Zur
[Bato].
1. Isa sa limang hari ng Midian noong panahong malapit na ang Israel sa Lupang Pangako. Si Zur ay tinatawag ding isang pinuno at “isang pangulo ng mga lipi sa isang sambahayan sa Midian sa panig ng ama,” at gayundin bilang isang “duke ni Sihon.” Ang kaniyang anak na si Cozbi ang babaing Midianita na kinuha ni Zimri para sa imoral na pakikipagtalik at pinatay ni Pinehas. Si Zur mismo ay napatay nang parusahan ng mga Israelita ang Midian dahil sa pagbubuyo sa ibang mga lalaki ng Israel sa imoral na pakikipagtalik at huwad na pagsamba.—Bil 25:14-18; 31:1, 2, 7, 8; Jos 13:21.
2. Isang Benjamita, anak ni Jeiel at maliwanag na kapatid ni Ner, ang lolo ni Saul.—1Cr 8:29, 30; 9:35, 36, 39.