Aralin Bilang 10—Ang Bibliya—Tunay at Totoo
Mga Pag-aaral sa Kinasihang Kasulatan at sa Kapaligiran Nito
Aralin Bilang 10—Ang Bibliya—Tunay at Totoo
Ang pagtalakay ng Bibliya sa kasaysayan, heograpiya, at pinagmulan ng tao; ang kawastuan sa siyensiya, kultura, at mga kaugalian; ang pagka-prangko, pagkakasuwato, at katapatan ng mga manunulat; at ang hula nito.
1. (a) Ano ang karaniwang pagkakilala sa Bibliya? (b) Ano ang saligang dahilan ng kahigitan ng Bibliya?
ANG Bibliya ay dakilang obra-maestra ng panitikan na walang-kapantay sa matulaing kagandahan at isang kahanga-hangang tagumpay para sa mga sumulat nito. Hindi lamang ito. Nagpapatotoo ang mga manunulat na ang isinulat nila ay galing kay Jehova, Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Ito ang saligang dahilan ng napakagandang pananalita ng Bibliya, at higit sa lahat, ng sukdulang halaga bilang aklat ng nagbibigay-buhay na kaalaman at karunungan. Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay nagpatotoo na ang mga sinabi niya “ay pawang espiritu at buhay,” at sagana siyang sumipi sa sinaunang Kasulatang Hebreo. “Lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos,” ani apostol Pablo, na tumukoy sa Kasulatang Hebreo bilang “banal na mga kapahayagan ng Diyos.”—Juan 6:63; 2 Tim. 3:16; Roma 3:1, 2.
2, 3. Papaano nagpatotoo ang mga manunulat ng Bibliya sa pagiging-kinasihan nito?
2 Sinabi ni apostol Pedro na ang mga propeta ng Diyos ay pinakilos ng banal na espiritu. Sumulat si Haring David: “Ang espiritu ni Jehova ay nagsalita sa pamamagitan ko, at ang kaniyang salita ay suma-aking dila.” (2 Sam. 23:2) Kay Jehova iniukol ng mga propeta ang mga kapahayagan nila. Nagbabala si Moises laban sa pagdagdag o pagbawas sa banal na mga salitang ibinigay ni Jehova. Kinilala ni Pedro ang pagiging-kinasihan ng mga liham ni Pablo, at maliwanag na sinipi ni Judas ang salita ni Pedro bilang kinasihang autoridad. At panghuli, si Juan, manunulat ng Apocalipsis, ay sumulat sa patnubay ng espiritu ng Diyos at nagbabala na ang magdagdag o magbawas sa makahulang kapahayagan ay magsusulit, hindi sa tao, kundi sa Diyos mismo.—1 Ped. 1:10-12; 2 Ped. 1:19-21; Deut. 4:2; 2 Ped. 3:15, 16; Jud. 17, 18; Apoc. 1:1, 10; 21:5; 22:18, 19.
3 Ang tapat na mga aliping ito ng Diyos ay pawang nagpatotoo na ang Bibliya ay kinasihan at totoo. Marami pang katibayan ng pagiging-tunay ng Banal na Kasulatan, at ang ilan ay tatalakayin sa ilalim ng sumusunod na 12 pamagat.
4. Papaano kinilala ng mga Judio ang mga aklat ng Kasulatang Hebreo?
4 (1) Kawastuan sa Kasaysayan. Noong una pa, ang kanonikal na mga aklat ng Kasulatang Hebreo ay kinilala na ng mga Judio bilang mga dokumentong kinasihan at lubusang mapanghahawakan. Kaya, noong panahon ni David, ang mga kaganapang iniulat mula Genesis hanggang Unang Samuel ay tinanggap bilang tunay na kasaysayan ng bansa at ng pakikitungo sa kanila ng Diyos, at inilalarawan ito ng ika-78 Awit, na bumabanggit ng mahigit na 35 sa mga detalyeng ito.
5. Ano ang pinatunayan ng sinaunang mga manunulat tungkol kay Moises at sa kodigong Batas ng mga Judio?
5 Ang Pentateuko ay mahigpit na tinuligsa ng mga kaaway ng Bibliya, lalo na sa pagiging-tunay at pagka-akda. Gayunman, sa pagtanggap ng mga Judio kay Moises bilang manunulat ng Pentateuko ay maidaragdag ang patotoo ng sinaunang mga manunulat, na ang ilan ay kaaway pa ng mga Judio. Ang pagtatatag ng kodigo ng mga batas na nagtatangi ng mga Judio mula sa ibang bansa ay kay Moises iniukol ni Hecataeus ng Abdera, ng Ehipsiyong mananalaysay na si Manetho, nina Lysimachus ng Aleksandriya, Eupolemus, Tacitus, at Juvenal, na karamihan ay nagsasabing isinulat niya ang mga ito. Binabanggit pa man din ni Numenius, pilosopong gaya ni Pythagoras, na sina Jannes at Jambres ang mga saserdoteng Ehipsiyo na sumalansang kay Moises. (2 Tim. 3:8) Ang mga autor na ito ay mula sa yugtong nagsimula sa panahon ni Alejandro (ikaapat na siglo B.C.E.), nang unang magkainteres ang mga Griyego sa kasaysayang Judio, hanggang kay Emperador Aurelian (ikatlong siglo C.E.). Marami pang sinaunang manunulat ang bumabanggit kay Moises bilang lider, pinunò, o mambabatas. a Gaya ng ipinakita ng nakaraang aralin, malimit suhayan ng arkeolohiya ang kawastuan ng kasaysayan ng Bibliya kaugnay ng pagkasangkot ng bayan ng Diyos sa nakapaligid na mga bansa.
6. Anong patotoo ang umaalalay sa kawastuan ng kasaysayan ng Kasulatang Griyego?
6 Ngunit kumusta ang Kristiyanong Kasulatang Griyego? Hindi lamang ito umaalalay sa ulat ng Kasulatang Hebreo kundi ito man ay napatunayang wasto ayon sa kasaysayan bukod sa pagiging-tunay at pagiging-kinasihan na gaya rin ng Kasulatang Hebreo. Ipinahayag ng mga manunulat ang kanilang narinig at nakita, sapagkat sila’y mga saksi at malimit na kasangkot pa sa mga kaganapang iniulat nila. Pinaniwalaan sila ng libu-libong kontemporaryo. Ang patotoo nila ay saganang pinatunayan ng mga akda ng sinaunang mga manunulat, gaya nina Juvenal, Tacitus, Seneca, Suetonius, ang Nakababatang Pliny, Lucian, Celsus, at ang Judiong mananalaysay na si Josephus.
7. (a) Papaano nangatuwiran si S. A. Allibone sa kahigitan ng pag-aangkin ng Bibliya sa pagiging-tunay? (b) Ano ang sinasabi niya na diperensiya niyaong tumatanggi sa ebidensiya?
7 Sinabi ni S. Austin Allibone, sa kaniyang The Union Bible Companion: “Si Sir Isaac Newton . . . ay tanyag bilang kritiko ng sinaunang mga kasulatan, at maingat niyang sinuri ang Banal na Kasulatan. Ano ang pasiya niya sa puntong ito? ‘Nakatuklas ako,’ aniya, ‘ng mas tiyak na palatandaan ng pagiging-totoo ng Bagong Tipan kaysa alinmang [sekular] na kasaysayan.’ Ayon kay Dr. Johnson mas maraming ebidensiya na si Jesu-Kristo ay namatay sa Kalbaryo, gaya ng isinasaad sa Mga Ebanghelyo, kaysa roon sa nagsasabing si Julio Cesar ay namatay sa Kapitolyo. Oo, talagang mas marami pa. Tanungin ang sinomang nag-aalinlangan sa katotohanan ng Ebanghelyo kung bakit siya naniniwala na si Cesar ay namatay sa Kapitolyo, o na si Emperador Carlomagno ay pinutungan ni Papa Leo III. bilang Emperador ng Kanluran noong 800 . . . Papaano ninyo nalaman na may isang Carlos I. na nabuhay, pinugutan ng ulo, at na si Oliver Cromwell ang humalili sa kaniya? . . . Kay Sir Isaac Newton iniuukol ang pagkatuklas sa batas ng grabitasyon . . . Naniniwala tayo sa lahat ng pag-aangkin tungkol sa mga taong ito; sapagkat mayroon tayong makasaysayang ebidensiya ng katotohanan. . . . Kung, sa harap ng katibayang ito, ay may mag-aalinlangan pa, talagang sila ay napaka-mangmang o ignorante. Ano ang dapat isipin tungkol sa kanila na, sa kabila ng saganang ebidensiya ng pagiging-tunay ng Banal na Kasulatan, ay magsasabing hindi sila kumbinsido? . . . Tiyak na ipapasiya natin na ang diperensiya ay nasa puso at hindi sa ulo;—na ayaw nilang maniwala sa makababawas sa kanilang kapalaluan, pagkat mapipilitan silang baguhin ang kanilang buhay.” b
8. Papaano itinatangi ang Kristiyanismo ng Bibliya sa lahat ng ibang relihiyon?
8 Itinampok ni George Rawlinson ang kahigitan ng Kristiyanismo bilang relihiyon ng mga sumasamba sa katotohanan, nang sumulat siya: “Ang Kristiyanismo—sampu ng pananampalataya ng Matandang Tipan, na siyang unang yugto nito—ay lubhang naiiba sa mga relihiyon ng daigdig lalo na sa pagka-makatuwiran at pagiging-makasaysayan. Ang mga relihiyon ng Gresya at Roma, ng Ehipto, Indiya, Persya, at ng Silangan sa pangkalahatan, ay mga sistemang salig sa haka-haka, na hindi man lamang dibdibang humihiling ng makasaysayang saligan. . . . Hindi ganito ang relihiyon ng Bibliya. Tumingin man tayo sa Matanda o Bagong Tipan, sa pananampalatayang Judio o Kristiyano, matutuklasan natin ang isang pamamaraan ng doktrina na sinusuhayan ng mga katibayan; lubusang nasasalig dito; nawawalan ng kabuluhan kung wala ito; at hindi mapag-aalinlanganan minsang mapatunayan na ito ay karapat-dapat sang-ayunan.” c
9. Ilarawan ang kawastuan ng mga pagtukoy ng Bibliya sa heograpiya.
9 (2) Kawastuan sa Heograpiya at Heolohiya. Maraming manunulat ang nagkomento sa kamangha-manghang kawastuan ng paglalarawan ng Bibliya sa Lupang Pangako at mga karatig nito. Halimbawa, sinabi ng manlalakbay sa Silangan na si Dr. A. P. Stanley, tungkol sa pagtahak ng mga Israelita sa ilang: “Hindi man natin mabatid ang tiyak na ruta, ang ulat ay kahawig-na-kahawig ng natatanging mga tanawin sa lupain at maraming makikitang kapansin-pansing pagkakatulad . . . Ang manaka-nakang mga bukal, balon, at batis ay kasuwato ng salaysay tungkol sa ‘mga tubig’ ng Mara; ng ‘mga bukal’ ng . . . Elim; ng ‘batis’ ng Horeb; ng ‘balon’ ng mga anak na babae ni Jetro, pati na ng mga ‘labangan’ o tangke sa Midian. Ang pananim ay katulad pa rin niyaong mababasa sa Mosaikong kasaysayan.” d Sa ulat tungkol sa Ehipto, ang kawastuan ay makikita hindi lamang sa pangkalahatang paglalarawan sa teritoryo—sa mayayamang bukirin, sa Ilog Nilo na nagigilid ng mga tambo (Gen. 41:47-49; Exo. 2:3), sa mga ‘ilog, bambang, lawa, at mga tipunan ng tubig’ (Exo. 7:19), sa ‘lino, sebada, trigo, at espelta’ (Exo. 9:31, 32)—kundi maging sa mga pangalan at lugar ng mga kabayanan.
10. Papaano nagtagumpay ang makabagong mga siyentipiko sa pagsunod sa ulat ng Bibliya?
10 Dahil sa tiwala ng makabagong-panahong mga siyentipiko sa ulat ng Bibliya sa heolohiya at heograpiya, ginamit nila itong giya at sila’y nagtagumpay. Hindi pa natatagalan, ang tanyag na heologo, si Dr. Ben Tor, ay sumunod sa sinasabi ng kasulatan: “Ihahatid ka ni Jehovang iyong Diyos sa isang mabuting lupain, . . . lupain na ang mga bato ay bakal.” (Deut. 8:7, 9) Ilang milya mula sa Beer-seba, nakasumpong siya ng matatarik na bangin na sagana sa mapula at maitim na mineral. Doo’y may tinatayang 13.6 milyong metriko tonelada ng bakal na may mababang grado. Nang maglaon, natuklasan ng mga inhinyero ang isang 1.5 kilometrong deposito ng mataas ang uring mineral, 60 hanggang 65 porsiyento ng dalisay na bakal. Sinabi ni Dr. Joseph Weitz, autoridad ng panggugubat sa Israel: “Ang unang punongkahoy na itinanim ni Abraham sa Beer-sheba ay ang tamaring.” “Batay rito, noong nakaraang apat na taon ay nagtanim din kami roon ng dalawang milyong puno. Tama si Abraham. Ang tamaring ay isa sa mga bihirang punongkahoy na tumutubo sa timog kung saan ang taunang pag-ulan ay wala pang anim na pulgada.” e Nagsasaad ang aklat na Tree and Shrub in Our Biblical Heritage, ni Nogah Hareuveni: “Si Abraham ay hindi nagtanim ng kahit ano na lamang punongkahoy pagdating niya sa Beersheva. . . . Pinili niya ang isa na mas malilim. Isa pa, ang [tamaring] ay tumatagal sa init at tagtuyot dahil sa mahahabang ugat na sumisipsip ng tubig sa ilalim ng lupa. Hindi kataka-taka, ang [tamaring] ay nananatili hanggang ngayon sa kapaligiran ng Beersheva.” f—Gen. 21:33.
11. Papaano nagpapatotoo si Propesor Wilson sa kawastuan ng Bibliya?
11 Tungkol sa kronolohiya at heograpiya ng Bibliya, sumulat si Propesor R. D. Wilson sa A Scientific Investigation of the Old Testament, pahina 213-14: “[Ito’y] mas wasto at mas mapanghahawakan kaysa ibang sinaunang dokumento; at kahanga-hanga na ang mga talambuhay at iba pang makasaysayang salaysay ay kasuwato ng ebidensiyang inihaharap ng mga dokumentong hindi maka-Bibliko.”
12. Papaano nakakasuwato ng ulat ng Bibliya ang mga katotohanan tungkol sa pinagmulan ng tao?
12 (3) Mga Lahi at Wika ng Tao. Sa aklat na After Its Kind, sinasabi ni Byron C. Nelson: “Ang nilalang ay ang tao, hindi ang Negro, ang Intsik, ang Europeo. Nilalang ang dalawang taong tinutukoy sa Bibliya na Adan at Eba, at mula sa kanila ay likas na nailuwal ang lahat ng sari-saring tao na nasa balat ng lupa. Lahat ng lahi, anomang kulay o laki, ay iisang likas na uri. Iisa ang kanilang isip, pandama, iisa ang balangkas ng katawan, makapag-aasawa sila sa isa’t-isa, at makapagluluwal ng supling na kauri nila. Lahat ng lahi ay mula sa dalawang karaniwang ninuno na buung-buong lumitaw mula sa kamay ng Maylikha.” g Ito ang patotoo ng Genesis 1:27, 28; 2:7, 20-23; 3:20; Gawa 17:26; at Roma 5:12.
13. Ano ang sinabi ng isang arkeologo tungkol sa sentrong pinagmulan ng sinaunang mga wika?
13 Tungkol sa ulat ng Bibliya sa dakong pinanggalingan ng sinaunang mga wika, sinabi ng arkeologong si Sir Henry Rawlinson na “kung sa sanga-sangang landas ng wika lamang tayo sasalig, nang hindi sumasangguni sa kasulatan, hahantong din tayo sa kapatagan ng Sinar, ang sentrong pinagmulan ng lahat ng hanay.” h—Gen. 11:1-9.
14. (a) Ano ang tanging makapagpapatotoo sa Bibliya bilang kinasihan ng Diyos? (b) Anong makatuwirang pangmalas ang sa Bibliya lamang inihaharap, at papaano talaga ito sumasaklaw sa bawat pitak ng araw-araw na buhay?
