“Hindi Sila Bahagi ng Sanlibutan”
Kabanata 14
“Hindi Sila Bahagi ng Sanlibutan”
HALOS lahat ng modernong-panahong relihiyon ay talagang bahagi ng sanlibutan, kaya ito’y nakikibahagi sa mga pagdiriwang ng sanlibutan at naaaninag ang espiritu ng nasyonalismo. Ang bagay na ito ay madalas na kinikilala ng klero nito at marami sa kanila ang nagnanais na maging gayon. Bilang matinding kabaligtaran nito, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Hindi sila bahagi ng sanlibutan, gaya ko na hindi bahagi ng sanlibutan.”—Juan 17:16.
Ano ang ipinakikita ng ulat kung tungkol sa mga Saksi ni Jehova hinggil dito? Sila ba’y nagbigay na ng nakakukumbinsing patunay na sila’y hindi bahagi ng sanlibutan?
Saloobin sa Kanilang Kapuwa-Tao
Batid ng sinaunang mga Estudyante ng Bibliya na ang tunay na mga Kristiyano ay dapat na hiwalay sa sanlibutan. Ang The Watch Tower ay nagpaliwanag na sa dahilang ang pinahiran ng espiritung mga tagasunod ni Kristo ay pinaging-banal at inianak ng banal na espiritu upang sila’y makibahagi sa makalangit na Kaharian, sila’y inihiwalay sa sanlibutan sa pamamagitan ng hakbang na ito ng Diyos. Karagdagan pa, ipinaliwanag nito na sila’y nasa ilalim ng obligasyon na iwasan ang espiritu ng sanlibutan—ang mga layunin, mga ambisyon, at mga pag-asa, gayundin ang mapag-imbot na mga gawain nito.—1 Juan 2:15-17.
Naapektuhan ba nito ang saloobin ng mga Estudyante ng Bibliya para sa mga taong hindi nila kapananampalataya? Tiyak na ito’y hindi nagpangyari sa kanila na maging mga ermitanyo. Subalit yaong tunay na nagkakapit ng kanilang natututuhan mula sa Kasulatan ay hindi nakikisama sa mga tagasanlibutan anupat nakikibahagi sa kanilang istilo ng pamumuhay. Tinukoy ng The Watch Tower sa mga lingkod ng Diyos ang payo ng Bibliya na “magsigawa ng mabuti sa lahat.” Ipinayo rin na kapag pinag-usig dapat na sikapin nilang iwasan ang pagnanais na maghiganti at, sa halip, gaya ng sinabi ni Jesus, ‘ibigin ang kanilang kaaway.’ (Gal. 6:10; Mat. 5:44-48) Lalung-lalo na hinimok nito na hangarin nilang ibahagi sa iba ang mahalagang katotohanan hinggil sa paglalaan ng Diyos sa kaligtasan.
Gaya ng inaasahan, ang paggawa nila ng mga bagay na ito ay magiging dahilan upang sila’y malasin ng sanlibutan bilang naiiba. Subalit higit pa ang nasasangkot sa pagiging hiwalay sa sanlibutan—marami pa.
Hiwalay at Naiiba sa Babilonyang Dakila
Upang maging hiwalay sa sanlibutan, sila’y dapat na hiwalay sa makarelihiyosong mga sistema na labis na kasangkot sa mga gawain ng sanlibutan at na tumanggap ng mga doktrina at mga tradisyon mula sa sinaunang Babilonya, ang malaon Jer. 50:29) Nang sumiklab ang unang digmaang pandaigdig, kung ilang dekada nang ibinubunyag ng mga Estudyante ng Bibliya ang paganong mga ugat ng gayong mga doktrina ng Sangkakristiyanuhan gaya ng Trinidad, pagkawalang-kamatayan ng kaluluwa ng tao, at apoy ng impiyerno. Ibinunyag din nila ang rekord ng mga simbahan sa pagsisikap na maimpluwensiyahan ang mga pamahalaan para sa kanilang sariling sakim na mga layunin. Dahil sa mga doktrina at mga gawain ng Sangkakristiyanuhan, iniugnay ito ng mga Estudyante ng Bibliya sa “Babilonyang Dakila.” (Apoc. 18:2) Ipinaliwanag nila na inihalo nito ang katotohanan sa kamalian, malahiningang Kristiyanismo sa lantarang pagkamakasanlibutan, at na ang pagtawag ng Bibliya na “Babilonya” (nangangahulugang, “Kalituhan”) ay angkop na naglarawan sa kalagayang iyan. Hinimok nila ang mga umiibig sa Diyos na lumabas sa “Babilonya.” (Apoc. 18:4) Sa layuning iyan, nang magtatapos ang Disyembre 1917 at sa kaagahan ng 1918, sila’y namahagi ng 10,000,000 kopya ng isyu ng The Bible Students Monthly na nagtatampok ng paksang “Ang Pagbagsak ng Babilonya,” na isang matinding dagok para sa Sangkakristiyanuhan. Ito ay nagbunga na naman ng mapait na pagkapoot ng klero, na nagsamantala sa maigting na damdaming likha ng digmaan sa pagsisikap na wasakin ang gawain ng mga Saksi ni Jehova.
