Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sa mga Magulang

Sa mga Magulang

Ano ang pinakamagandang regalo na maibibigay ninyo sa inyong mga anak? Marami silang kailangan, tulad ng inyong pagmamahal, patnubay, at proteksiyon. Pero ang pinakamahalagang regalo na maibibigay ninyo sa kanila ay ang kaalaman tungkol kay Jehova at sa mga katotohanang nasa kaniyang Salita, ang Bibliya. (Juan 17:3) Ang kaalamang iyan ay tutulong sa inyong mga anak na mahalin si Jehova at paglingkuran siya nang buong puso, kahit maliliit pa sila.—Mateo 21:16.

Napansin ng maraming magulang na mas natututo ang mga bata sa maiikling leksiyon at activity. Kaya natutuwa kaming ilabas ang publikasyong ito, Mga Leksiyon Ko sa Bibliya. Ang bawat leksiyon ay nagtuturo sa simpleng paraan. Ang mga larawan at tula ay dinisenyo para sa mga batang edad tatlo pababa. May mga activity rin ito. Ang brosyur na Mga Leksiyon Ko sa Bibliya ay hindi laruan. Ginawa ito para basahin at pag-usapan ninyo ng inyong mga anak.

Tiyak na makatutulong ang publikasyong ito sa pagtuturo ninyo sa inyong mga anak ng katotohanan sa Bibliya “mula sa pagkasanggol.”—2 Timoteo 3:14, 15.

Ang inyong mga kapatid,

Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova