Ano ang Pinaniniwalaan Nila?
Ano ang Pinaniniwalaan Nila?
PINANINIWALAAN ng mga Saksi ni Jehova ang Kataas-taasang Diyos, si Jehova, ang Maylalang ng langit at lupa. Ang mismong pag-iral ng masalimuot na disenyo ng mga kababalaghan sa uniberso na nakapalibot sa atin ay makatuwirang nagpapahiwatig na isang napakatalino at napakamakapangyarihang Maylalang ang gumawa ng lahat ng ito. Kung paanong namamalas sa mga gawa ng mga lalaki at babae ang kanilang mga katangian, gayundin naman yaong sa Diyos na Jehova. Sinasabi sa atin ng Bibliya na “ang kaniyang di-nakikitang mga katangian ay malinaw na nakikita mula pa sa pagkalalang ng sanlibutan, sapagkat napag-uunawa ang mga ito sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa.” Gayundin, bagaman walang tinig o mga salita, “ang langit ay naghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos.”—Roma 1:20; Awit 19:1-4.
Ang mga tao ay hindi nagmomolde ng palayok o gumagawa ng mga telebisyon at computer nang walang layunin. Higit na kahanga-hanga ang lupa at ang nariritong mga likhang buhay halaman at hayop. Ang kayarian ng katawan ng tao na binubuo ng trilyun-trilyong selula ay di-abot ng ating unawa—maging ang utak na ginagamit natin sa pag-iisip ay talaga namang kamangha-mangha upang malirip! Kung ang mga tao ay may layunin sa pagtatanghal ng kanilang hamak na mga imbensiyon, lalo nang tiyak na may layunin ang Diyos na Jehova sa kaniyang kasindak-sindak na mga nilalang! Sinasabi sa Kawikaan 16:4 na talagang mayroon: “Ang lahat ng bagay ay ginawa ni Jehova ukol sa kaniyang layunin.”
Ginawa ni Jehova ang lupa ukol sa isang layunin, gaya ng sinabi niya sa unang mag-asawa: “Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa . . . , magkaroon kayo ng kapamahalaan sa mga isda sa dagat at sa mga lumilipad na nilalang sa langit at sa bawat nilalang na buháy na gumagala sa ibabaw ng lupa.” (Genesis 1:28) Palibhasa’y sumuway sila, nabigo ang mag-asawang ito na punuin ang lupa ng matuwid na mga pamilya na maibiging mangangalaga sa lupa at sa nariritong mga halaman at mga hayop. Subalit ang kanilang pagkabigo ay hindi nakasira sa layunin ni Jehova. Makalipas ang libu-libong taon, isinulat ito: ‘Ang Diyos, ang Tagapag-anyo ng lupa . . . , hindi niya ito nilalang na walang kabuluhan. Inanyuan niya ito upang tahanan.’ Hindi ito wawasakin, kundi “ang lupa ay mamamalagi magpakailanman.” (Isaias 45:18; Eclesiastes 1:4, The New English Bible) Matutupad ang layunin ni Jehova para sa lupa: “Ang aking pasiya ay mananatili, at ang lahat ng aking kinalulugdan ay gagawin ko.”—Isaias 46:10.
Kaya naman, naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na ang lupa ay mananatili magpakailanman at na lahat ng tao, buháy at patay, na babagay sa layunin ni Jehova para sa isang pinaganda at tinitirahang lupa ay maaaring mabuhay rito magpakailanman. Ang buong sangkatauhan ay nagmana ng di-kasakdalan mula kina Adan at Eva at, samakatuwid, mga makasalanan. (Roma 5:12) Sinasabi sa atin ng Bibliya: “Ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan.” “Batid ng mga buháy na sila ay mamamatay; ngunit kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran.” “Ang kaluluwa na nagkakasala—iyon mismo ang mamamatay.” (Roma 6:23; Eclesiastes 9:5; Ezekiel 18:4, 20) Paano naman kaya sila muling mabubuhay upang makibahagi sa mga pagpapala sa lupa? Tanging sa pamamagitan lamang ng haing pantubos ni Kristo Jesus, sapagkat sinabi niya: “Ako ang pagkabuhay-muli at ang buhay. Siya na nananampalataya sa akin, kahit na mamatay siya, ay mabubuhay.” “Lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at lalabas.”—Juan 5:28, 29; 11:25; Mateo 20:28.