nang kaaway ng tunay na pagsamba. (Hindi maiiwasan na ang paglabas sa Babilonyang Dakila ay nangangailangan ng pagbibitiw sa pagiging miyembro ng mga organisasyon na nagtataguyod ng maling mga doktrina nito. Ginawa iyan ng mga Estudyante ng Bibliya, bagaman sa loob ng maraming taon ay itinuring nila bilang mga kapatid na Kristiyano ang mga taong nasa mga iglesya na nag-aangkin ng ganap na pagtatalaga at pananampalataya sa pantubos. Gayunman, hindi lamang sumusulat ng pagbibitiw mula sa mga iglesya ng Sangkakristiyanuhan ang mga Estudyante ng Bibliya kundi hangga’t maaari, ang ilan ay malakas na bumabasa niyaon sa mga pulong ng iglesya kung saan ang mga miyembro ay pinahihintulutang magsalita. Kung hindi ito posible, maaaring magpadala sila ng isang kopya ng kanilang liham ng pagbibitiw—isang may kabaitang naglalaman ng naaangkop na pagpapatotoo—sa bawat miyembro ng simbahan.
Kanila rin bang tiniyak na hindi nila dinadala ang anumang di-maka-Diyos na mga kaugalian at gawain ng mga organisasyong iyon? Ano ang situwasyon sa loob ng panahon bago sumapit ang Digmaang Pandaigdig I?
Dapat Bang Makihalo ang Relihiyon sa Pulitika?
Sa larangan ng pulitika, ang mga pinunò ng karamihan sa pangunahing mga bansa, dahilan sa kanilang kaugnayan sa isang Katoliko o isang Protestanteng iglesya, ay malaon nang nag-aangkin na namamahala ‘sa pamamagitan ng bigay-Diyos na karapatan,’ bilang mga kinatawan ng Kaharian ng Diyos at sa pamamagitan ng pantanging pagsang-ayon ng Diyos. Ipinagkaloob ng iglesya ang bendisyon nito sa pamahalaan; bilang ganti, ibinigay ng pamahalaan ang kaniyang pagsuporta sa iglesya. Ginawa rin ba ito ng mga Estudyante ng Bibliya?
Sa halip na tularan ang mga iglesya ng Sangkakristiyanuhan, hinangad nila na matuto mula sa mga turo at halimbawa ni Jesu-Kristo at ng kaniyang mga apostol. Ano ang isiniwalat sa kanila ng kanilang pag-aaral ng Bibliya? Ang naunang mga publikasyon ng Watch Tower ay nagpakita na batid nila na nang tanungin si Jesus ng Romanong gobernador na si Poncio Pilato, sinabi niya: “Ang kaharian ko ay Juan 18:36, 37) Alam ng mga Estudyante ng Bibliya na si Jesus ay tumupad nang walang pag-aatubili sa atas na iyan. Nang ialok sa kaniya ng Diyablo ang lahat ng kaharian ng sanlibutan at ang kaluwalhatian nito, siya’y tumanggi. Nang ibig siyang gawing hari ng mga tao, siya’y tumakas. (Mat. 4:8-10; Juan 6:15) Hindi ipinagwalang-bahala ng mga Estudyante ng Bibliya ang bagay na tinukoy ni Jesus ang Diyablo bilang “pinunò ng sanlibutan” at sinabi na ang Diyablo’y ‘walang kapangyarihan sa kaniya.’ (Juan 14:30) Nakita nila na si Jesus ay hindi naghangad na isangkot ang sarili o ang kaniyang mga tagasunod sa makapulitikang sistema ng Roma kundi siya’y lubusang okupado sa paghahayag ng “mabuting balita ng kaharian ng Diyos.”—Luc. 4:43.
