Patuloy sa Mabilis na Pagsulong ang Salita ni Jehova (1976-1992)
Kabanata 9
Patuloy sa Mabilis na Pagsulong ang Salita ni Jehova (1976-1992)
“Katapus-tapusan, mga kapatid, patuloy na idalangin ninyo kami, upang ang salita ni Jehova ay mabilis na sumulong [o, ‘tumakbo’] at luwalhatiin nawa na gaya rin naman sa inyo.”—2 Tes. 3:1, “Kingdom Interlinear.”
SA MGA salitang iyan ay hiniling ni apostol Pablo sa kaniyang mga kapuwa mananampalataya sa Tesalonica na idalanging siya at ang kaniyang mga kasama ay magtagumpay sa paghahayag ng salita ni Jehova nang walang balakid. Sinagot ni Jehova ang panalanging iyan. Subalit hindi ito nangangahulugan na ang apostol ay hindi na makararanas ng mga suliranin. Siya’y napaharap sa matinding pagsalansang mula sa sanlibutan at kinailangang makitungo sa mga bulaang kapatid na kumilos nang may panlilinlang. (2 Cor. 11:23-27; Gal. 2:4, 5) Gayunman, sa kabila nito, pagkaraan ng mga sampung taon, maisusulat ni Pablo na bilang resulta ng pagpapala ng Diyos, ang mabuting balita ay “nagbubunga at lumalago sa buong sanlibutan.”—Col. 1:6.
Gayundin sa ating kapanahunan—ngunit sa isang antas na hindi kailanman naranasan—ang mabuting balita ay nagbubunga. Mas maraming tao ang nararatnan ng mabuting balita at nanghahawakan doon higit kailanman. Ang pagsasagawa ng inihula ng Salita ng Diyos ay mabilis na sumulong, gaya ng isang mananakbo sa karera.—Isa. 60:22.
Mga Pagbabago sa Organisasyon
Sa pagsapit ng 1976, si Brother Knorr ay masikap na nakapaglingkod na bilang presidente ng Samahang Watch Tower sa mahigit na tatlong dekada. Nakapaglibot na siya sa daigdig nang maraming ulit, na dinadalaw at pinasisigla ang mga misyonero, nagtuturo at nagtatagubilin sa mga tauhan ng mga tanggapang sangay. Siya’y nagkapribilehiyo na makita ang pagdami ng mga Saksi mula 117,209 noong 1942 hanggang sa maging 2,248,390 noong 1976.
Subalit noong tag-araw ng 1976, ang 71-taóng-gulang na si N. H. Knorr ay nakapansin na parati siyang napapabangga. Ang sumunod na mga pagsusuri ay naghimatong na siya’y may tumor sa utak na hindi na maaaring operahin. Siya’y nagsikap na magpatuloy sa pagtatrabaho sa loob ng ilang buwan, subalit waring hindi na siya gagaling. Ang panghihina ba ng kaniyang katawan ay makahahadlang sa pagsulong ng gawain?
Ang pagpapalaki ng Lupong Tagapamahala ay nakapagsimula na noong 1971. Noong 1975, mayroon nang 17 miyembro. Halos sa loob ng buong taóng iyan, maingat at may pananalanging pinag-aralan ng Lupong Tagapamahala kung papaano Mat. 28:19, 20) Noong Disyembre 4, 1975, pinagkaisahan ng Lupong Tagapamahala ang isa sa pinakamahalagang pagbabago sa organisasyon sa modernong-panahong kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova.
nila mapangangalagaang mabuti ang lahat ng nasasangkot sa pangglobong gawain na pangangaral at pagtuturo na binalangkas sa Salita ng Diyos para sa ating kaarawan. (Simula noong Enero 1, 1976, ang lahat ng gawain ng Samahang Watch Tower at ng mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong lupa ay napasailalim ng pangangasiwa ng anim na komiting pampangasiwaan ng Lupong Tagapamahala. Kasuwato ng kaayusang iyan, noong Pebrero 1, 1976, may mga pagbabagong isinagawa sa lahat ng tanggapang sangay ng Samahan sa buong lupa. Hindi na pinangangasiwaan ng isa lamang tagapangasiwa ang bawat sangay, kundi tatlo o higit pang maygulang na mga lalaki ang naglilingkod bilang Komite ng Sangay, na isang miyembro ang naglilingkod bilang palagiang coordinator. a Pagkaraan ng ilang buwang pangangasiwa ng mga komite, napansin ng Lupong Tagapamahala: “Napatunayang kapaki-pakinabang na magkaroon ng isang grupo ng mga kapatid na nagpapalitan ng kani-kanilang mungkahi alang-alang sa kapakanan ng gawaing pangkaharian.—Kaw. 11:14; 15:22; 24:6.”
