Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zimran

Zimran

Unang binanggit sa anim na anak na ipinanganak ni Ketura kay Abraham. Si Zimran at ang kaniyang limang tunay na kapatid ay binigyan ng mga kaloob at pinayaon sa “lupain ng Silangan.” (Gen 25:1, 2, 6; 1Cr 1:32) Ipinapalagay ng ilan na ang mga inapo ni Zimran ay kaugnay alinman sa Zabram, isang bayan na nasa K ng Mecca sa baybaying Arabe ng Dagat na Pula, o sa Zimri, na binanggit sa Jeremias 25:25.