hindi bahagi ng sanlibutang ito.” Bilang sagot sa tanong hinggil sa layunin ni Jesus, sinabi niya sa gobernador: “Dahil dito kaya ako inianak, at dahil dito kung kaya ako naparito sa sanlibutan, upang ako’y magpatotoo sa katotohanan.” (Ang kanila bang paniniwala sa mga bagay na ito na nakaulat sa Bibliya ay humihimok ng kawalang-paggalang sa kapangyarihan ng pamahalaan? Hindi naman. Sa halip, ito’y tumulong sa kanila na maunawaan kung bakit ang mga suliraning napapaharap sa mga pinunò ay gayon na lamang kasalimuot, kung bakit laganap ang katampalasanan, at kung bakit madalas na nabibigo ang mga programa ng pamahalaan na paunlarin ang pamumuhay ng mga tao. Ang kanilang paniniwala ay nagpangyari sa kanila na magtiis kapag may kahirapan, sapagkat may tiwala sila na sa kaniyang takdang panahon ay magdadala ang Diyos ng walang-hanggang kaginhawahan sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian. Noon ay naunawaan nila na “ang nakatataas na kapangyarihan,” na binanggit sa Roma 13:1-7 (KJ), ay ang makasanlibutang mga pinunò. Kaugnay niyan, hinimok nila ang paggalang sa mga pinunò ng pamahalaan. Sa pagtalakay sa Roma 13:7, sinabi ni C. T. Russell sa aklat na The New Creation (inilathala noong 1904), na ang tunay na mga Kristiyano “ay likas lamang na magiging pinakatapat sa kanilang pagkilala sa mga nakatataas sa sanlibutang ito, at pinakamasunurin sa mga batas at mga kahilingan ng batas, maliban kung ito’y mapatunayang salungat sa makalangit na mga kahilingan at mga utos. Iilan lamang kung mayroon man sa makasanlibutang mga pinunò ang di-sang-ayon sa pagkilala sa isang kataas-taasang Maylikha at sa isang sukdulang pagsunod sa kaniyang mga utos. Kaya nga, [ang tunay na mga Kristiyano] ay dapat na kabilang sa mga pinakamasunurin sa batas sa ngayon—hindi manunulsol, hindi palaaway, hindi mapamintas.”
Bilang mga Kristiyano, batid ng mga Estudyante ng Bibliya na ang gawain na dapat nilang pag-ukulan ng pansin ay ang pangangaral ng Kaharian ng Diyos. At, gaya ng sinabi sa unang tomo ng Studies in the Scriptures, “kung ito’y tapat na gagawin, hindi magkakaroon ng panahon ni pagkahilig man na sumali-sali sa pulitika ng kasalukuyang mga pamahalaan.”
Sa bagay na ito, sila, sa kalakhang bahagi, ay gaya ng sinaunang mga Kristiyano na inilarawan ni Augustus Neander sa aklat na The History of the Christian Religion and Church, During the Three First Centuries: “Ang mga Kristiyano ay nanatiling nakabukod at naiiba sa estado, . . . at ang Kristiyanismo ay waring nakaiimpluwensiya sa buhay ng mga tao tangi lamang sa paraan na ito’y dapat kilalaning pinakadalisay, alalaong baga, sa pamamagitan ng pagsisikap na higit at higit na ikintal ang banal na saloobin sa mga mamamayan ng estado.”
Nang ang Sanlibutan ay Makidigma
Sa palibot ng daigdig ang mga pangyayari ng Digmaang Pandaigdig I ay matinding sumubok sa mga pag-aangkin niyaong mga nagsasabing sila’y mga Kristiyano. Ito ang pinakamalagim na digmaang naganap hanggang noong panahong iyon; halos ang buong sanlibutan ay kasangkot sa papaano man.
Si Papa Benedict XV, sa kabila ng pagkahilig ng Baticano sa mga Kapangyarihang Sentral, ay nagsikap na mapanatili ang pagkukunwang neutral. Gayunman, sa loob ng bawat bansa ang klero, Katoliko at Protestante, ay walang gayong neutral na katayuan. Hinggil sa kalagayan sa Estados Unidos, si Dr. Ray Abrams, sa kaniyang aklat na Preachers Present Arms, ay sumulat: “Ang mga iglesya ay nagpakita ng pagkakaisa ng layunin na ngayon lamang nangyari sa kasaysayan ng relihiyon. . . . Ang mga lider ay agad nag-organisa nang lubusan ukol sa digmaan. Sa loob ng dalawampu’t apat na oras pagkatapos na ideklara ang digmaan, ang Federal Council of the Churches of Christ sa Amerika ay naghanda ng mga plano para sa lubusang pakikipagtulungan. . . . Ang Iglesya Katolika Romana, na inorganisa para sa katulad na paglilingkod sa ilalim ng National Catholic War Council, na pinangasiwaan ng labing-apat na arsobispo at kasama si Cardinal Gibbons bilang presidente, ay nagpakita ng katulad na sigasig para sa digmaan. . . . Marami sa mga iglesya ang higit pa ang ginawa kaysa sa hinihiling sa kanila. Sila’y naging mga istasyong nangangalap para sa mga gustong magsundalo.” Ano ang ginawa ng mga Estudyante ng Bibliya?