Noong taglagas ng 1976, sa kabila ng patuloy na panghihina ng kaniyang katawan, nakibahagi pa rin si Brother Knorr sa pagbibigay ng instruksiyon sa mga miting na ginanap sa punong-tanggapan kasama ng mga miyembro ng Komite ng Sangay at iba pang mga tauhan ng sangay mula sa buong daigdig. Bukod sa pakikibahagi niya sa mga miting sa maghapon, inanyayahan pa ni Brother Knorr ang mga kapatid na ito, sa maliliit na grupo, sa kaniyang kuwarto sa kinagabihan. Sa ganitong paraan, siya at ang kaniyang asawa, si Audrey, ay matalik na nakipagkuwentuhan sa mga taong nakakakilala at nagmamahal sa kaniya at kung ilang taon ding nakasalamuha niya. Pagkaraan ng mga miting na ito, patuloy na nanghina ang katawan ni Brother Knorr hanggang sa kaniyang kamatayan noong Hunyo 8, 1977.
Noong Hunyo 22, 1977, dalawang linggo pagkamatay ni Brother Knorr, ang 83-anyos na si Frederick W. Franz ay nahalal na presidente ng Samahang Watch Tower. Tungkol kay Brother Franz, Ang Bantayan ng Pebrero 1, 1978 (Agosto 1, 1977, sa Ingles), ay nagsabi: “Ang kaniyang reputasyon bilang isang mabunying iskolar ng Bibliya at ang walang-kapagurang paggawa alang-alang sa kapakanan ng Kaharian ang naging dahilan ng pagtitiwala at tapat na pagsuporta ng mga Saksi ni Jehova saanman.”
Nang maganap ang pagbabagong ito, mayroon nang isinagawang bagong mga kaayusan sa organisasyon na tumiyak sa pagsulong ng gawain.
Sinasapatan ng mga Lathalain sa Bibliya ang Espirituwal na mga Pangangailangan
Busog na busog sa espirituwal ang mga Saksi ni Jehova bago ang 1976. Subalit ang pagsusuri sa nangyari mula noon sa ilalim ng pangangasiwa ng Lupong Tagapamahala at ng Writing Committee nito ay nagpapakita na ang tubig ng katotohanan ay umagos pa nang higit at sa iba’t ibang anyo.
Marami sa mga inilimbag na publikasyon ang nakasapat sa mga partikular na pangangailangan ng mga Saksi mismo. Ipinakita ang natatanging pagmamalasakit sa mga kabataan. Upang tulungan silang maikapit ang mga prinsipyo ng Bibliya sa kalagayang napapaharap sa kanilang buhay, Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito ay inilathala noong 1976 (sa Ingles), at Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, noong 1989. Ang maraming ilustrasyong publikasyon na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, na inihanda taglay sa isipan ang mga bata, ay inilabas noong 1978 (sa Ingles). Nang taon ding iyan ang praktikal na payo at patnubay upang patibayin ang mga pamilya ay iniharap sa Pinaliligaya ang Iyong Buhay Pampamilya.
Sa pana-panahon, ang mga espesipikong pangangailangan ng bayan ni Jehova ay tinatalakay sa pamamagitan ng napapanahong payo sa mga pahina ng Ang Bantayan. Halimbawa, ang pandaigdig na ulat ng gawain ng mga Saksi ni Jehova para sa 1977/78 ay nagpakita ng pagbabà sa bilang ng nakikibahagi sa gawaing pangangaral. Ang pagbabà ba sa papaano man ay may kinalaman sa nabigong pag-asa ukol sa 1975? Marahil. Subalit may iba pang nakaiimpluwensiyang mga dahilan. Ano ang maaaring gawin?