14 (4) Pagiging-Praktikal. Kung wala nang ibang nalalabing patotoo sa pagiging-tunay, maitatangi pa rin ang Bibliya bilang produkto ng banal na kaisipan dahil sa matuwid na mga simulain at pamantayang moral. Isa pa, ang pagiging-praktikal nito ay sumasaklaw sa bawat pitak ng araw-araw na buhay. Walang ibang aklat ang nagbibigay ng makatuwirang pangmalas sa pinagmulan ng lahat ng bagay, pati na ng tao, at ng layunin ng Maylikha sa lupa at sa tao. (Gen., kab. 1; Isa. 45:18) Sinasabi ng Bibliya kung bakit namamatay ang tao at kung bakit may kabalakyutan. (Gen., kab. 3; Roma 5:12; Job, kab. 1, 2; Exo. 9:16) Inihaharap nito ang pinakamatayog na pamantayan ng katarungan. (Exo. 23:1, 2, 6, 7; Deut. 19:15-21) Nagbibigay ito ng wastong payo sa negosyo (Lev. 19:35, 36; Kaw. 20:10; 22:22, 23; Mat. 7:12); wagas na pag-uugali (Lev. 20:10-16; Gal. 5:19-23; Heb. 13:4); pakikipag-ugnayan sa iba (Lev. 19:18; Kaw. 12:15; 15:1; 27:1, 2, 5, 6; 29:11; Mat. 7:12; 1 Tim. 5:1, 2); pag-aasawa (Gen. 2:22-24; Mat. 19:4, 5, 9; 1 Cor. 7:2, 9, 10, 39); ugnayang pampamilya at mga tungkulin ng asawang-lalaki, babae, at mga anak (Deut. 6:4-9; Kaw. 13:24; Efe. 5:21-33; 6:1-4; Col. 3:18-21; 1 Ped. 3:1-6); wastong saloobin sa mga pinunò (Roma 13:1-10; Tito 3:1; 1 Tim. 2:1, 2; 1 Ped. 2:13, 14); tapat na paggawa at ugnayan ng panginoon-at-alipin at ng nagtatrabaho-at-may-patrabaho (Efe. 4:28; Col. 3:22-24; 4:1; 1 Ped. 2:18-21); mabubuting kasama (Kaw. 1:10-16; 5:3-11; 1 Cor. 15:33; 2 Tim. 2:22; Heb. 10:24, 25); paglutas ng di-pagkakaunawaan (Mat. 18:15-17; Efe. 4:26); at marami pang ibang bagay na lubhang nakakaapekto sa araw-araw na buhay.
15. Anong payo ng Bibliya sa kalusugan ng isip at katawan ang napatunayang praktikal?
15 Naglalaan din ang Bibliya ng mahalagang payo sa kalusugan ng katawan at isip. (Kaw. 15:17; 17:22) Nitong nakaraang mga taon, pinatunayan ng pagsasaliksik sa medisina na ang pisikal na kalusugan ay talagang apektado ng isipan. Halimbawa, ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga magagalitin ay malimit magkaroon ng alta-presyon. Iniuulat na ang galit ay nagdulot ng sakit sa puso, sakit ng ulo, balinguyngoy, pagkahilo, o kawalan ng boses. Subalit noon pa’y ipinaliwanag na ng Bibliya: “Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawang laman.”—Kaw. 14:30; ihambing ang Mateo 5:9.
16. Ano ang ilang pangungusap ng katotohanan sa Bibliya na nauna pa sa pagkatuklas dito ng siyensiya?
16 (5) Maka-Siyentipikong Kawastuan. Bagaman ang Bibliya ay hindi sanaysay sa siyensiya, kapag ito’y tumatalakay sa mga bagay na maka-siyentipiko, ito’y wasto at kasuwato ng tunay na siyensiya. Ang ulat ng pagkasunud-sunod ng paglalang, pati na ng mga hayop (Gen., kab. 1); ang pagiging-bilog, o hugis-bola, ng lupa (Isa. 40:22); at ang pagkakabitin ng lupa sa “wala” ay nauna pa sa maka-siyentipikong pagkatuklas sa mga katotohanang ito. (Job 26:7) Pinatunayan ng makabagong pisiolohiya ang pangungusap sa Kasulatan na “hindi lahat ng laman ay magkasing-isang laman,” pagkat ang pagkayari ng selula ng isang uri ay naiiba sa isa’t-isa, at ang tao ay may sariling pantanging “laman.” (1 Cor. 15:39) i Sa larangan ng soolohiya, inuuri ng Levitico 11:6 ang kuneho sa mga hayop na ngumunguya. Noong una ito ay nilibak, ngunit natuklasan ngayon ng siyensiya na muling nilululon ng kuneho ang pagkain nito. j
17. Papaano naipakita na ang Bibliya ay naaayon sa medisina?
17 Sa makabagong panahon ang pangungusap na ‘ang buhay ng laman ay nasa dugo’ ay kinikilala na ng siyensiya ng medisina bilang isang saligang katotohanan. (Lev. 17:11-14) Ipinahiwatig ng Kautusang Mosaiko kung aling mga hayop, ibon, at isda ang “malinis” at makakain ng tao, at ipinagbawal ang mapanganib na pagkain. (Lev., kab. 11) Hiniling ng Kautusan na sa kampamento, dapat takpan ang dumi ng tao upang maligtas sa mga nakakahawang sakit na dulot ng langaw, gaya ng disenterya at tipus. (Deut. 23:9-14) Maging sa ngayon, sa ilang lupain ay may mabibigat na problema sa kalusugan dahil sa di-wastong pagliligpit ng dumi ng tao. Mas lulusog ang mga tao roon kung susundin nila ang payo ng Bibliya sa kalinisan.
18. Anong pang ilustrasyon ang ibinibigay tungkol sa maka-siyentipikong kawastuan ng Bibliya?
18 Nagmumungkahi ang Bibliya ng kaunting alak “para sa sikmura” at sa “pagkakasakit.” (1 Tim. 5:23) Ayon kay Dr. Salvatore P. Lucia, propesor ng medisina sa University of California School of Medicine: “Alak ang pinakamatandang pagkaing inumin at ang pinakamahalagang panlunas sa buong kasaysayan ng tao.” k
19. Papaano ilalarawan ang kawastuan ng mga isinulat ni Lucas?
19 (6) Kultura at mga Kaugalian. Tungkol sa aklat ng Mga Gawa ay sumulat si A. Rendle Short sa Modern Discovery and the Bible: “Nakaugalian ng mga Romano na mamahala sa mga lalawigan ng malawak na imperyo sa pamamagitan ng maingat na pagpapahintulot sa lokal na sistema ng pangangasiwa, kaya ang mga pinunò sa iba’t- ibang distrito ay nakilala sa iba’t-ibang katawagan. Walang sinoman, malibang siya’y mapagmasid na biyahero, o maingat na estudyante ng mga talaan, ang makapagsasabi ng wastong katawagan sa lahat ng mahal na taong ito. Ang isa sa pinaka-mariing patotoo ng pagiging-listo ni Lucas sa kasaysayan ay ang kawastuan. Malimit ang ebidensiya ng isang barya, o ukit, ang tanging impormasyon na magpapatunay sa kaniya; ang tanyag na mga Romanong mananalaysay ay hindi nangahas sa ganitong masalimuot na larangan. Kaya sina Herodes at Lisanias ay tinatawag ni Lucas na mga tetrarka; gaya ni Josephus. Si Herodes Agrippa, na pumatay kay Santiago at nagpabilanggo kay Pedro, ay tinatawag na hari; ayon kay Josephus ito ay nakipagkaibigan kay Gaius Cæsar (Caligula) sa Roma at ginantimpalaan ng maharlikang titulo nang si Caligula ay maging emperador. Ang gobernador ng Chipre, si Sergio Paulo, ay tinatawag na proconsul. . . . Ang Chipre ay bago pa lamang naging lalawigan ng imperyo, at pinamahalaan ng isang proprætor o legatus (kinatawan), ngunit noong panahon ni Pablo, gaya ng ipinakikita ng mga barya sa Chipre, kapuwa sa Griyego at Latin, ang wastong titulo ay proconsul. Isang inskripsiyong Griyego na natuklasan sa Soloi sa hilagang baybayin ng Chipre ay pinetsahan ‘sa pagiging-proconsul ni Paulo’ . . . Sa Tesalonica ang mga pinunò ng lungsod ay gumamit ng kakatwang titulo na politarch [punong-bayan, Gawa 17:6, talababa], isang pamagat na banyaga sa klasikal na panitikan. Kung hindi kay Lucas, mahirap kilalanin ito, kung wala ito sa mga inskripsiyon. . . . Sa ilalim ni Augusto ang Acaia ay isang lalawigang pang-senado, sa ilalim ni Tiberio ito ay tuwirang napailalim sa emperador, ngunit sa ilalim ni Claudio, ayon kay Tacitus, binawi ito ng senado, kaya ang wastong titulo ni Gallio [Gawa 18:12] ay proconsul. . . . Magkapantay ang interes at kawastuan ni Lucas sa heograpiya at sa mga karanasan niya sa paglalakbay.” l
20. Papaano wastong ipinaaaninaw ng mga sulat ni Pablo ang panahong kinabuhayan niya?
20 Ang mga liham ni Pablo ay wastong nagpapaaninaw sa sitwasyon noong panahon niya at nagpapahiwatig na siya’y saksi sa kaniyang mga isinulat. Halimbawa, ang Filipos ay isang kolonyang militar at ipinagmalaki ng mga taga-roon ang kanilang pagka-mamamayang Romano. Sinabi ni Pablo sa mga Kristiyano na ang pagka-mamamayan nila ay sa langit. (Gawa 16:12, 21, 37; Fil. 3:20) Bantog ang Efeso sa salamangka at espiritismo. Pinayuhan ni Pablo ang mga Kristiyano roon tungkol sa mga sandatang pananggalang sa demonyo, at kasabay nito, nagbigay siya ng wastong paglalarawan ng baluti ng isang kawal Romano. (Gawa 19:19; Efe. 6:13-17) Ginamit ding ilustrasyon ang kaugalian ng matagumpay na mga Romano na nanguna sa isang prusisyon ng mga bihag, ang ila’y hubo’t hubad. (2 Cor. 2:14; Col. 2:15) Sa 1 Corinto 1:22, ang magkaibang pangmalas ng mga Judio at Griyego ay idiniriin. Masasalamin sa mga manunulat-Kristiyano ang kawastuan ni Moises, manunulat ng Pentateuko, na tungkol sa kaniya ay sinabi ni George Rawlinson: “Kailanma’y hindi pinag-alinlanganan ang etolohikal (karakter ng tao) na kawastuan ng Pentateuko tungkol sa mga ugali at kostumbre sa Silangan.” a
21. (a) Magbigay ng mga halimbawa ng pagiging-prangko ng mga manunulat ng Bibliya. (b) Papaano ito nagpapatibay ng tiwala sa pagiging-totoo ng Bibliya?