Bagaman sila’y nagsikap na gawin ang sa palagay nila’y nakalulugod sa Diyos, ang kanilang katayuan ay hindi laging may lubusang pagkaneutral. Ang kanilang ginawa ay naimpluwensiyahan ng paniniwala, na gaya rin ng ibang nag-aangking Kristiyano, na “ang nakatataas na mga kapangyarihan” ay “hinirang ng Diyos,” ayon sa pagkakasabi ng King James Version. (Roma 13:1) Sa gayon, kaayon ng isang proklamasyon ng presidente ng Estados Unidos, hinimok ng The Watch Tower ang mga Estudyante ng Bibliya na makilahok sa pagdiriwang ng Mayo 30, 1918, bilang isang araw ng pananalangin at pagsusumamo may kaugnayan sa kalalabasan ng digmaang pandaigdig. a
Noong mga taon ng digmaan, nagkaiba-iba ang mga kalagayan na doo’y napasadlak ang mga Estudyante ng Bibliya. Nagkaiba-iba rin ang paraan ng kanilang pagharap sa mga kalagayang ito. Sa pagkadamang obligado silang tumalima sa “mga kapangyarihang umiiral,” gaya ng pagtukoy nila sa makasanlibutang mga pinunò, ang ilan ay tumungo sa mga trintsera sa unahan taglay ang mga baril at bayoneta. Subalit dahil sa nasa isipan nila ang kasulatang, “Huwag kang papatay,” sa itaas nila pinapuputok ang kanilang mga sandata o kaya’y pilit na inaalis ang sandata sa kamay ng kalaban. (Ex. 20:13, KJ) Ang ilan, gaya ni Remigio Cuminetti, sa Italya, ay tumangging magsuot ng uniporme ng sundalo. Noon ay hindi itinatangi ng pamahalaan ng Italya ang sinumang ayaw humawak ng sandata dahil sa utos ng budhi. Humarap siya sa paglilitis nang limang ulit at ipiniit sa mga bilangguan at sa isang institusyon para sa mga may diperensiya sa utak, subalit nanatiling matatag ang kaniyang pananampalataya at determinasyon. Sa Inglatera ang ilang humiling ng iksempsiyon ay inatasan sa isang gawaing mahalaga sa bansa o sa isang noncombatant corps. Ang iba, gaya ni Pryce Hughes, ay nanindigan sa pagkaneutral, anuman ang mangyari sa kanila.
Noong panahong iyon, ang panlahatang ulat ng mga Estudyante ng Bibliya ay hindi gaanong katulad ng sa sinaunang mga Kristiyano na inilarawan sa The Rise of Christianity, ni E. W. Barnes, na nag-ulat: “Ang isang maingat na pag-aaral sa lahat ng nakuhang impormasyon ay nagpapakitang, hanggang sa panahon ni Marcus Aurelius [Romanong emperador mula 161 hanggang 180 C.E.], walang Kristiyano ang naging sundalo; at walang sundalo, na pagkatapos maging Kristiyano, ay nanatili sa paglilingkod sa militar.”
Subalit, sa pagtatapos ng Digmaang Pandaigdig I, bumangon ang isa pang situwasyon na doo’y kinailangang ipakita ng relihiyosong mga grupo kung alin ang kanilang pagtatapatan.
Makapulitikang Kapahayagan ba ng Kaharian ng Diyos?
Isang kasunduan sa kapayapaan, kasali ang Tipan ng Liga ng mga Bansa, ang nilagdaan sa Versailles, Pransiya, noong Hunyo 28, 1919. Kahit na bago pa nilagdaan ang kasunduang iyon ng kapayapaan, inihayag na sa madla ng Federal Council of the Churches of Christ sa Amerika na ang Liga ay magiging “ang makapulitikang kapahayagan ng Kaharian ng Diyos sa lupa.” At dumagsa sa Senado ng Estados Unidos ang maraming liham mula sa relihiyosong mga grupo na humihimok dito na papagtibayin ang Tipan ng Liga ng mga Bansa.
Hindi nakisama ang mga Saksi ni Jehova. Kahit na bago pa pinagtibay ang kasunduan ng kapayapaan (noong Oktubre), nagbigay si J. F. Rutherford ng isang pahayag sa Cedar Point, Ohio, noong Setyembre 7, 1919, na doo’y ipinakita niyang hindi ang Liga ng mga Bansa kundi ang Kaharian na itinatag ng Diyos mismo ang tanging pag-asa ng namimighating sangkatauhan. Bagaman inaamin na ang pagkakaisa ng mga tao sa pagpapasulong sa mga kalagayan ay may magagawang kabutihan, hindi tinatalikuran ng mga Estudyanteng iyon ng Bibliya ang Kaharian ng Diyos bilang kapalit ng makapulitikang paraan na itinatag ng mga pulitiko at binasbasan ng klero. Sa halip, ginampanan nila ang gawaing pagpapatotoo sa buong daigdig hinggil sa Kaharian na inilagay ng Diyos sa mga kamay ni Jesu-Kristo. (Apoc. 11:15; 12:10) Sa The Watch Tower ng Hulyo 1, 1920, ipinaliwanag na ito ang gawaing inihula ni Jesus sa Mateo 24:14.