Gumawa ng hakbang ang Lupong Tagapamahala upang patibayin ang pananalig ng mga Saksi ni Jehova na kailangang magpatuloy sa masigasig na paghahayag ng Kaharian sa bahay-bahay. Ang Bantayan ng Enero 15, 1980 (Hulyo 15, 1979, sa Ingles), ay naglaman ng artikulong “Sikap sa Bahay ni Jehova,” “Pangangaral sa Isang b—Gawa 20:20; Col. 3:23.
Daigdig ng Katampalasanan,” “Sila’y Nangaral sa Bahay-bahay,” at “Ang Sabi ng Iba Tungkol sa Pagpapatotoo sa Bahay-bahay.” Ang mga ito at ang iba pang mga artikulo ay muling nagpatibay na ang pangangaral sa bahay-bahay ay may matatag na saligan sa Kasulatan at humihimok sa masigasig at buong-kaluluwang pakikibahagi sa mahalagang gawaing ito.May isa pang kalagayan na kailangang bigyang pansin. Noong 1980, may ilang tao na dati’y nakikibahagi sa mga gawain ng mga Saksi ni Jehova nang kung ilang mga taon, kasali na ang ilan na prominenteng naglingkod sa organisasyon, ang sa iba’t ibang paraan ay sumubok na simulan ang pagkakabaha-bahagi at salansangin ang gawaing isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova. Upang patibayin ang bayan ni Jehova laban sa ganitong impluwensiya ng apostata, Ang Bantayan ay naglaman ng mga artikulong gaya ng “Manatiling ‘Matatag sa Pananampalataya’” (Pebrero 1, 1981; Agosto 1, 1980, sa Ingles), “Lihim na Nagpapasok ng Nagpapahamak na mga Sekta” (Marso 15, 1984; Setyembre 15, 1983, sa Ingles), at “Itakwil ang Apostasya, Kumapit Nang Mahigpit sa Katotohanan!” (Oktubre 1, 1983; Abril 1, 1983, sa Ingles), samantalang ang aklat na “Let Your Kingdom Come” (1981) ay nagdiin ng katotohanan na ang Kaharian ay malapit na, na naitatag na sa langit noong 1914. Hindi pinahintulutan ng Lupong Tagapamahala ang pagsisikap ng mga mananalansang na abalahin sila mula sa pangunahing layunin ng mga Saksi ni Jehova—ang paghahayag ng Kaharian ng Diyos!
Datapuwat, kumusta naman ang pangangailangan ng mga Saksi ni Jehova na patuloy na mapalawak ang kanilang kaalaman sa katotohanan ng Bibliya? Para sa matamang pag-aaral ng Bibliya, isang nirebisang reperensiyang edisyon ng New World Translation ang inilabas noong 1984, na naglalaman ng malawak na mga reperensiyang nakalagay sa mga gilid, mga talababa, at materyal sa apendise. Pagkaraan ng apat na taon, noong 1988, natuwa ang bayan ni Jehova nang tanggapin ang napapanahong paliwanag sa bawat talata ng Apocalipsis, sa aklat na Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!, gayundin ang dalawang-tomong ensayklopidiya sa Bibliya na Insight on the Scriptures. Saka, noong 1991, inilathala ang napakaganda
ang pagkakalarawang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, isang masusing pag-aaral sa buhay at mga turo ni Jesu-Kristo.Ngunit kumusta naman ang mga pangangailangan ng mga taong hindi naman mga Saksi ni Jehova? Bilang kasangkapan upang maturuan ang baguhang mga interesadong tao, inilabas ang publikasyong Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa noong 1982 (sa Ingles). Ang 30 kabanata nito ay sinadya upang matulungan ang mga estudyante ng Bibliya na maabot ang mga kahilingan ni Jehova upang mabuhay sa lupang paraiso. Upang matulungan ang mga tao na may katanungan tungkol sa pinagmulan at layunin ng buhay sa lupa, ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? ay inilaan noong 1985. Ito’y sinundan, noong 1989, ng nakapagpapatibay-sa-pananampalatayang aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
Binigyan din ng kaukulang pansin ang pangkaraniwang mga tao na maaaring nangangailangan ng pantanging tulong dahilan sa kanilang kinagisnang kultura o relihiyon. Upang maituro ang katotohanan tungkol sa Kaharian ni Jehova doon sa mga hindi nakapag-aral o sa mga mahinang bumasa, ang 32-pahinang brosyur na Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman! ay inilabas noong 1982 (sa Ingles). Nang sumapit ang 1992, mahigit na 76,000,000 sipi ang nailimbag na, at ito’y ipinamamahagi sa 200 wika sa buong daigdig, anupat naisalin sa lalong maraming wika kaysa alinmang publikasyon ng Samahang Watch Tower.
