.​—Exo 6:18, 21.

2, 3, 4. Tatlong ulo ng pamilya sa tribo ni Benjamin, mga tumatahan sa Jerusalem. Sila ay mga anak o mga inapo nina Simei, Sasak, at Jeroham.​—1Cr 8:1, 19, 21, 23, 25, 27, 28.

5. Isang anak ni Asap, at ninuno ng manunugtog na si Matanias na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon. (1Cr 9:15) Sa ibang bahagi ay maaaring tinatawag siyang Zabdi (Ne 11:17) at Zacur.​—1Cr 25:2, 10; Ne 12:35.

6. Isang Levitang inapo ni Moises sa pamamagitan ni Eliezer; ama o ninuno ng Selomot na inatasan, noong panahon ng paghahari ni David, upang mamahala sa mga kayamanan ng mga bagay na sinamsam sa digmaan.​—1Cr 26:25-27; 23:15, 17.

7. Isang Rubenita na ang anak na si Eliezer ay isang pinuno ng tribo noong panahon ng paghahari ni David.​—1Cr 27:16.

8. Isang lalaki ng Juda na ang anak na si Amasias ay isang pinuno ng militar para kay Haring Jehosapat.​—2Cr 17:12, 14, 16.

9. Ama ng Elisapat na tumulong kay Jehoiada upang pabagsakin si Athalia.​—2Cr 23:1.

10. Isang makapangyarihang mandirigma mula sa Efraim sa hukbo ng hilagang kaharian na sumalakay sa Juda noong mga 760 B.C.E. Pumatay si Zicri ng tatlong prominenteng miyembro ng sambahayan ni Haring Ahaz, kabilang dito ang isang maharlikang prinsipe.​—2Cr 28:6, 7.

11. Isang Benjamita na ang anak na si Joel ay naging tagapangasiwa ng mga Benjamitang nakatira sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon.​—Ne 11:3, 4, 7, 9.

12. Ulo ng makasaserdoteng sambahayan ni Abias sa panig ng ama noong panahon ng kahalili ng mataas na saserdoteng si Jesua na si Joiakim.​—Ne 12:12, 17.