Paano kaya ito magaganap? Ipinaliliwanag ito sa “mabuting balita ng kaharian,” na pinasimulang ihayag ni Jesus habang siya’y nasa lupa. (Mateo 4:17-23) Subalit sa ngayon ay nangangaral ng mabuting balita ang mga Saksi ni Jehova sa isang namumukod-tanging paraan.
[Chart sa pahina 13]
ANG PINANINIWALAAN NG MGA SAKSI NI JEHOVA
Paniniwala Maka-Kasulatang Dahilan
Ang Bibliya ay Salita ng Diyos at 2 Tim. 3:16, 17;
siyang katotohanan 2 Ped. 1:20, 21; Juan 17:17
Higit na mapananaligan ang Bibliya Mat. 15:3; Col. 2:8
kaysa sa tradisyon
Ang pangalan ng Diyos ay Jehova Awit 83:18; Isa. 26:4;
Isa 42:8, AS; Ex. 6:3
Si Kristo ay Anak ng Diyos at Mat. 3:17; Juan 8:42; 14:28;
nakabababa sa Kaniya Ju 20:17; 1 Cor. 11:3;
Si Kristo ang una sa mga nilalang Col. 1:15; Apoc. 3:14
ng Diyos
Si Kristo ay namatay sa isang Gal. 3:13; Gawa 5:30
tulos, hindi sa isang krus
Ang buhay tao ni Kristo ay ibinayad Mat. 20:28; 1 Tim. 2:5, 6;
bilang pantubos para sa masunuring 1 Ped. 2:24
mga tao
Ang isang hain ni Kristo Roma 6:10; Heb. 9:25-28
ay sapat na
Si Kristo ay ibinangon mula sa 1 Ped. 3:18; Roma 6:9;
mga patay bilang isang imortal Apoc. 1:17, 18
na espiritung persona
Ang pagkanaririto ni Kristo ay Juan 14:19; Mat. 24:3;
sa espiritu 2 Cor. 5:16; Awit 110:1, 2
Tayo ngayon ay nasa ‘panahon ng Mat. 24:3-14; 2 Tim. 3:1-5;
kawakasan’ Luc. 17:26-30
Ang Kaharian sa ilalim ni Kristo Isa. 9:6, 7; 11:1-5;
ay mamamahala sa lupa taglay ang Dan. 7:13, 14; Mat. 6:10
katuwiran at kapayapaan
Ang Kaharian ay magdadala ng Awit 72:1-4; Apoc. 7:9, 10, 13-17;
napakainam na mga kalagayan ng Apo 21:3, 4
pamumuhay sa lupa
Ang lupa ay hinding-hindi mawawasak Ecles. 1:4; Isa. 45:18;
o mawawalan ng naninirahan Awit 78:69
Aalisin ng Diyos ang kasalukuyang Apoc. 16:14, 16; Zef. 3:8;
sistema ng mga bagay sa digmaan Dan. 2:44; Isa. 34:2; 55:10, 11
ng Har–Magedon
Ang balakyot ay pupuksain Mat. 25:41-46; 2 Tes. 1:6-9
magpakailanman
Ang mga taong sinang-ayunan ng Juan 3:16; 10:27, 28; 17:3;
Diyos ay tatanggap ng buhay na Mar. 10:29, 30
walang hanggan
Iisa lamang ang daan tungo sa Mat. 7:13, 14; Efe. 4:4, 5
buhay
Ang kamatayan ng tao ay dahil sa Roma 5:12; 6:23
kasalanan ni Adan
Ang kaluluwa ng tao ay hindi Ezek. 18:4; Ecles. 9:10;
na umiiral pagkamatay Awit 6:5; 146:4; Juan 11:11-14
Ang impiyerno ay karaniwang Job 14:13, Dy;
libingan ng sangkatauhan Apoc. 20:13, 14, AV (mardyin)