Noong 1983, tatlong buklet ang inilathala para sa isang tanging layunin ng pagtulong sa mga Muslim, Buddhista, at Hindu. Upang maabot ang ganitong mga tao at ang iba pang may ibang kinagisnang relihiyon, makatutulong kung may kaunawaan sa kanilang relihiyon—sa turo nito at kasaysayan. Upang masapatan ang pangangailangang ito, ang aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos ay inilabas noong 1990.
Ang Lupong Tagapamahala ay labis na interesadong mapahatdan ng mensahe ng Kaharian ang lalong maraming tao hangga’t maaari—mga tao “ng mga bansa at tribo at . . . wika.” (Apoc. 7:9) Para sa layuning iyan, gumawa ng kaayusan upang isalin sa marami pang mga wika ang lathalain. Halimbawa, mula 1976 hanggang 1992, sumulong nang mga 42 porsiyento ang bilang ng mga wikang ginagamit sa paglalathala ng Ang Bantayan. Noong Oktubre 1992 ang bilang ay naging 111. Upang mapabilis pa ang pagsasalin, noong taon ding iyon mahigit na 800 tagapagsalin sa buong daigdig ang nakikibahagi sa gawain.
Mga Programa sa Edukasyon Pinagbuti at Iniba-iba
Sa ilalim ng pangangasiwa ng Lupong Tagapamahala at ng Teaching Committee nito, ang mga programa ng pagtuturo sa mga tauhan ng punong-tanggapan
at sa mga pamilya sa Bethel sa mga sangay sa buong daigdig ay pinagbuti at iniba-iba. Bilang karagdagan sa pagbabasa ng Bibliya at ng Yearbook bilang bahagi ng kanilang pang-umagang pagsamba, sinimulan ang isang masusing pagsusuri sa bahagi ng Bibliya na binasa noong linggong iyon, na ikinakapit ang materyal sa mga naglilingkod sa Bethel. Sinimulan din ang palagiang pag-uulat mula sa iba’t ibang departamento gayundin ang mas madalas na pag-uulat mula sa mga tagapangasiwa ng sona.Upang masapatan ang mga pangangailangan niyaong mga may karagdagang pananagutan sa loob ng organisasyon, higit pang mga programang pang-edukasyon ang inilaan at isinagawa. Noong 1977, gumawa ng kaayusan para sa lahat ng matatanda na dumalo sa isang 15-oras na kurso ng Kingdom Ministry School. (Gawa 20:28) Mula noon, katulad na mga sesyon na may iba’t ibang haba ang isinaayos tuwing mga ilang taon; at simula noong 1984, ang mga ministeryal na lingkod ay tumanggap din ng pagsasanay sa Kingdom Ministry School. Sa Brooklyn, simula noong Disyembre 1977, nagsimula ang isang pantanging limang-linggong paaralan para sa mga miyembro ng Komite ng Sangay.
Ipinakita rin ang pantanging pagmamalasakit sa mga gumagamit ng kanilang panahon sa pambuong-panahong ministeryo bilang mga payunir. Noong Disyembre 1977 ang Pioneer Service School, isang dalawang-linggong kurso ng pagsasanay para sa mga ministrong payunir, ay sinimulan sa Estados Unidos at sa dakong huli ay nakaabot sa lahat ng bahagi ng lupa. Nang sumunod na 14 na taon, ang bilang ng mga payunir ay dumami nang mahigit na limang ulit—mula 115,389 tungo sa 605,610!