Minsan pa, pagkaraan ng Digmaang Pandaigdig II, ang mga Kristiyano ay napaharap sa katulad na isyu. Ngayon naman, ang kasangkot ay ang Nagkakaisang mga Bansa, ang pumalit sa Liga. Samantalang nagaganap pa ang Digmaang Pandaigdig II, noong 1942, natalos na ng mga Saksi ni Jehova mula sa Bibliya, sa Apocalipsis 17:8, na ang organisasyon ng pandaigdig na kapayapaan ay muling babangon, at na ito’y mabibigong magdala ng walang-hanggang kapayapaan. Ito’y ipinaliwang ni N. H. Knorr, noo’y presidente ng Samahang Watch Tower, sa pahayag sa kombensiyon na “Kapayapaan—Mananatili ba Ito?” Tahasang inihayag ng mga Saksi ni Jehova ang pangmalas na iyan tungkol sa nagaganap na mga pangyayari sa daigdig. Sa kabilang dako naman, aktuwal na nakisama ang mga pinunong Katoliko, Protestante, at mga Judio sa mga talakayan sa San Francisco noong 1945 na doo’y isinaplano ang UN Charter. Para sa mga nagmamasid ng mga pangyayaring ito, madaling makikita kung sino ang nagnanais na maging “kaibigan ng sanlibutan” at kung sino naman ang nagsisikap na maging “hindi bahagi ng sanlibutan,” gaya ng nasabi na ni Jesus na magiging totoo sa kaniyang mga alagad.—Sant. 4:4; Juan 17:14.
Isang Rekord ng Kristiyanong Neutralidad
Bagaman madaling naunawaan ng mga Saksi ni Jehova ang ilang isyu na nagsasangkot sa kaugnayan ng isang Kristiyano sa sanlibutan, nangailangan naman ng higit na panahon ang ibang mga bagay. Gayunman, habang tumitindi ang Digmaang Pandaigdig II sa Europa, isang mahalagang artikulo sa Ang Bantayan ng Nobyembre 1, 1939 (sa Ingles), ang tumulong sa kanila upang pahalagahan ang kahulugan ng Kristiyanong neutralidad. Binanggit ng artikulo na ang mga tagasunod ni Jesu-Kristo ay may tungkulin sa harap ng Diyos na maging lubusang tapat sa kaniya at sa kaniyang Kaharian, ang Teokrasya. Ang kanilang mga panalangin ay dapat na ukol sa Kaharian ng Diyos, hindi sa sanlibutan. (Mat. 6:10, 33) Sa liwanag ng isiniwalat ni Jesu-Kristo tungkol sa pagkakakilanlan ng di-nakikitang pinunò ng sanlibutan (Juan 12:31; 14:30), ikinatuwiran ng artikulo, papaanong ang isang tao na tapat sa Kaharian ng Diyos ay papanig sa isa o sa kabila sa isang labanan sa pagitan ng mga grupo ng sanlibutan? Hindi ba sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Hindi sila bahagi ng sanlibutan, gaya ko na hindi bahagi ng sanlibutan”? (Juan 17:16) Ang paninindigang ito ng Kristiyanong neutralidad ay hindi mauunawaan ng sanlibutan sa panlahatan. Subalit talaga bang susundin ito ng mga Saksi ni Jehova?
Napalagay sa napakatinding pagsubok ang kanilang neutralidad noong Digmaang Pandaigdig II, lalo na sa Alemanya. Sinabi ni Historyador Brian Dunn: ‘Magkasalungat ang mga Saksi ni Jehova at ang Nazismo. Ang pangunahing inaayawan ng Nazi sa kanila ay ang makapulitikang neutralidad nila. Ito’y nangahulugan na walang mananampalataya ang hahawak ng mga sandata, manunungkulan sa pulitika, makikibahagi sa mga pampublikong kapistahan, o gagawa ng anumang panunumpa ng katapatan.’ (The Churches’ Response to the Holocaust, 1986) Sa A History of Christianity, idinagdag ni Paul Johnson: “Marami ang nahatulan ng kamatayan dahil sa pagtanggi sa paglilingkurang militar . . . o sila’y napasadlak sa Dachau o mga ampunan ng mga baliw.” Ilang Saksi ang nabilanggo sa Alemanya? Iniulat ng mga Saksi ni Jehova sa Alemanya nang maglaon na 6,262 sa kanila ang inaresto at 2,074 sa bilang na iyon ang ipinasok sa mga kampong piitan. Ang mga manunulat ng sanlibutan ay karaniwang gumagamit ng mas matataas na bilang.
Sa Britanya, kung saan kapuwa ang mga lalaki at babae ay hinilingang magsundalo, ang batas ay may inilaang iksempsiyon; subalit ito’y ipinagkait sa mga Saksi ni Jehova sa maraming korte, at ang mga hukom ay nagpataw sa kanila ng pagkabilanggo nang mahigit na 600 taon sa kabuuan. Sa Estados Unidos, daan-daan sa mga Saksi ni Jehova bilang mga Kristiyanong ministro ang pinalibre sa paglilingkod sa militar. Mahigit na 4,000 iba pa, na pinagkaitan ng iksempsiyon na inilaan ng Selective Service Act, ang inaresto at ipiniit sa mga sentensiyang umaabot sa limang taon. Sa bawat bansa sa lupa, ang mga Saksi ni Jehova ay nanghawakan sa gayunding paninindigan ng Kristiyanong pagkaneutral.
