Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zilpa

Zilpa

Alilang babae ni Lea at isa sa mga pangalawahing asawa ni Jacob. Si Zilpa ay alila ng ama ni Lea na si Laban hanggang sa mapangasawa ni Jacob si Lea noong 1774 B.C.E., kung kailan ibinigay naman kay Lea si Zilpa. (Gen 29:24) Nang akalain ni Lea na hindi na siya magkakaanak matapos siyang magsilang ng apat na lalaki, ibinigay niya si Zilpa kay Jacob bilang pangalawahing asawa. Isinilang ni Zilpa sina Gad at Aser, na nagkaroon naman ng maraming anak. (Gen 30:9-13; 35:26; 37:2; 46:16-18) Nanatili si Zilpa sa sambahayan ni Jacob sa kanilang maraming paglalakbay.​—Gen 32:22; 33:1, 2.