21 (7) Pagka-Prangko ng mga Manunulat ng Bibliya. Sa buong Bibliya, ang tahasang kaprangkuhan ng mga manunulat ay mariing patotoo ng pagka-maasahan. Halimbawa, tahasang isinasalaysay ni Moises ang sariling pagkakasala at ang hatol ng Diyos na siya at ang kapatid niyang si Aaron ay hindi papasok sa Lupang Pangako. (Bil. 20:7-13; Deut. 3:23-27) Ang dalawang beses na pagkakasala ni David at ang apostasya ng anak niyang si Solomon ay hayagang inilalantad. (2 Sam., kab. 11, 12, 24; 1 Hari 11:1-13) Iniulat ni Jonas ang sariling pagsuway at ang bunga nito. Ang buong bansang Israel, sa mismong ulat na minahal at tinanggap ng mga Judio bilang mga kapahayagan ng Diyos at tunay na kasaysayan ng kanilang bansa, ay hinatulan ng halos lahat ng manunulat ng Kasulatang Hebreo, na pawang mga Judio, dahil sa pagsuway sa Diyos,. Ganito rin ka-prangko ang mga manunulat-Kristiyano. Ang apat na manunulat ng Ebanghelyo ay pawang nagsiwalat ng pagkakaila ni Pedro kay Kristo. At itinawag-pansin ni Pablo ang malubhang pagkakamali ni Pedro kaugnay ng pananampalataya nang magtangi siya sa pagitan ng mga Judio at Gentil sa kongregasyong Kristiyano sa Antioquia. Tumitibay ang ating tiwala sa katotohanan ng Bibliya sa pagkatalos na ang mga manunulat nito ay walang pinalampas, maging ang kanilang sarili, sa kapakanan ng pag-iingat ng isang tapat na ulat.—Mat. 26:69-75; Mar. 14:66-72; Luc. 22:54-62; Juan 18:15-27; Gal. 2:11-14; Juan 17:17.
22. Ano pa ang nagpapatunay na ang Bibliya’y Salita nga ng Diyos, at sa anong layunin ito isinulat?
22 (8) Pagkakasuwato ng mga Manunulat. Humigit-kumulang 40 kalihim ang sumulat ng Bibliya sa loob ng mahigit na 1,600 taon, nang walang salungatan. Malawakang naipamahagi ito sa napakaraming kopya sa kabila ng pinakamahigpit na pagsalansang at pagsisikap na sirain ito. Ang mga katotohanang ito ay nagpapatunay sa pag-aangkin nito, bilang Salita ng Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, at na ito’y “kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagdidisplina sa katuwiran.”—2 Tim. 3:16. b
23. Anong di-nagbabagong tema ang nagpapatotoo rin sa pagiging-kinasihan ng Bibliya? Ilarawan.
23 Ang pagiging-kinasihan nito ay makikita sa paulit-ulit na pagdiriin sa tema na pagbanal ng pangalan ni Jehova sa pamamagitan ng Kaharian sa ilalim ni Kristo. Ang ilang tampok na halimbawa ay:
Gen. 3:15 Pangako tungkol sa Binhi na
pupuksa sa Ahas
Gen. 22:15-18 Pagpapalain ng lahat ng
bansa ang sarili sa
pamamagitan ng binhi ni
Abraham
Exo. 3:15; 6:3 Idiniin ng Diyos ang
kaniyang pangalang
pang-alaala, Jehova
Exo. 9:16; Inihayag ng Diyos ang
Roma 9:17 layunin niya na makilala
ang kaniyang pangalan
Exo. 18:11; Si Jehova ay mas dakila
Isa. 36:18-20; sa lahat ng ibang diyos
Exo. 20:3-7 Iginagalang ng Diyos ang
pangalan niya, humihingi ng
bukod-tanging debosyon
Job, kab. 1, 2 Matuwid na soberanya ni
Jehova at ang saloobin at
katapatan ng tao kaugnay nito
Job 32:2; 35:2; Itinatampok ang
Job 36:24; 40:8 pagbabangong-puri sa Diyos
Isa. 9:7 Buong-sigasig na tinatangkilik
ng Diyos ang walang-hanggang
Kaharian ng kaniyang Anak
Dan. 2:44; 4: 17, 34; Ang halaga ng Kaharian ng
Dan 7:13, 14 Diyos sa pamamagitan ng
“anak ng tao”
Ezek. 6:10; 38:23 “Makikilala [ng mga tao] na
ako si Jehova.” Ang
pangungusap na ito ay
mahigit 60 beses lumilitaw
sa hula ni Ezekiel
Mal. 1:11 Magiging dakila ang pangalan
ng Diyos sa mga bansa
Mat. 6:9, 10, 33 Pinakamahalaga ang pagbanal sa
pangalan ng Diyos sa
pamamagitan ng kaniyang
Kaharian
Juan 17:6, 26 Ipinahayag ni Jesus ang
pangalan ng Diyos
Gawa 2:21; Roma 10:13 Tatawagan ang pangalan ni
Jehova para maligtas
Roma 3:4 Ang Diyos patutunayang totoo,
bagaman bawat tao’y sinungaling
1 Cor. 15:24-28 Isasauli sa Diyos ang
Kaharian; ang Diyos magiging
lahat sa lahat
Heb. 13:15 Mga Kristiyano’y dapat gumawa
ng pangmadlang pagpapahayag
sa pangalan ni Jehova
Apoc. 15:4 Pangalan ni Jehova luluwalhatiin
ng lahat ng bansa
Apoc. 19:6 Pangalan ni Jehova pupurihin
matapos lipulin ang
Babilonyang Dakila
24. (a) Papaano tinitiyak ng katapatan ng sinaunang mga Kristiyano ang katotohanan ng “Kristiyanong Salaysay”? (b) Ano pa ang patotoo na ang ulat ng Bibliya ay katotohanan, hindi alamat?
24 (9) Katapatan ng mga Saksi. Sinabi ni George Rawlinson tungkol sa mariing patotoo ng sinaunang mga Kristiyano—ang mga manunulat ng Kristiyanong Kasulatan at ang iba pa: “Batid nila na anomang oras ay mapapaharap sila sa kamatayan dahil sa kanilang relihiyon. . . . Bawat sinaunang Kristiyanong manunulat, dahil na rin sa pagtataguyod ng Kristiyanismo, ay hindi natakot sa mga tagapamahala, at naging marapat sa gayon ding tadhana. Kapag buhay at kamatayan ang nasangkot, hindi maaasahan ang tao na yumakap sa unang relihiyong makukursunadahan niya; ni hayagan siyang aanib sa isang pinag-uusig na sekta, malibang nasuri na niya ang pag-aangkin ng relihiyong itinataguyod nito, at kumbinsido siya na ito nga ang katotohanan. Natiyak ng sinaunang mga alagad ang kawastuan ng Kristiyanong kasulatan nang higit kaysa atin; masusuri at matatanong nila ang mga saksi—maihahambing ang kanilang iba’t-ibang ulat—malalaman kung papaano tinanggap ito ng kanilang mga kaaway—masasangguni ang mga dokumentong Pagano nang panahong yaon—lubusan at ganap na masasala ang ebidensiya. . . . Lahat ng ito—at tandaang ang ebidensiya ay parami-nang-parami—ay bumubuo ng isang kalipunan ng mga katibayan na hindi naiharap para sa alinmang pangyayari noong napakatagal nang panahon; at patunayan nang walang alinlangan ang katotohanan ng Kristiyanong Salaysay. Sa anomang paraan . . . hindi ito maituturing na alamat. Ito’y iisang istorya, isinalaysay nang walang pagbabago, samantalang ang mga alamat ay paiba-iba at sari-sari ang anyo; mahigpit itong nakahabi sa kasaysayang sibil ng panahong yaon, na parati nitong inihaharap nang may pambihirang kawastuan, samantalang ang mga alamat ay pumipilipit o bumabago sa kasaysayang sibil; sagana ito sa payak na detalye, bagay na maingat na iniiwasan ng mga alamat; napakapayak at simple ang praktikal na aral nito, samantalang ang mga alamat ay nagtuturo sa pamamagitan ng talinghaga. . . . Simpleng kataimtiman, katapatan, sapilitang kawastuan, dalisay na pag-ibig sa katotohanan, ito ang malinaw na katangian ng mga manunulat ng Bagong Tipan, na talagang tumalakay sa katotohanan, hindi kathang-isip . . . Sumulat sila ‘upang ating makilala ang katiyakan ng mga bagay’ na ‘talagang pinaniwalaan’ noong panahong yaon.” c—Ihambing ang Lucas 1:1, 4.