Gayunpaman, ang pagsubok sa katunayan ng kanilang neutralidad ay hindi nahinto sa pagtatapos ng digmaan. Bagaman natapos na ang krisis ng 1939-45, dumating ang iba pang mga digmaan; at kahit na sa mga panahon na umiiral ang kapayapaan, maraming mga bansa ang nagpasiyang panatilihin ang sapilitang paglilingkod sa militar. Ang mga Saksi ni Jehova, bilang Kristiyanong mga ministro, ay patuloy na dumanas ng pagkabilanggo sa mga lugar na walang iksempsiyon. Noong 1949, nang sina John Tsukaris at George Orphanidis ay tumangging humawak ng sandata laban sa kanilang kapuwa, iniutos ng Griegong pamahalaan na sila’y bitayin. Ang pagtrato (sa iba’t ibang paraan) na iginawad sa mga Saksi ni Jehova sa Gresya ay totoong napakalupit kung kaya may panahon na sinikap ng Council of Europe (Human Rights Committee) na gamitin ang impluwensiya nito alang-alang sa kanila, subalit dahil sa panggigipit ng Greek Orthodox Church, hanggang noong 1992 ang kanilang mga paghimok, maliban sa ilang eksepsiyon, ay nabigo. Gayunman, ang ilang pamahalaan ay nawalan na ng gana sa patuloy na pagpaparusa sa mga Saksi ni Jehova dahil sa kanilang tapat na paniniwalang relihiyoso. Hanggang sa dekada ng 1990, sa ilang mga bansa, gaya ng Sweden, Pinlandya, Polandya, Netherlands, at Argentina, hindi pinipilit ang aktibong mga Saksi na makibahagi sa paglilingkurang militar o sa kapalit na sapilitang paglilingkod sa bansa, bagaman ang bawat kaso ay maingat nilang sinusuri.
Sa iba’t ibang dako, kinailangan na humarap ang mga Saksi ni Jehova sa mga kalagayang humahamon sa kanilang Kristiyanong neutralidad. Ang umiiral na
mga pamahalaan sa Latin Amerika, Aprika, Gitnang Silangan, Hilagang Irlandya, at sa ibang dako ay tumanggap ng marahas na oposisyon mula sa mapanghimagsik na mga puwersa. Dahil dito, kapuwa ang mga pamahalaan at mga puwersang oposisyon ay pumilit sa mga Saksi ni Jehova na sumuporta sa kanila. Subalit nanatiling lubusang neutral ang mga Saksi ni Jehova. Ang ilan ay walang-awang binugbog, binitay pa man din, dahil sa kanilang paninindigan. Gayunman, madalas na iginalang ng mga opisyales ng magkabilang panig ang mga Saksi ni Jehova dahil sa tunay na Kristiyanong neutralidad, at ang mga Saksi ay pinahihintulutang magpatuloy nang walang sagabal sa kanilang gawain ng pagsasabi sa iba ng mabuting balita hinggil sa Kaharian ni Jehova.Noong dekada ng 1960 at ng 1970, ang neutralidad ng mga Saksi ay sumailalim sa malupit na mga pagsubok nang sapilitang ipag-utos sa lahat ng mga mamamayan ng Malawi na bumili ng isang kard na nagpapakilala ng pagiging miyembro ng namumunong partido pulitikal. Nakita ng mga Saksi ni Jehova na magiging salungat sa kanilang paniniwalang Kristiyano na makibahagi rito. Bilang resulta, sila’y dumanas ng pag-uusig na walang katulad sa makasadistang kabagsikan nito. Sampu-sampung libo ang napilitang tumakas sa bansa, at marami ang nang maglaon ay sapilitang pinabalik upang humarap sa higit pang kalupitan.
Bagaman marahas na pinag-usig, ang mga Saksi ni Jehova ay hindi gumanti na may espiritu ng paghihimagsik. Hindi isinasapanganib ng kanilang paniniwala ang alinmang pamahalaan na kanilang pinaninirahan. Bilang kabaligtaran, ang World Council of Churches ay tumulong upang tustusan ang himagsikan, at tinangkilik ng mga paring Katoliko ang mga puwersa ng gerilya. Subalit kung ang isa sa mga Saksi ni Jehova ay makikibahagi sa mapanghimagsik na kilusan, ito’y katumbas ng pagtatakwil ng kaniyang pananampalataya.
Totoo na naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na lahat ng pamahalaan ng tao ay aalisin ng Kaharian ng Diyos. Ito ang binabanggit ng Bibliya sa Daniel 2:44. Ngunit, gaya ng ipinaliliwanag ng mga Saksi, sa halip na sabihing itatayo ng mga tao ang Kahariang iyan, ang kasulatan ay nagpapahayag na “ang Diyos ng langit ay magtatayo ng isang kaharian.” Ipinaliliwanag din nila na ang kasulatan ay hindi nagsasabi na ang mga tao ay pinahintulutan ng Diyos na siyang maghanda ng daan para sa Kaharian sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga pamahalaan ng tao. Batid ng mga Saksi ni Jehova na ang gawain ng tunay na mga Kristiyano ay ang mangaral at magturo. (Mat. 24:14; 28:19, 20) Kaayon ng kanilang paggalang sa Salita ng Diyos, ipinakikita ng ulat na walang isa man sa kanila ang nagtangka kailanman na ibagsak ang anumang uri ng pamahalaan saanman sa daigdig, ni kailanman ay lihim na nagsabwatan upang saktan ang isang opisyal ng publiko. Ang pahayagang Italyano na La Stampa ay nagsabi tungkol sa mga Saksi ni Jehova: “Sila ang pinakatapat na mga mamamayan na hahanapin ninuman: hindi sila umiiwas sa buwis ni lumalabag man sa di-kombinyenteng mga batas sa kanilang sariling pakinabang.” Gayunman, dahil sa batid nila ang kaselangan ng mga bagay sa paningin ng Diyos, bawat isa sa kanila ay matatag na nagpasiyang manatiling “hindi bahagi ng sanlibutan.”—Juan 15:19; Sant. 4:4.
