Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ziza

Ziza

1. Isang anak ni Haring Rehoboam sa apo sa tuhod ni Absalom na si Maaca. Nang maituon sa kapatid ni Ziza na si Abias ang paghalili sa pagkahari, tumanggap si Ziza ng mga kaloob na mga lunsod, pagkain, at mga asawa mula kay Rehoboam.​—2Cr 11:20, 22, 23.

2. Isa sa mga Simeonitang pinuno na nagpalawak ng lupaing pinanginginainan ng kanilang mga hayop sa pamamagitan ng pagsusudlong ng Hamitang teritoryo at pagpuksa sa mga tumatahan dito noong panahon ng paghahari ni Hezekias; anak ni Sipi.​—1Cr 4:24, 37-41.