Noong taglagas ng 1987, isa pang bagong paaralan ang binuksan—ang Ministerial Training School. Ang paaralang ito ay itinatag upang sanayin ang kuwalipikadong mga kapatid na lalaking walang asawa na may ilang karanasan bilang mga elder o ministeryal na lingkod at nakahandang maglingkod kung saan may pangangailangan sa pambuong-daigdig na larangan. Pagsapit ng 1992, ang mga klase ay ginanap na sa Australia, Austria, Britanya, El Salvador, Pransya, Alemanya, Italya, Mexico, Nigeria, Espanya, Sweden, at sa Estados Unidos. Ang naging resulta, hindi isang grupo ng indibiduwal na minamalas bilang mas nakatataas sa iba sa kongregasyon, kundi sa halip ay ang pagdami ng bilang ng mga lalaking kuwalipikado na paglingkuran ang kanilang mga kapatid.
Upang mapalawak pa ang pangglobong gawain ng edukasyon sa Bibliya, itinakda ang internasyonal na mga kombensiyon sa mga piling dako—ang ilan ay sa mga lupain na dati’y ipinagbabawal ang mga Saksi ni Jehova. Ang mga kombensiyong ito ay tumulong upang palakasin ang mga kapatid sa mga lugar na iyon at upang pasiglahin ang pangangaral ng mabuting balita sa mga lupaing iyon. c
Mga Pasilidad Upang Paghandaan ang Pagsulong
Habang ang salita ni Jehova ay patuloy sa mabilis na paglaganap, ilang nakasasabik na pagsulong ang kinailangan sa konstruksiyon at paglilimbag—mga larangang nasa ilalim ng pangangasiwa ng Lupong Tagapamahala at ng Publishing Committee nito.
Ang mga Saksi na may karanasan sa pagtatayo ay nagboluntaryo ng kanilang paglilingkod, at ang kanilang mga pagsisikap ay pinagsama-sama upang tumulong sa pagtatayo ng bago at mas malalaking pasilidad ng sangay sa buong daigdig. Mula 1976 hanggang 1992, ang pagtatayo ng mga bagong pasilidad ng sangay ay isinagawa sa mga 60 lupain. Karagdagan pa riyan, ang mga proyekto sa pagpapalaki ng mga datihang pasilidad ay sinimulan sa 30 lupain. Ang paraan ng pagsasagawa ng gawain (na may mga boluntaryong galing sa maraming kongregasyon—kung minsan ay mula sa ibang mga lupain) ay nakapagpatibay sa buklod ng pag-ibig at pagkakaisa sa gitna ng bayan ni Jehova. d
Upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng Samahan para sa paglilimbag sa maraming wika, ang mga Saksing may karanasan sa larangan ng computer ay gumawa ng isang computerized prepress system na tinawag na MEPS (Multilanguage Electronic Phototypesetting System). Ang proyekto ay natapos noong 1986. Bilang resulta, noong 1992, Ang Bantayan ay nailimbag nang sabay-sabay sa 66 na wika. Ang nakararami sa mga Saksi ni Jehova ay nakatatanggap kung gayon ng gayunding espirituwal na pagkain nang sabay-sabay. e
Habang ang mga pasilidad ng Samahang Watch Tower ay patuloy na lumalaki, marami pang mga boluntaryo ang kinailangan sa punong-tanggapan sa Brooklyn gayundin sa mga tanggapang pansangay sa buong daigdig. Mula 1976 hanggang 1992, ang pandaigdig na mga pamilyang Bethel ay makatatlong ulit na lumaki ang bilang, mula 4,000 hanggang sa mahigit na 12,900 miyembro na naglilingkod sa buong lupa. Ang Lupong Tagapamahala at ang Personnel Commitee nito ang nangalaga sa personal at espirituwal na mga pangangailangan ng malaking hukbong ito ng pambuong-panahong mga boluntaryo.
Pangangalaga sa mga Kongregasyon at sa Gawaing Pag-eebanghelyo
Habang mabilis na lumalaganap ang salita ni Jehova, ipinako ng Lupong Tagapamahala at ng Service Committee nito ang kanilang pagsisikap sa pagpapatibay sa mga kongregasyon sa buong daigdig at sa pagpapalawak ng pangglobong gawain ng pag-eebanghelyo.