Nang Pag-ukulan ng Debosyon ang Pambansang mga Sagisag
Nang hawakan ni Adolf Hitler ang kapangyarihan sa Alemanya, isang daluyong ng makabayang istirya ang lumigalig sa sanlibutan. Upang disiplinahin ang mga tao, ginawang sapilitan ang pakikibahagi sa mga seremonyang makabayan. Sa Alemanya ang bawat isa ay inutusang magbigay ng iniatas na pagpugay at bigkasin ang, “Heil Hitler!” Ito’y pagbibigay-puri kay Hitler bilang tagapagligtas; ito’y sinadya para magbigay ng idea na ang lahat ng pag-asa ng mga tao ay nakasentro sa kaniyang pagiging lider. Subalit ang mga Saksi ni Jehova ay hindi maaaring sumang-ayon sa gayong mga palagay. Alam nila na ang kanilang pagsamba ay dapat na iukol lamang kay Jehova at na ibinangon Niya si Jesu-Kristo bilang Tagapagligtas ng sangkatauhan.—Luc. 4:8; 1 Juan 4:14.
Kahit na bago pa naging diktador si Hitler sa Alemanya, nirepaso ng mga Saksi ni Jehova, sa kanilang buklet na The Kingdom, the Hope of the World (inilathala noong 1931), ang halimbawa ng tatlong matatapang na kasamang Hebreo ng propetang si Daniel sa Babilonya. Nang pag-utusan ng hari na sila’y yumukod sa isang imahen sa pagtugtog ng pantanging musika, ang tapat na mga Hebreo ay tumangging makipagkompromiso, at maliwanag na ipinakita ni Jehova ang kaniyang pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanila. (Dan. 3:1-26) Ipinaliwanag ng buklet na napaharap sa mga Saksi ni Jehova sa modernong panahon ang makabayang mga seremonya na may kaparehong hamon sa kanilang pananampalataya.
Unti-unti, ang hangad na magkaroon ng sapilitang makabayang mga seremonya ay kumalat sa labas ng Alemanya. Noong Hunyo 3, 1935, sa isang kombensiyon sa Washington D. C., nang hilingan si J. F. Rutherford na magbigay ng komento sa pagsaludo sa bandila sa mga paaralan, idiniin niya ang katapatan sa Diyos. Pagkaraan ng ilang buwan, nang ang walong-gulang na si Carleton B. Nichols, Jr., ng Lynn, Massachusetts, ay tumangging sumaludo sa bandila ng Amerika at makisali sa pag-awit ng awiting makabayan, iyon ay napaulat sa pahayagan sa buong bansa.
Upang ipaliwanag ito, nagbigay ng isang pahayag sa radyo si Brother Rutherford noong Oktubre 6 sa paksang “Pagsaludo sa Bandila,” na doo’y sinabi niya: “Sa maraming tao ang pagsaludo sa bandila ay isa lamang pormalismo at halos walang halaga. Sa mga tapat na nagsasaalang-alang nito ayon sa pangmalas ng Kasulatan, ito’y may mahalagang kahulugan.
“Ang bandila ay kumakatawan sa nakikitang namamahalang mga kapangyarihan. Ang pagtatangka sa pamamagitan ng batas na pilitin ang isang mamamayan o anak ng isang mamamayan na sumaludo sa anumang bagay o gamit, o umawit ng tinatawag na ‘mga awiting makabayan’, ay lubusang di-makatarungan at mali. Ang mga batas ay ginagawa at ipinatutupad upang maiwasan ang paggawa ng mga bagay na magdudulot ng kapinsalaan sa iba, at hindi ginagawa para sa layuning pilitin ang isang tao na labagin ang kaniyang budhi, at lalo na kung ang budhing iyan ay tinuruan alinsunod sa Salita ng Diyos na Jehova.
“Ang pagtangging sumaludo sa bandila, at tumayong tahimik, gaya ng ginawa ng batang lalaking ito, ay walang pinsalang maidudulot sa iba. Kung ang isa ay tunay na naniniwala na ang utos ng Diyos ay labag sa pagsaludo sa mga bandila, kung gayon ang pagpilit sa taong iyan na sumaludo sa bandila na salungat sa Salita ng Diyos, at salungat sa kaniyang budhi, ay lilikha ng matinding kapinsalaan sa taong iyan. Walang karapatan ang Estado sa pamamagitan ng batas o sa ano pa man na lumikha ng kapinsalaan sa mga tao.”