25. Ano ang bukod-tanging patotoo ng pagiging-tunay ng Bibliya?
25 Isang nakabibighaning larangan na saklaw ng Bibliya ay ang banal na hula. Walang kapantay ang mariing pagtatanghal ng pagiging-tunay ng Bibliya sa pamamagitan ng katuparan ng mga hula, na nagpapamalas ng kamangha-manghang patiunang pananaw ni Jehova sa hinaharap. Ang makahulang Salita ay tunay ngang “isang ilawan na nagliliwanag sa madilim na dako,” at ang pagbibigay-pansin dito ay magpapatibay sa pananampalataya ng mga nais maligtas kapag lahat ng hula ng Kaharian ay natupad na sa walang-hanggang bagong sanlibutan ng katuwiran ng Diyos. Ang susunod na tatlong talahanayan ay karagdagang patotoo sa pagiging-tunay ng Bibliya sa pamamagitan ng makahulang mga katuparang ito, at pati ng pagkakasuwato ng buong Kasulatang Hebreo at Griyego. Sa paglipas ng panahon, ang Bibliya ay lalong magniningning nang buong liwanag bilang “kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang.”—2 Ped. 1:19; 2 Tim. 3:16.
[Mga talababa]
a The Historical Evidences of the Truth of the Scripture Records, 1862, ni George Rawlinson, pahina 54, 254-8.
b 1871, pahina 29-31.
c The Historical Evidences of the Truth of the Scripture Records, pahina 25-6.
d Sinai and Palestine, 1885, pahina 82-3.
e Reader’s Digest, Marso 1954, pahina 27, 30.
f 1984, pahina 24.
g 1968, pahina 4-5.
h The Journal of the Royal Asiatic Society of Great Britain and Ireland, Londres, 1855, Tomo 15, pahina 232.
i Insight on the Scriptures, Tomo 2, pahina 246.
j Insight on the Scriptures, Tomo 1, pahina 555-6, 1035.
k Wine as Food and Medicine, 1954, pahina 5.
l 1955, pahina 211-13.
a The Historical Evidences of the Truth of the Scripture Records, pahina 290.
b Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, pahina 12-36.
c The Historical Evidences of the Truth of the Scripture Records, pahina 225, 227-8.
[Mga Tanong sa Aralin]
[Chart sa pahina 343, 344]
(10) NAMUMUKOD-TANGING MGA HULA TUNGKOL KAY JESUS AT ANG MGA KATUPARAN NITO
Hula Pangyayari Katuparan
Gen. 49:10 Isinilang sa tribo Mat. 1:2-16;
ni Juda Luc. 3:23-33;
Awit 132:11; Mula sa angkan ni David Mat. 1:1, 6-16;
Isa. 9:7; anak ni Jesse Mat 9:27; 15:22;
Mik. 5:2 Isinilang sa Betlehem Luc. 2:4-11;
Isa. 7:14 Isinilang ng birhen Mat. 1:18-23;
Jer. 31:15 Pinatay ang mga sanggol Mat. 2:16-18
pagkasilang niya
Ose. 11:1 Tinawag mula sa Ehipto Mat. 2:15
Mal. 3:1; 4:5; Patiunang inihanda Mat. 3:1-3;
Isa. 40:3 ang daan Mat 11:10-14;
Dan. 9:25 Lumitaw bilang Iniharap ang
Mesiyas sa dulo sarili sa bautismo
ng 69 “sanlinggo” at pinahiran nang
tama sa panahon
noong 29 C.E.
Isa. 61:1, 2 Isinugo Luc. 4:18-21
Isa. 9:1, 2 Ministeryo nagdulot Mat. 4:13-16
ng malaking liwanag sa
mga taga-Neptali at
Zabulon
Awit 78:2 Gumamit ng mga talinghaga Mat. 13:11-13,
31-35
Isa. 53:4 Tinaglay ang ating mga Mat. 8:16, 17
karamdaman
Awit 69:9 Sigasig ukol sa bahay Mat. 21:12, 13;
ni Jehova Mar. 11:15-18;
Isa. 42:1-4 Bilang lingkod ni Jehova, Mat. 12:14-21
hindi makikipagtalo sa
lansangan
Isa. 53:1 Hindi sinampalatayanan Juan 12:37, 38;
Zac. 9:9; Pumasok sa Jerusalem Mat. 21:1-9;
Awit 118:26 sakay ng bisiro ng asno; Mar. 11:7-11;
ibinunyi bilang hari at Luc. 19:28-38;
ang isang paririto sa Juan 12:12-15
pangalan ni Jehova
Isa. 28:16; Itinakwil, ngunit naging Mat. 21:42, 45, 46;
Isa 53:3; Awit 69:8; pangulong batong panulok Gawa 3:14; 4:11;
Isa. 8:14, 15 Naging batong katitisuran Luc. 20:17, 18;
Awit 41:9; Isang apostol taksil; Mat. 26:47-50;
Aw 109:8 ipagkakanulo si Jesus Juan 13:18, 26-30;
Zac. 11:12 Ipinagkanulo sa 30 Mat. 26:15;
piraso ng pilak Mat 27:3-10;
Zac. 13:7 Nangalat ang mga alagad Mat. 26:31, 56;
Awit 2:1, 2 Mga pinunò ng Roma at Mat. 27:1, 2;
Israel nagkaisa laban Mar. 15:1, 15;
sa pinahiran ni Jehova Luc. 23:10-12;
Isa. 53:8 Nilitis at hinatulan Mat. 26:57-68;
Awit 27:12 Paggamit ng mga Mat. 26:59-61;
bulaang saksi Mar. 14:56-59
Isa. 53:7 Tahimik sa harapan ng Mat. 27:12-14;
mga tagapagparatang Mar. 14:61;
Awit 69:4 Kinapootan nang walang Luc. 23:13-25;
dahilan Juan 15:24, 25;
Isa. 50:6; Sinampal, niluraan Mat. 26:67;
Awit 22:16, Ipinako Mat. 27:35;
talab. Mar. 15:24, 25;
Awit 22:18 Nagsapalaran sa mga damit Mat. 27:35;
Isa. 53:12 Ibinilang sa mga Mat. 26:55, 56;
makasalanan Mat 27:38;
Awit 22:7, 8 Inalipusta sa tulos Mat. 27:39-43;
Awit 69:21 Pinainom ng suka at apdo Mat. 27:34, 48;
Awit 22:1 Pinabayaan ng Diyos sa Mat. 27:46;
mga kaaway Mar. 15:34
Awit 34:20; Walang butong nabali Juan 19:33, 36
Isa. 53:5; Sinibat Mat. 27:49;
Isa. 53:5, Namatay bilang hain upang Mat. 20:28;
Isa 53:8, 11, 12 pawiin ang pagkakasala Juan 1:29;
at buksan ang daan sa Roma 3:24; 4:25;
matuwid na katayuan 1 Cor. 15:3;
sa Diyos
Isa. 53:9 Inilibing kasama ng Mat. 27:57-60;
mayayaman Juan 19:38-42
Jonas 1:17; Nasa libingan sa bahagi Mat. 12:39, 40;
2:10 ng tatlong araw, saka Mat 16:21; 17:23;
binuhay-na-muli Mat 20:19; 27:64;
Awit 16:8-11, Ibinangon bago mabulok Gawa 2:25-31;
talab. Gaw 13:34-37
Awit 2:7 Ipinakilala ni Jehova Mat. 3:16, 17;
bilang Kaniyang Anak Mar. 1:9-11;
nang pahiran ng espiritu Luc. 3:21, 22;
at buhaying-muli Gawa 13:33;
Mga tanong para sa chart na “Namumukod-tanging mga Hula Tungkol kay Jesus at ang mga Katuparan Nito”:
(a) Anong mga hula tungkol sa pagsilang ang nagpapatotoo sa pagiging-Mesiyas ni Jesus?
(b) Anong mga hula ang natupad sa pasimula ng ministeryo ni Jesus?
(c) Papaano tumupad sa hula ang pagsasakatuparan ni Jesus sa kaniyang ministeryo?
(d) Anong mga hula ang natupad noong huling mga araw bago litisin si Jesus?
(e) Papaano natupad ang hula noong siya ay nililitis?
