Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Zora

Zora

Isang lunsod sa Sepela na itinakda sa tribo ni Juda. (Jos 15:20, 33) Palibhasa’y nasa hangganan ng Dan at Juda, tinirahan ito ng mga taong-bayan ng Dan. (Jos 19:41, 48; Huk 18:2, 8, 11) Ang Danitang si Samson ay ipinanganak sa Zora at inilibing malapit dito. (Huk 13:2, 24, 25; 16:31) Ang lunsod na ito’y pinatibay ni Haring Rehoboam, marahil ay dahil sa estratehikong lokasyon nito na mga 25 km (16 na mi) sa K ng Jerusalem. (2Cr 11:5, 10) Ang Zora ay muling tinirahan ng ilan sa mga anak ni Juda na bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:25, 29) Ipinapalagay na ito ay ang makabagong-panahong Sarʽah (Tel Zorʽa), sa H panig ng iminumungkahing lugar ng Libis ng Sorek.