Mayroon pa bang higit na magagawa upang matulungan ang maraming baguhan na binabautismuhan taun-taon? Maaga noong 1977, ang mga kaayusan ay isinagawa upang palakasin sa espirituwal ang mga baguhang Saksi. Ang paliwanag ng Ating Paglilingkod sa Kaharian: “Naniniwala kami na dalawang aklat man lamang ang dapat na mapag-aralan ng lahat ng taong tatanggap ng katotohanan. . . . Kaya ang pag-aaral ay kailangang magpatuloy kahit pagkatapos ng bautismo hanggang sa matapos ang ikalawang aklat.” Sa ganitong paraan ang bagong bautisadong mga Saksi ay nabigyan ng higit na pagkakataon na matamo ang kaalaman at kaunawaan at upang magkaroon ng higit na pagpapahalaga sa kahulugan ng pagiging isang bautisado. Ang bagong kaayusan ay tumulong din upang magkaroon ng higit na malapít na pagsasamahan sa pagitan ng mga baguhan at ng mga Saksing tumulong sa kanila sa pag-aaral nila ng Bibliya.
Upang mangalaga sa mga dumaragsa sa organisasyon ni Jehova, mahigit sa 29,000 bagong kongregasyon ang itinatag sa buong daigdig sa pagitan ng 1976 at 1992. (Mik. 4:1) Higit na mga tagapangasiwa ng sirkito at distrito ang hinirang ng Lupong Tagapamahala at isinugo para tumulong. Ang bilang ng naglalakbay na mga tagapangasiwang ito ay dumami mula 2,600 noong 1976 hanggang mga 3,900 noong 1992.
Habang dumarami ang bilang ng mga kongregasyon, lumalaki rin ang pangangailangan para sa higit pang mga dakong pulungan. May mas mabilis bang paraan ng pagtatayo ng mga Kingdom Hall? Noong dekada ng 1970, nag-organisa ang mga Saksi ni Jehova sa Estados Unidos ng isang programa sa pagtatayo kung saan ang may kakayahang mga construction worker mula sa kalapit na bahagi ng bansa ay inanyayahan upang tumulong sa lokal na mga Saksi na magtayo ng Kingdom Hall. Dahil sa daan-daan ang tumutulong, ang isang bulwagan ay madaling natatapos—madalas ay sa loob lamang ng dalawa o tatlong araw. Noong dekada ng 1980, ang mga quickly built Kingdom Hall ay nauso sa ibang bahagi ng lupa.
Ang pagbabago sa pulitika sa Silangang Europa ay nakaapekto rin sa mga Saksi ni Jehova. Kaylaking kagalakan para sa mga kapatid sa mga bansang iyan tulad ng Silangang Alemanya, (gaya ng pagkakilala rito noon), Hungary, Polandya, Romania, at sa tinatawag noon na Unyong Sobyet na maalamang sila’y binigyan na ng legal na pagkilala, kadalasan pagkatapos ng 40 taon ng pagbabawal! Ang higit na kalayaan sa mga bansang iyon ay nagpadali para sa kanila na maipaabot sa mga 380,000,000 tao ang mabuting balita! Walang inaksayang panahon ang mga Saksi ni Jehova sa pagsasamantala sa kanilang bagong taglay na kalayaan upang makibahagi sa kanilang gawaing pangangaral sa madla.