(f) Anong mga hula ang natupad sa kaniyang pagkapako, kamatayan, at pagkabuhay-na-muli?
[Chart sa pahina 344-346]
(11) MGA HALIMBAWA NG IBANG NATUPAD NA HULA SA BIBLIYA
Hula Pangyayari Katuparan
Gen. 9:25 Mga Cananeo aalipinin Jos. 9:23, 27;
ng Israel Huk. 1:28;
Gen. 15:13, 14; Israel lumabas sa Ehipto Exo. 12:35, 36;
Exo. 3:21, 22 taglay ang malaking Awit 105:37
kayamanan nang hatulan
ng Diyos ang umaaliping
bansa
Gen. 17:20; Magluluwal si Ismael ng Gen. 25:13-16;
21:13, 18 12 pinunò at magiging 1 Cron. 1:29-31
malaking bansa
Gen. 25:23; Mga Edomita palalayasin Gen. 36:8;
27:39, 40 sa matabang lupain, Deut. 2:4, 5;
maglilingkod sa mga 2 Sam. 8:14;
Israelita, at manaka-nakang 2 Hari 8:20;
maghihimagsik 1 Cron. 18:13;
2 Cron. 21:8-10
Gen. 48:19, 22 Ephraim magiging mas dakila Bil. 1:33-35;
kaysa Manasses, at bawat Deut. 33:17;
tribo tatanggap ng mana Jos. 16:4-9; 17:1-4
Gen. 49:7 Sina Simeon at Levi Jos. 19:1-9;
pangangalatin sa Israel Jos 21:41, 42
Gen. 49:10 Maharlikang pagpupuno 2 Sam. 2:4;
manggagaling sa Juda 1 Cron. 5:2;
Deut. 17:14 Israel hihingi ng hari 1 Sam. 8:4,
Deut. 28:52, Israel parurusahan sa Natupad sa
Deu 28:53, 64-66, 68 kataksilan; mga lungsod Samaria noong
kukubkubin, dadalhing 740 B.C.E.
alipin (2 Hari 17:5-23),
sa Jerusalem noong
607 B.C.E.
(Jer. 52:1-27),
at sa Jerusalem
uli noong 70 C.E.
Jos. 6:26 Parusa sa muling pagtatayo 1 Hari 16:34
ng Jerico
1 Sam. 2:31, 34; Isinumpa ang sambahayan 1 Sam. 4:11,
1Sam 3:12-14 ni Eli 1Sam 4:17, 18;
1 Hari 9:7, 8; Templo ay wawasakin kapag 2 Hari 25:9;
2 Cron. 7:20, 21 ang Israel ay naging 2 Cron. 36:19;
apostata Jer. 52:13;
1 Hari 13:1-3 Dudumhan ang dambana 2 Hari 23:16-18
ni Jeroboam
1 Hari 14:15 Pagbagsak ng sampung- 2 Hari 17:6-23;
tribong kaharian ng 2Ha 18:11, 12
Israel
Isa. 13:17-22; Pagkawasak ng Babilonya; Dan. 5:22-31;
Isa 45:1, 2; tarangkahan ng Babilonya tumutugma ang
Jer. 50:35-46; iiwang bukás; Mga Medo sekular na
Jer 51:37-43 at Persyano mananakop kasaysayan.
sa ilalim ni Ciro Binihag ni Ciro
ang Babilonya nang
maiwang bukás ang
mga tarangkahan d
Isa. 23:1, 8, Lungsod ng Tiro wawasakin Iniuulat ng
Isa 23:13, 14; ng mga Caldeo sa ilalim sekular na
Ezek. 26:4, 7-12 ni Nabukodonosor kasaysayan
pagkawasak ng
bahaging nasa
kontinente at ang
pulo sinakop ni
Nabukodonosor
matapos ang
13-taóng
pagkubkob e
Isa. 44:26-28 Ang Jerusalem at ang 2 Cron. 36:22, 23;
templo muling itinayo Ezra 1:1-4
ng nagbalik na mga Judiong
tapon; bahagi ni Ciro rito
Jer. 25:11; Pagsasauli ng isang Dan. 9:1, 2;
Jer 29:10 nalabi makaraan ang 70- Zac. 7:5;
taóng kagibaan 2 Cron. 36:
Jer. 48:15-24; Ang Moab gagawing ilang Ang Moab isa
Ezek. 25:8-11; nang patay
Zef. 2:8, 9 na bansa f
Jer. 49:2; Mga lungsod ng Amon Ang Amon isa
Ezek. 25: 1-7; gagawing bunton ng nang patay
Zef. 2:8, 9 kagibaan na bansa g
Jer. 49:17, 18; Ihihiwalay ang Edom na Ang Edom isa nang
Ezek. 25:12-14; waring hindi kailanman patay na bansa
Eze 35:7, 15; umiral matapos ang
ng Jerusalem
noong 70 C.E. h
Dan. 2:31-40; Inilarawan ang apat na Mga katuparan
Dan 7:2-7 kaharian: Babilonya, tinitiyak ng
Persya, Gresya, at Roma. sekular na
Maraming makahulang kasaysayan sa
detalye ang inihula pagbangon at
pagbagsak ng mga
kapangyarihang
ito i
Dan. 8:1-8, Pagkatapos ng kaharian ng Nilupig ni
Dan 8: 20-22; Persya, magpupuno ang Alejandrong
Dan 11:1-19 isa na makapangyari-han, Dakila ang
ang Gresya. Ito’y mahahati Imperyo ng
sa apat na kaharian, at Persya.
mula roo’y lalabas ang Pagkamatay niya
dalawang kapangyarihan, apat na heneral
ang hari ng hilaga at ang ang humalili.
hari ng timog Nang maglaon ang
mga kapangyarihang
Seleucid at
Ptolemaic
bumangon at
parating
nagdidigmaan sa
isa’t-isa j
Dan. 11:20-24 Iuutos ng pinunò ang Utos sa
pagpapatala. Sa panahon pagpapatala
ng kahalili niya, “ang sa Palestina noong
Pinunò ng tipan” babaliin maghari si Augusto
Cesar; Si Jesus
pinatay nang
maghari ang
kahalili
nito, si Tiberio
Cesar k
Zef. 2:13-15; Nineve magiging kagibaan Naging bunton
Nah. 3:1-7 ng basura l
Zac. 9:3, 4 Pulóng lungsod ng Tiro Tinupad ni
mawawasak Alejandro
noong 332 B.C.E. a
Mat. 24:2, Jerusalem paliligiran ng Tinupad ng mga
Mat 24:16-18; mga tulos at wawasakin Romano noong
Luc. 19:41-44 70 C.E. b
Mat. 24:7-14; Malaking panahon ng Walang-katulad
Mar. 13:8; kabagabagan ini-hula bago na panahon ng
Luc. 21:10, ang ganap na wakas ng sis- kabagaba-gan sa
Luc 21:11, 25-28; temang ito ng mga bagay; lupa mula unang
2 Tim. 3:1-5 kabilang ang mga digmaan, digmaang
taggutom, lindol, salot, pandaigdig
katampalasanan, noong 1914.
pangangaral ng mabuting Pangangaral ng
balita ng Kaharian sa Kaharian ginagawa
lahat ng bansa ngayon sa mahigit
200 lupain
[Mga talababa]
d Herodotus I, 191, 192; Insight on the Scriptures, Tomo 1, pahina 567.
e Cyclopedia nina McClintock at Strong, muling paglilimbag noong 1981, Tomo X, pahina 617; Insight on the Scriptures, Tomo 2, pahina 531, 1136.
f Insight on the Scriptures, Tomo 2, pahina 421-2.
g Insight on the Scriptures, Tomo 1, pahina 95.
h Insight on the Scriptures, Tomo 1, pahina 681-2.
i “Your Will Be Done On Earth,” pahina 104-25, 166-77, 188-95, 220-9.
j “Your Will Be Done on Earth,” pahina 121-2, 172-4, 194-5, 220-63; Insight on the Scriptures, Tomo 1, pahina 70-1.
k “Your Will Be Done on Earth,” pahina 248-53; Insight on the Scriptures, Tomo 1, pahina 220.
l Tingnan ang pahina 159, parapo 5, 6.
a Cyclopedia nina McClintock at Strong, muling paglilimbag noong 1981, Tomo X, pahina 618-19.
b Tingnan ang pahina 188, parapo 9.
Mga Tanong sa chart na “Mga Halimbawa ng Ibang Natupad na Hula sa Bibliya”:
(a) Anong inihulang mga pangyayari ang naganap matapos dumating ang Israel sa lupain ng Canaan?
(b) Anong makahulang mga paghatol laban sa Israel at Juda ang natupad, at kailan?
(c) Ano ang inihula tungkol sa pagsasauli?
(d) Aling mga bansa ang pinatutungkulan ng espesipikong mga mensahe ng paghatol, at papaano natupad ang mga ito?