Ang pag-asa ng mga patay ay 1 Cor. 15:20-22; Juan 5:28, 29;
pagkabuhay-muli Ju 11:25, 26
Mawawala na ang Adanikong 1 Cor. 15:26, 54; Apoc. 21:4;
kamatayan Isa. 25:8
Isang munting kawan lamang ng Luc. 12:32; Apoc. 14:1, 3;
144,000 ang aakyat sa langit at 1 Cor. 15:40-53; Apoc. 5:9, 10
mamamahala kasama ni Kristo
Ang 144,000 ay 1 Ped. 1:23; Juan 3:3;
ipinanganganak-muli bilang Apoc. 7:3, 4
espirituwal na mga anak ng Diyos
Ang bagong tipan ay Jer. 31:31; Heb. 8:10-13
ipinakipagtipan sa espirituwal
na Israel
Ang kongregasyon ni Kristo ay Efe. 2:20; Isa. 28:16;
itinayo sa kaniya Mat. 21:42
Ang mga panalangin ay dapat Juan 14:6, 13, 14;
ipatungkol lamang kay Jehova 1 Tim. 2:5
sa pamamagitan ni Kristo
Ang mga imahen ay hindi Ex. 20:4, 5; Lev. 26:1;
dapat gamitin sa pagsamba 1 Cor. 10:14; Awit 115:4-8
Ang espiritismo ay dapat iwasan Deut. 18:10-12; Gal. 5:19-21;
Si Satanas ang di-nakikitang 1 Juan 5:19; 2 Cor. 4:4;
tagapamahala ng sanlibutan Juan 12:31
Ang isang Kristiyano ay hindi 2 Cor. 6:14-17; 11:13-15;
dapat makibahagi sa mga kilusang Gal. 5:9; Deut. 7:1-5
interfaith
Ang isang Kristiyano ay dapat na Sant. 4:4; 1 Juan 2:15;
manatiling hiwalay sa sanlibutan Juan 15:19; 17:16
Sumunod sa mga batas ng tao na Mat. 22:20, 21; 1 Ped. 2:12;
hindi salungat sa mga batas 1 Ped. 4:15
ng Diyos
Ang pagpapasok ng dugo sa Gen. 9:3, 4;
katawan sa pamamagitan ng bibig Lev. 17:14; Gawa 15:28, 29
o ugat ay labag sa mga kautusan
ng Diyos
Ang mga kautusan ng Bibliya 1 Cor. 6:9, 10; Heb. 13:4;
tungkol sa moral ay dapat sundin 1 Tim. 3:2; Kaw. 5:1-23
Ang pangingilin ng Sabbath ay sa Deut. 5:15; Ex. 31:13;
Israel lamang ibinigay at tinapos Roma 10:4; Gal. 4:9, 10;
kalakip ng Kautusang Mosaiko Col. 2:16, 17
Ang uring klero at pantanging Mat. 23:8-12; 20:25-27;
mga titulo ay di-angkop Job 32:21, 22
Ang tao ay hindi bunga ng Isa. 45:12; Gen. 1:27;
ebolusyon kundi nilalang Mat. 19:4
Si Kristo ay nagbigay ng 1 Ped. 2:21; Heb. 10:7;
halimbawa na dapat sundin sa Juan 4:34; 6:38
paglilingkod sa Diyos
Ang bautismo sa pamamagitan ng Mar. 1:9, 10; Juan 3:23;
lubusang paglulubog sa tubig ay Gawa 19:4, 5
sumasagisag sa pag-aalay
Ang mga Kristiyano ay natutuwang Roma 10:10; Heb. 13:15;
magbigay ng pangmadlang patotoo Isa. 43:10-12
sa maka-Kasulatang katotohanan
[Larawan sa pahina 12]
LUPA . . . nilalang ni Jehova . . . pinangangalagaan ng tao . . . tatahanan magpakailanman