Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Unang-Siglong Kongregasyong Kristiyano

Ang Unang-Siglong Kongregasyong Kristiyano

Ang Unang-Siglong Kongregasyong Kristiyano

Noong Pentecostes 33 C.E., ang banal na espiritu ay ibinuhos sa 120 alagad ni Jesus, at sa maraming wika ay nagsimula silang nangaral tungkol sa kamangha-manghang mga bagay ng Diyos. Noon itinatag ang kongregasyong Kristiyano. Mga 3,000 bagong alagad ang nabawtismuhan nang araw na iyon.​—Gawa, kabanata 2.

Ang mga kongregasyon sa iba’t ibang pook ay lumago habang ang mga apostol at ang mga iba pa ay patuloy na nangaral ng Salita ng Diyos nang may katapangan. Gaya ng nasusulat sa aklat ng Mga Gawa, mabilis na lumaganap ang pangangaral sa buong lugar ng Mediteranyo, mula sa Babilonya at Hilagang Aprika hanggang sa Roma at marahil sa Espanya.​—Roma 15:18-29; Colosas 1:23; 1 Pedro 5:13.

Saanman na may mga taong nagiging mga alagad, sila’y bumubuo ng mga kongregasyon. Kuwalipikadong, maygulang na mga lalaki ang hinirang na mga matatanda, o tagapangasiwa, upang pairalin ang pamantayan ng tamang turo at asal sa mga kongregasyon. Ngunit sila’y hindi bahagi ng isang uring klero; sila’y mga ministro at magkakasamang manggagawa ukol sa Kaharian ng Diyos.​—Gawa 14:23; 20:28; 1 Corinto 3:5; 5:13; Colosas 4:11; 1 Timoteo 3:1-15; Hebreo 13:17; 1 Pedro 5:1-4.

Ang mga apostol at ang iba pang mga kamanggagawa nila ay nagsilbing isang lupong tagapamahala. Sila ang nanguna sa pangangaral. Sila ang nagpasiya tungkol sa mga suliranin sa kongregasyon sa Jerusalem. Sila’y nagsugo ng kuwalipikadong mga kapatid sa Samaria at Antioquia upang palakasin ang mga bagong mananampalataya doon. Sila ang humawak ng isang kaso tungkol sa pagtutuli, at sa lahat ng kongregasyon ay nagpadala ng kanilang desisyon para iyon ang sundin. Gayunman ay hindi naging tulad sa mga panginoon ang mga lalaking ito kundi naging mga lingkod at magkakasamang manggagawa sila sa buong kongregasyon.—Gawa 4:33; 6:1-7; 8:14-25; 11:22-24; 15:1-32; 16:4, 5; 1 Corinto 3:5-9; 4:1, 2; 2 Corinto 1:24.

Ang mga unang alagad ay nakilala bilang mga Kristiyano, yamang ang Diyos ang nagbigay sa kanila ng gayong pangalan. At sila’y may mga turo na napapaiba sa lahat; ito’y tinatawag na ang turo ng mga apostol, o ang ulirang mga salitang magagaling. Ang maka-Kasulatang turong ito ay tinawag din na ang katotohanan.​—Juan 17:17; Gawa 2:42; 11:26; Roma 6:17; 1 Timoteo 4:6; 6:1, 3; 2 Timoteo 1:13; 2 Pedro 2:2; 2 Juan 1, 4, 9.

Sila’y isang pambuong-daigdig na samahan ng mga magkakapatid na nagkakaisa sa pag-ibig. Sila’y interesado sa kanilang mga kapananampalataya sa mga ibang bansa. Pagka sila’y nangingibang-bansa, sila’y tinatanggap ng mga kapananampalataya sa mga tahanan nila. Sila’y sumusunod sa isang mataas na pamantayan ng asal, sapagka’t sila’y isang bayang banal na hiwalay sa sanlibutan. Laging isinasaisip nila ang araw ng pagkanaririto ni Jehova at sila’y masigasig sa pangmadlang pagpapahayag ng kanilang pananampalataya.​—Juan 13:34, 35; 15:17-19; Gawa 5:42; 11:28, 29; Roma 10:9, 10, 13-15; Tito 2:11-14; Hebreo 10:23; 13:15; 1 Pedro 1:14-16; 2:9-12; 5:9; 2 Pedro 3:11-14; 3 Juan 5-8.

Subali’t, gaya ng inihula, nagsimulang bumangon ang isang malaganap na apostasya, noong ikalawa at ikatlong siglo. Ang resulta nito’y ang malalaking sistema ng relihiyon na hindi nanatili sa kadalisayan ng sinaunang kongregasyong Kristiyano sa turo, asal, organisasyon, at katayuan tungkol sa sanlibutan.​—Mateo 13:24-30, 37-43; 2 Tesalonica, kabanata 2.

Nguni’t inihula ni Jesus na isasauli ang tunay na pagsamba sa katapusan ng sistema ng mga bagay. Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na ang pagsasauling ito ay makikita sa kanilang pambuong daigdig na mga aktibidades sa panahon natin, mga 1,900 taon pagkatapos humula si Jesus. Ang sumusunod na mga pahina ang magpapaliwanag kung bakit.

● Paano natatag ang kongregasyong Kristiyano, at papaano ito lumago?

● Paano isinagawa ang pamamanihala sa kongregasyong iyon?

● Anong mga bagay ang malinaw na nagpapakita ng pagkakaiba ng unang-siglong mga Kristiyano?

[Mapa sa pahina 7]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Black Sea

Caspian Sea

Great Sea

Red Sea

Persian Gulf

Mga lugar na narating ng mabuting balita noong unang siglo

ITALY

Rome

GREECE

MALTA

CRETE

CYPRUS

BITHYNIA

GALATIA

ASIA

CAPPADOCIA

CILICIA

SYRIA

ISRAEL

Jerusalem

MESOPOTAMIA

Babylon

Ang ilan na tagarito ay naging mananampalataya

ILLYRICUM

MEDIA

PARTHIA

ELAM

ARABIA

LIBYA

EGYPT

ETHIOPIA

[Mga larawan sa pahina 7]

Ang mga unang Kristiyano ay nangaral ng Salita ng Diyos nang may katapangan

Ang mga Kristiyano ay tinatanggap sa tahanan ng mga kapananampalataya saanman sila pumaroon