At ang resulta? Ang salita ni Jehova ay mabilis na lumaganap! Halimbawa, noong Abril 1992 ang bilang
ng mamamahayag ng Kaharian na nag-uulat sa Polandya ay 106,915. At ang pag-asa para sa hinaharap na paglago ay katangi-tangi: Nang buwan ding iyon ang dumalo sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo ay 214,218. Gayundin, sa mga lupain na dating bumubuo ng Unyong Sobyet, sa kabuuan ay 173,473 ang dumalo sa Memoryal noong 1992, isang 60 porsiyentong pagsulong kaysa noong isang taon.Gayunman, sa ibang lupain, ang patuloy na pag-uusig at natural na mga kalamidad ay nagdulot ng mga hadlang. Noong 1992 ang mga gawain ng mga Saksi ni Jehova ay nasa ilalim pa rin ng mga paghihigpit ng pamahalaan sa 24 na lupain. Ang Chairman’s Committee ng Lupong Tagapamahala ay gumagawa ng paraan upang makatulong at upang ipabatid sa pambuong-daigdig na pagkakapatiran ang mga paraan para matulungan ang kapuwa mga Saksi na naglilingkod sa ilalim ng kahirapan. (Ihambing ang 1 Corinto 12:12-26.) Walang nakapigil sa pangangaral ng salita ni Jehova maging ang mga kampanya ng pag-uusig ni ang natural na mga kalamidad!
“Isang Bayan na Tanging Kaniya”
Kaya nga, sa loob ng mga taon mula 1976 hanggang 1992, ang salita ni Jehova ay tunay na mabilis na lumaganap. Nadoble ang laki ng organisasyon, sa mahigit na 4,470,000 mamamahayag ng Kaharian!
Ang bayan ni Jehova ay patuloy sa masigasig na paghahayag ng Kaharian ng Diyos, ngayon sa mas maraming wika nang higit kaysa nakaraan. Sa paggamit ng mga inilaang publikasyon, napalalim nila ang kanilang kaalaman sa Bibliya at natulungan ang interesadong mga tao na matutuhan ang mga katotohanan ng Bibliya. Sila’y nakinabang sa mga programang pang-edukasyon na itinatag para doon sa mga may karagdagang pananagutan sa loob ng organisasyon. Walang alinlangang pinagpala ni Jehova ang kanilang paghahayag ng kaniyang Kaharian.
Mula noong dekada ng 1870 hanggang sa kasalukuyan, ilang mga lalaki ang nakagawa na ng katangi-tanging mga paghahandog para sa ikasusulong ng gawain ukol sa Kaharian, mga lalaking gaya nina Charles T. Russell, Joseph F. Rutherford, Nathan H. Knorr, at Frederick W. Franz, gayundin ang iba na nakapaglingkod bilang mga miyembro ng Lupong Tagapamahala. Ngunit ang mga Saksi ni Jehova ay hindi kailanman naging isang sektang natatag batay sa mga katangian ng sinuman sa mga lalaking ito. Sa halip, sila’y may iisang lider, “ang Kristo.” (Mat. 23:10) Siya ang Ulo ng organisadong mga Saksi ni Jehova, ang isa na sa kaniya ‘ibinigay ang lahat ng kapamahalaan’ upang pangasiwaan ang gawaing ito “lahat ng araw hanggang sa katapusan ng sistema ng mga bagay.” (Mat. 28:18-20) Sila’y determinado na magpasakop sa pagkaulo ni Kristo, manatiling malapít sa Salita ng Diyos, at makiisa sa pag-akay ng banal na espiritu, upang patuloy nilang paunlarin ang pagsamba sa tunay na Diyos at patunayan ang kanilang sarili na “isang bayan na tanging kaniya, na masikap sa mabubuting gawa.”—Tito 2:14.
Subalit ano ba ang ilan sa saligang mga turo at mga pamantayan ng pag-uugali na nagbubukod sa mga Saksi ni Jehova mula sa lahat ng ibang mga relihiyon? Papaano sila nakilala bilang mga Saksi ni Jehova? Papaano tinutustusan ang kanilang mga gawain? Bakit sila nananatiling mahigpit na hiwalay sa ibang mga iglesya at sa sanlibutan sa pangkalahatan? Bakit sila naging tampulan ng matinding pag-uusig sa napakaraming bahagi ng lupa? Ang mga ito at ang marami pang mga katanungan ay sasagutin sa susunod na mga kabanata.
[Mga talababa]
a Tingnan ang Kabanata 15, “Pagbuo ng Kaayusang Pang-Organisasyon.”
b Mula 1980 hanggang 1985, nagkaroon ng 33-porsiyentong pagsulong sa bilang ng nakikibahagi sa gawaing pangangaral, at mula 1985 hanggang 1992, nagkaroon pa ng 47.9-porsiyentong pagsulong.
c Tingnan ang Kabanata 17, “Mga Kombensiyon—Katunayan ng Ating Pagkakapatiran.”
d Tingnan ang Kabanata 20, “Sama-samang Nagtatayo sa Buong Daigdig.”
e Tingnan ang Kabanata 26, “Paglilimbag ng Literatura sa Bibliya Upang Gamitin sa Ministeryo.”
