Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Aming Paanyaya sa Iyo

Ang Aming Paanyaya sa Iyo

Ang Aming Paanyaya sa Iyo

Nasiyahan kami sa pakikipag-usap sa iyo sa pamamagitan ng mga pahina ng brosyur na ito. Umaasa kaming nasiyahan ka rin na malaman ang higit pa tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Tanggapin mo sana ang aming paanyaya na dalawin kami sa aming lokal na Kingdom Hall. Tingnan mo kung paano idinaraos ang aming mga pulong. Tingnan mo kung paano kami nagsisikap na ibahagi sa iba ang mabuting balita tungkol sa isang paraiso sa lupa sa ilalim ng Kaharian ni Kristo.

Ipinangako iyan ng Diyos. “May mga bagong langit at isang bagong lupa na ating hinihintay ayon sa kaniyang pangako, at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran.” (2 Pedro 3:13) Maraming siglo na ang nakalipas. Malapit nang magwakas ang panahon ng paghihintay. Ipinahihiwatig ito ng mga kalagayan sa daigdig.

“Samantalang inyong nakikita na papalapit na ang araw,” sinabi ni apostol Pablo, “isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon.” (Hebreo 10:​24, 25) Inaanyayahan ka naming sundin ang payo ni Pablo sa pamamagitan ng pakikipagtipong kasama namin.