(e) Ano ang ilang tampok na pangyayari sa kasaysayan na inihula ni Daniel? ni Jesus?
[Chart sa pahina 346-349]
(12) ILANG PAGSIPI AT PAGKAKAPIT NG KASULATANG HEBREO NA GINAWA NG MGA MANUNULAT NG KASULATANG GRIYEGO
(PANSININ: Sa talaang ito ay hindi kalakip ang mga pagtukoy na nakatala sa “Namumukod-tanging mga Hula Tungkol kay Jesus,” sa naunang mga pahina.)
Hula Pangyayari Katuparan
Gen. 1:3 Iniutos ng Diyos na 2 Cor. 4:6
magkaroon ng liwanag
Gen. 1:26, 27 Ginawa ang tao sa larawan Sant. 3:9;
ng Diyos, lalaki at babae Mar. 10:6
Gen. 2:2 Nagpahinga ang Diyos sa Heb. 4:4
makalupang paglalang
Gen. 2:7 Si Adan naging kaluluwang 1 Cor. 15:45
buháy
Gen. 2:24 Iiwan ng lalaki ang magulang Mat. 19:5;
at makikipisan sa asawa; Mar. 10:7, 8;
ang dalawa magiging isang 1 Cor. 6:16;
laman Efe. 5:31
Gen. 12:3; Lahat ng bansa pagpapalain Gal. 3:8
Gen 18:18 kay Abraham
Gen. 15:5 Pararamihin ang binhi ni Roma 4:18
Abraham
Gen. 15:6 Pananampalataya ni Abraham Roma 4:3;
ibinilang na katuwiran Gal. 3:6;
Gen. 17:5 Si Abraham naging ama Roma 4:16, 17
niyaong mga sumasampalataya
mula sa “maraming bansa”
Gen. 18:10, 14 Pinangakuan si Sara ng anak Roma 9:9
na lalaki
Gen. 18:12 Si Abraham tinawag ni Sara 1 Ped. 3:6
na “panginoon”
Gen. 21:10 Makahulang dula tungkol Gal. 4:30
kina Sara, Hagar, Isaac,
at Ismael
Gen. 21:12 Binhi ni Abraham mula Roma 9:7;
kay Isaac Heb. 11:18
Gen. 22:16, 17 Sumumpa ang Diyos sa sarili Heb. 6:13, 14
na pagpapalain si Abraham
Gen. 25:23 Inihula ang pabor ng Diyos Roma 9:12
kay Jacob sa halip na
kay Esau
Exo. 3:6 Ang Diyos ay Diyos, hindi Mat. 22:32;
ng mga patay, kundi ng Mar. 12: 26;
mga buháy Luc. 20:37
Exo. 9:16 Dahilan ng pagpapanatili Roma 9:17
ng Diyos kay Paraon
Exo. 13:2, 12 Panganay inialay kay Jehova Luc. 2:23
Exo. 16:18 Ginawang pantay-pantay ng 2 Cor. 8:15
Diyos ang pagtitipon ng maná
Exo. 19:5, 6 Israel magiging kaharian ng 1 Ped. 2:9
mga saserdote
Exo. 19:12, 13 Pagiging-kasindak-sindak ni Heb. 12:18-20
Jehovah sa Bundok Sinai
Exo. 20:12-17 Ikalima, ikaanim, ikapito, Mat. 5:21, 27;
ikawalo, ikasiyam, at Mat 15:4; 19:18, 19;
ikasampung utos Mar. 10:19;
Exo. 21:17 Parusa ng paglabag sa Mat. 15:4;
ikalimang utos Mar. 7:10
Exo. 21:24 Mata sa mata at ngipin Mat. 5:38
sa ngipin
Exo. 22:28 “Huwag hahamakin ang isang Gawa 23:5
pinunò ng bayan”
Exo. 24:8 Paggawa ng tipang Kautusan— Heb. 9:20;
“ang dugo ng tipan” Mat. 26:28;
Exo. 25:40 Tinagubilinan si Moises Heb. 8:5
hinggil sa pamarisan ng
tabernakulo at mga kagayakan
nito
Exo. 32:6 Mga Israelita nag-inuman at 1 Cor. 10:7
nagpakasaya
Exo. 33:19 Kahahabagan ng Diyos Roma 9:15
sinomang maibigan niya
Lev. 11:44 “Dapat kayong magpakabanal, 1 Ped. 1:16
sapagkat ako’y banal”
Lev. 12:8 Handog ng dukha sa pagsilang Luc. 2:24
ng anak na lalaki
Lev. 18:5 Nag-iingat ng Kautusan Gal. 3:12
mamumuhay ayon dito
Lev. 19:18 Ibigin ang kapuwa na gaya Mat. 19:19;
ng sarili Mat. 22:39;
Lev. 26:12 Si Jehova Diyos ng Israel 2 Cor. 6:16
Bil. 16:5 Alam ni Jehova ang kaniya 2 Tim. 2:19
Deut. 6:4, 5 Ibigin si Jehova nang buong Mat. 22:37;
puso at kaluluwa Mar. 12: 29, 30;
Deut. 6:13 “Si Jehovang Diyos ang Mat. 4:10;
dapat sambahin” Luc. 4:8
Deut. 6:16 “Huwag ilalagay sa pagsubok Mat. 4:7;
si Jehova na iyong Diyos” Luc. 4:12
Deut. 8:3 Hindi lamang sa tinapay Mat. 4:4;
mabubuhay ang tao Luc. 4:4
Deut. 18:15-19 Ibabangon ng Diyos ang Gawa 3:22, 23
propetang gaya ni Moises
Deut. 19:15 Bawat bagay dapat patunayan Juan 8:17;
ng dalawa o tatlong saksi 2 Cor. 13:1
Deut. 23:21 “Tuparin ang panata kay Mat. 5:33
Jehova”
Deut. 24:1 Paglalaan ng Kautusang Mat. 5:31
Mosaiko sa diborsiyo
Deut. 25:4 “Huwag bubusalan ang baka 1 Cor. 9:9;
kapag gumigiik” 1 Tim. 5:18
Deut. 27:26 Isinumpa mga Israelitang Gal. 3:10
hindi sumunod sa Kautusan
Deut. 29:4 Iilang Judio ang nakinig sa Roma 11:8
mabuting balita
Deut. 30:11-14 Dapat isapuso “ang ‘salita’ Roma 10:6-8
ng pananampalataya” at
ipangaral ito
Deut. 31:6, 8 Hindi pababayaan ng Diyos Heb. 13:5
ang kaniyang bayan
Deut. 32:17, 21 Pinanibugho ng Diyos ang Roma 10:19;
mga Judio nang anyayahan 1 Cor. 10:20-22
ang mga Gentil. Pinanibugho
ng mga Israelita si Jehova
dahil sa idolatriya
Deut. 32:35, 36 Kay Jehova ang paghihiganti Heb. 10:30
Deut. 32:43 “Magalak, kayong mga bansa, Roma 15:10
kasama ng kaniyang bayan”
1 Sam. 13:14; Si David, taong kalugud- Gawa 13:22
1Sam 16:1 lugod sa Diyos
1 Sam. 21:6 Kinain ni David at ng mga Mat. 12:3, 4;
tauhan ang tinapay ng alay Mar. 2:25, 26;
1 Hari 19:14, 18 Isa lamang nalabi ng mga Roma 11:3, 4
Judio ang nanatiling tapat
sa Diyos
2 Cron. 20:7 Si Abraham tinawag na Sant. 2:23
“kaibigan” (“mangingibig”)
ng Diyos
Job 41:11 “Sino ang unang nagbigay Roma 11:35
sa [Diyos]?”
