Zup
[posible, Bahay-Pukyutan].
1. Isang Kohatitang Levita at ninuno ni Samuel. (1Sa 1:1; 1Cr 6:33-38) Tinawag din siyang Zopai, isa pang anyo ng pangalang ito.—1Cr 6:26.
2. Isang “lupain” sa labas ng teritoryo ng Benjamin. Binagtas ni Saul ang lupaing ito sa paghahanap sa mga babaing asno ng kaniyang ama. Sa isang lunsod sa loob ng lupain ng Zup unang nakatagpo ni Saul si Samuel. (1Sa 9:3-6, 15-18) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Zup.