Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zoba

Zoba

Isang kahariang Siryano (Arameano) na kilalá rin bilang Aram-Zoba. (Aw 60:Sup) Isa sa mga naging hari nito ay si Hadadezer. (1Ha 11:23) Ang tambalang anyo na “Hamat-zoba” ay maaaring tumutukoy sa magkaratig na mga kaharian na pinanganlang Hamat at Zoba. (2Cr 8:3) Ang Zoba ay waring nasa H ng Damasco na may nasasakupan na sumasaklaw hanggang sa rehiyon ng Hamat sa H at sa ilog ng Eufrates sa S.​—2Sa 8:3.

Nakipagdigma si Haring Saul laban sa mga hari ng Zoba. (1Sa 14:47) Nang maglaon, inupahan ng mga Ammonita ang mga Siryano ng Zoba at ang iba pang mga pulutong upang makipaglaban kay David, ngunit lahat ay natalo ng kaniyang hukbo. (2Sa 10:6-19; 1Cr 19:6-19) Malamang na sa digmaang ito nilupig ni David si Haring Hadadezer ng Zoba, pagkatapos ay kumuha siya rito ng samsam, kasama na ang maraming tanso (nang maglaon ay ginamit sa pagtatayo ng templo) mula sa kaniyang mga lunsod ng Beta (lumilitaw na pinanganlan ding Tibhat) at Berotai (Cun?). (2Sa 8:3-12; 1Cr 18:3-9) Ang isa sa makapangyarihang mga lalaki ng mga hukbong militar ni David ay si Igal na anak ni Natan ng Zoba.​—2Sa 23:8, 36; tingnan ang ARAM Blg. 5; HADADEZER.