Awit 5:9 “Ang lalamunan nila ay Roma 3:13
bukás na libingan”
Awit 8:2 Naglaan ng papuri ang Mat. 21:16
Diyos “mula sa bibig ng
mga sanggol”
Awit 8:4-6 “Ano ang tao upang iyong Heb. 2:6, 7;
isaisip siya?” Ipinasakop 1 Cor. 15:27
ng Diyos lahat ng bagay sa
ilalim ni Kristo
Awit 10:7 “Ang bibig nila’y punô ng Roma 3:14
panunungayaw”
Awit 14:1-3 “Walang matuwid na tao” Roma 3:10-12
Awit 18:49 Mga tao ng mga bansa Roma 15:9
luluwalhati sa Diyos
Awit 19:4, Walang dahilan na di-marinig Roma 10:18
talab. ang katotohanan ng pag-iral
ng Diyos gaya ng pinatutunayan
ng buong sangnilalang
Awit 22:22 “Ipapahayag ko ang iyong Heb. 2:12
pangalan sa aking mga
kapatid”
Awit 24:1 Ang lupa ay kay Jehova 1 Cor. 10:26
Awit 32:1, 2 “Maligaya ang tao na ang Roma 4:7, 8
pagkakasala ay hindi
ibibilang ni Jehova”
Awit 34:12-16 “Ang mga mata ni Jehova nasa 1 Ped. 3:10-12
matuwid”
Awit 36:1 “Walang takot sa Diyos sa Roma 3:18
harapan ng kanilang mga mata”
Awit 40:6-8 Wala nang kaluguran ang Diyos Heb. 10:6-10
sa mga hain sa ilalim ng
Kautusan; ang iisang hain ng
katawan ni Jesus, ayon sa
kalooban ng Diyos, umaakay sa
pagpapakabanal
Awit 44:22 “Kami’y nabilang na parang mga Roma 8:36
tupa sa patayan”
Awit 45:6, 7 “Ang Diyos ang luklukan Heb. 1:8, 9
[ni Kristo] magpakailanman”
Awit 51:4 Ang Diyos naipagbangong-puri Roma 3:4
ng kaniyang mga salita
at paghatol
Awit 68:18 Pag-akyat ni Kristo sa langit, Efe. 4:8
nagbigay ng mga kaloob na tao
Awit 69:22, 23 Dulang ng kapayapaan ng mga Roma 11:9, 10
Israelita naging silo
Awit 78:24 Ang tinapay mula sa langit Juan 6:31-33
Awit 82:6 “Kayo’y mga diyos” Juan 10:34
Awit 94:11 “Batid ni Jehova na ang 1 Cor. 3:20
kaisipan ng matatalino
ay walang-kabuluhan”
Awit 95:7-11 Masuwaying mga Israelita Heb. 3:7-11;
hindi nakapasok sa Heb 4:3, 5, 7
kapahingahan ng Diyos
Awit 102:25-27 “Ikaw . . . , O Panginoon, Heb. 1:10-12
ang naglatag ng mga
patibayan ng lupa”
Awit 104:4 “Ginagawang espiritu ang mga Heb. 1:7
anghel”
Awit 110:1 Ang Panginoon uupo sa kanang Mat. 22:43-45;
kamay ni Jehova Mar. 12:36, 37;
Awit 110:4 Si Kristo’y saserdote Heb. 7:17
magpakailanman ayon sa
wangis ni Melkizedek
Awit 112:9 “Kaniyang pinanabog . . . 2 Cor. 9:9
ang katuwiran Niya’y
nananatili magpakailanman”
Awit 116:10 “Ako’y sumampalataya, kaya 2 Cor. 4:13
ako’y nagsalita”
Awit 117:1 “Purihin si Jehova, lahat Roma 15:11
ng mga bansa”
Awit 118:6 “Si Jehova ang aking katulong; Heb. 13:6
hindi ako matatakot”
Awit 140:3 “Kamandag ng mga ahas nasa Roma 3:13
kanilang mga labi”
Kaw. 26:11 “Ang aso bumalik sa 2 Ped. 2:22
sariling suka”
Isa. 1:9 Kundi dahil sa nalabi, ang Roma 9:29
Israel naging gaya ng Sodoma
Isa. 6:9, 10 Mga Israelita hindi nakinig Mat. 13:13-15;
sa mabuting balita Mar. 4:12;
Isa. 8:17, 18 “Narito! ako at ang mga Heb. 2:13
anak na ibinigay ni Jehova
sa akin”
Isa. 10:22, 23 Tanging nalabi sa Israel ang Roma 9:27, 28
maliligtas
Isa. 22:13 “Tayo’y kumain at uminom, 1 Cor. 15:32
pagkat bukas tayo’y
mamamatay”
Isa. 25:8 “Ang kamatayan lalamunin 1 Cor. 15:54
na magpakailanman”
Isa. 28:11, 12 Hindi naniwala ang bayan 1 Cor. 14:21
bagaman pinagsabihan “sa
wika ng mga dayuhan”
Isa. 28:16 Hindi mabibigo ang sasampalataya 1 Ped. 2:6;
kay Kristo, ang patibayan Roma 10:11
sa Sion
Isa. 29:13 Pagpapaimbabaw ng mga eskriba Mat. 15:7-9;
at Fariseo inilarawan Mar. 7:6-8
Isa. 29:14 Karunungan ng mga pantas 1 Cor. 1:19
pinapawi ng Diyos
Isa. 40:6-8 Salita ni Jehova namamalagi 1 Ped. 1:24, 25
magpakailanman
Isa. 40:13 ‘Sino ang tagapayo ni Jehova?’ Roma 11:34
Isa. 42:6; “Inatasan kita na maging Gawa 13:47
Isa 49:6 ilaw sa mga bansa”
Isa. 45:23 Bawat tuhod iluluhod kay Jehova Roma 14:11
Isa. 49:8 Kalugud-lugod na panahon 2 Cor. 6:2
upang mapakinggan, sa “araw
ng kaligtasan”
Isa. 52:7 Maganda ang mga paa ng maydala Roma 10:15
ng mabuting balita
Isa. 52:11 “Lumabas kayo sa kanila, at 2 Cor. 6:17
humiwalay kayo”
Isa. 52:15 Mabuting balita ipinahayag Roma 15:21
sa mga Gentil
Isa. 54:1 “Magalak ka, baog na babaeng Gal. 4:27
hindi nanganganak”
Isa. 54:13 “Silang lahat tuturuan ni Juan 6:45
Jehova”
Isa. 56:7 Ang bahay ni Jehova magiging Mat. 21:13;
bahay dalanginan para sa Mar. 11: 17;
lahat ng bansa Luc. 19:46
Isa. 59:7, 8 Kabalakyutan ng tao inilarawan Roma 3:15-17
Isa. 65:1, 2 Si Jehova nakilala ng mga Roma 10:20, 21
bansang Gentil
Isa. 66:1, 2 “Ang langit ay aking luklukan, Gawa 7:49, 50
at ang lupa ang aking
tuntungan”
Jer. 5:21 May mata, ngunit hindi Mar. 8:18
nakakakita
Jer. 9:24 “Ang nagmamapuri, kay 1 Cor. 1:31;
Jehova magmapuri” 2 Cor. 10:17
Jer. 31:31-34 Gagawa ang Diyos ng Heb. 8:8-12;
bagong tipan Heb 10:16, 17
Dan. 9:27; “Ang kasuklam-suklam na Mat. 24:15
Dan 11:31 bagay na nagwawasak”
Ose. 1:10; Ang mga Gentil magiging Roma 9:24-26
Ose 2:23 bayan din ng Diyos
Ose. 6:6 “Nais ko ng awa, hindi Mat. 9:13; 12:7
ang hain”
Ose. 13:14 “Kamatayan, nasaan ang 1 Cor. 15:54, 55
iyong tibo?”
Joel 2:28-32 “Lahat ng tumatawag sa Gawa 2:17-21;
pangalan ni Jehova maliligtas” Roma 10:13
Amos 9:11, 12 Ibabangon ng Diyos ang tolda Gawa 15:16-18
ni David
Hab. 1:5 “Tingnan ninyo, mga manunuya, Gawa 13:40, 41
at manggilalas”
Hab. 2:4 “Ang matuwid mabubuhay sa Heb. 10:38;
pananampalataya” Roma 1:17
Hag. 2:6 Mayayanig ang langit at lupa Heb. 12:26, 27
Mal. 1:2, 3 Minahal si Jacob, kinapootan Roma 9:13
si Esau
Mga Tanong sa chart na “Ilang Pagsipi at Pagkakapit ng Kasulatang Hebreo na Ginawa ng mga Manunulat ng Kasulatang Griyego”:
(a) Papaano umaalalay sa ulat ng paglalang ang mga pagtukoy ng Kasulatang Griyego sa Genesis?
(b) Papaano kumakapit kay Abraham at sa binhi ni Abraham ang mga pagtukoy sa Genesis?
(c) Anong mga pagsipi ang ginagawa sa Exodo tungkol sa Sampung Utos at iba pang aspeto ng Kautusan?
(d) Saan masusumpungan ang orihinal na kapahayagan ng dalawang dakilang kautusan, na ibigin si Jehova nang buong-puso at kaluluwa at ibigin ang kapuwa na gaya ng sarili?
(e) Banggitin ang ilang saligang simulain sa Pentateuko na sinisipi sa Kasulatang Griyego. Papaano ito ikinakapit?
(f) Anong mga talata sa Mga Awit, na sinisipi sa Kasulatang Griyego, ang dumadakila kay Jehova (1) bilang Maylikha at May-ari ng lupa? (2) bilang Isa na interesado at nangangalaga sa mga matuwid?
(g) Papaano ikinakapit ng Kristiyanong Kasulatang Griyego ang mga talata sa Isaias at iba pang propeta sa (1) pangangaral ng mabuting balita? (2) pagtanggi ng ilan sa mabuting balita? (3) pagsampalataya ng mga tao ng mga bansa, bukod sa isang nalabi sa Israel? (4) kapakinabangan ng pananampalataya sa mabuting balita?