[Blurb sa pahina 117]
Hindi isang sekta na itinayo ayon sa personalidad ng sinumang lalaki
[Kahon/Graph sa pahina 110]
Mula 1976 hanggang 1992, nagkaroon ng pagsulong na 42 porsiyento sa bilang ng mga wika kung saan “Ang Bantayan” ay nailimbag
[Graph]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
111
78
1976 1992
[Kahon sa pahina 111]
Kasaysayan ni F. W. Franz
Si Frederick William Franz ay ipinanganak sa Covington, Kentucky, E.U.A., noong Setyembre 12, 1893. Noong 1899 lumipat ang pamilya sa Cincinnati, kung saan si Frederick ay nagtapos sa haiskul noong 1911. Pagkatapos ay pumasok siya sa University of Cincinnati, anupat kinuha ang kursong liberal arts. Siya’y nagpasiyang maging isang ebanghelisador ng Presbiteryano, kung kaya buong sigla niyang pinagbuti ang pag-aaral ng wikang Griego na ginagamit sa Bibliya. Sa unibersidad si Frederick ay napili upang tumanggap ng Rhodes scholarship, anupat naging kuwalipikado siya para matanggap sa Oxford University sa Inglatera. Gayunpaman, bago ito maihayag, nawalan ng interes si Frederick sa scholarship at hiniling na burahin ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga kalahok.
Bago iyon, ang kaniyang kapatid na si Albert ay nagpadala sa kaniya ng isang buklet na nakuha niya mula sa International Bible Students. Nang bandang huli binigyan siya ni Albert ng unang tatlong tomo ng “Studies in the Scriptures.” Nasiyahan si Frederick sa kaniyang natututuhan at nagpasiyang putulin na ang kaniyang kaugnayan sa Iglesya Presbiteryana at makisama sa kongregasyon ng mga Estudyante ng Bibliya. Noong Nobyembre 30, 1913, siya’y nabautismuhan. Noong Mayo 1914 siya’y tumigil na sa pagpasok sa unibersidad, at siya’y agad-agad na gumawa ng kaayusan upang maging isang “colporteur” (payunir).
Noong Hunyo 1920 siya’y naging miyembro ng pamilyang Bethel sa Brooklyn. Pagkaraan ng kamatayan ni N. H. Knorr, noong Hunyo 1977, si Brother Franz ay nahalal sa katungkulan ng pagiging presidente ng Samahan. Siya’y naglingkod nang tapat bilang isang miyembro ng Lupong Tagapamahala hanggang sa kaniyang kamatayan, noong Disyembre 22, 1992, sa edad na 99.
[Graph sa pahina 112]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Lumalaking Bilang ng mga Payunir
1992
600,000
400,000
1986
200,000
1981
1976
[Graph sa pahina 113]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Lumalaking Pamilyang Bethel sa Buong Daigdig
1992
12,000
9,000
1986
6,000
1981
1976
3,000
[Graph sa pahina 114]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Dumaraming Kongregasyon
80,000
1992
60,000
1986
1981
1976
40,000
20,000
[Graph sa pahina 115]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Pagsulong ng mga Tagapaghayag ng Kaharian
1992
4,000,000
1986
3,000,000
1981
1976
2,000,000
1,000,000
[Larawan sa pahina 109]
Bawat tanggapang pansangay ng Samahan ay inaasikaso ng isang komite ng mga kapatid na lalaki, gaya ng isang ito na nangangasiwa sa gawain sa Nigeria
[Mga larawan sa pahina 116]
Ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova Enero 1992
Carey W. Barber
John E. Barr
W. Lloyd Barry
John C. Booth
Frederick W. Franz
George D. Gangas
Milton G. Henschel
Theodore Jaracz
Karl F. Klein
Albert D. Schroeder
Lyman A. Swingle
Daniel Sydlik