Zip
1. Inapo ni Juda sa pamamagitan ni Jehalelel.—1Cr 4:15, 16.
2. Isang di-matukoy na lunsod sa timugang bahagi ng Juda.—Jos 15:21, 24.
3. Isang lunsod sa bulubunduking pook ng Juda. (Jos 15:20, 48, 55, 57) Lumilitaw na ito ang Zip na ang “ama” ay si Mesa. (1Cr 2:42) Karaniwan itong iniuugnay ng mga heograpo sa Tell Zif, na mga 6 na km (3.5 mi) sa TS ng Hebron. Nanganlong si David sa ilang na nakapalibot sa Zip noong tinutugis siya ni Haring Saul, at makalawang ulit namang ibinunyag ng mga lalaki ng lunsod ang kinaroroonan niya sa hari. (1Sa 23:14, 15, 19, 24, 29; 26:1, 2; ihambing ang Aw 54:Sup.) Waring ang Zip na ito ang lunsod na pinatibay ni Rehoboam nang maglaon.—2Cr 11:5-8.