Inilaan ng buklet na Loyalty, inilathala rin noong 1935, ang higit na paliwanag sa mga dahilan ng paninindigan ng mga Saksi ni Jehova. Itinuon ang pansin sa mga kasulatang gaya ng sumusunod: Exodo 20:3-7, na nag-uutos na ang pagsamba ay para lamang kay Jehova at na ang mga lingkod ng Diyos ay hindi dapat gumawa o yumukod sa anumang imahen o sa kawangis man ng anumang bagay na nasa langit o nasa lupa; Lucas 20:25, na doo’y sinabi ni Jesu-Kristo na hindi lamang dapat bayaran kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar kundi ang mga bagay na sa Diyos ay dapat na ibigay sa Kaniya; at Gawa 5:29, na doo’y matatag na sinabi ng mga apostol, “Kailangang sundin muna namin ang Diyos bilang pinunò bago ang mga tao.”
Sa Estados Unidos, ang kawastuan ng pagpilit sa sinuman sa pagsaludo sa bandila ay iniharap sa mga hukuman. Noong Hunyo 14, 1943, binago ng Korte Suprema ng E.U. ang dating hatol nito at, sa kaso ng West Virginia State Board of Education v. Barnette, inihatol na ang sapilitang pagsaludo sa bandila ay hindi kaayon sa garantiya ng kalayaan na nakalagay sa sariling konstitusyon ng bansa. b
Ang isyu may kinalaman sa mga seremonyang pambansa ay hindi lamang sa Alemanya at Estados Unidos. Sa Hilaga at Timog Amerika, Europa, Aprika, at Asia, walang-awang inuusig ang mga Saksi ni Jehova dahil sa hindi nila pakikibahagi, kahit na sila’y tumayong may paggalang sa panahon ng pagsaludo sa bandila o nakakatulad na mga seremonya. Sinasaktan ang mga bata; marami ang pinaaalis sa paaralan. Napakarami na ang pinaglabanang kaso sa hukuman.
Gayunman, napilitang kilalanin ng mga nagmamasid, na dito, gaya sa iba pang mga bagay, napatunayan na ang mga Saksi ni Jehova ay kagaya ng sinaunang mga Kristiyano. Ngunit, sa aklat na The American Character ay sinabi: “Para sa karamihan . . . ang mga pagtutol ng mga Saksi ay hindi maunawaan kung papaanong hindi rin maunawaan nina Trajan at Pliny ang mga pagtutol ng mga Kristiyano [sa Imperyong Romano]
na magsagawa ng isang pormal na paghahain sa Banal na Emperador.” Ito’y dapat lamang asahan, yamang, katulad ng sinaunang mga Kristiyano, minamalas ng mga Saksi ni Jehova ang mga bagay-bagay na di-gaya ng pangmalas ng sanlibutan kundi alinsunod sa mga prinsipyo ng Bibliya.Maliwanag na Inilahad ang Kanilang Paninindigan
Pagkatapos maranasan ng mga Saksi ni Jehova ang matitinding pagsubok sa kanilang Kristiyanong neutralidad sa loob ng maraming taon, muling pinagtibay ng Ang Bantayan ng Mayo 1, 1980 (Nobyembre 1, 1979, sa Ingles) ang kanilang paninindigan. Ipinaliwanag din nito kung bakit nagpasiya ng ganito ang bawat Saksi nang sabihin nito: “Bilang resulta ng masinsinang pag-aaral ng Salita ng Diyos, ang mga kabataang Kristiyanong ito ay nakagawa ng pasiya. Walang sinuman ang gumawa ng pagpapasiyang ito para sa kanila. Nagawa nila ito nang isahan, batay sa sinanay-sa-Bibliyang budhi ng bawat isa. Ang kanilang desisyon ay ang umiwas sa mga gawaing dulot ng pagkapoot at karahasan laban sa kanilang kapuwa mula sa ibang mga bansa. Oo, naniniwala sila, at nagnanais na makibahagi, sa katuparan ng kilalang hula ni Isaias: ‘At papandayin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit. Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mangag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.’ (Isa. 2:4) Ganitung-ganito ang ginawa ng kabataang mga lalaking ito mula sa lahat ng bansa.”
Nang mga taon na ang kanilang panghahawakan sa Kristiyanong neutralidad ay mapalagay sa pagsubok, ang muling pagsusuri sa sinasabi ng Bibliya, sa Roma 13:1-7, hinggil sa “nakatataas na kapangyarihan” ay umakay sa mas maliwanag na kapahayagan ng kaugnayan ng mga Saksi sa makasanlibutang mga pamahalaan. Ito’y inilathala sa mga isyu ng Bantayan ng Hulyo 1, Hulyo 15, at Agosto 1, 1963 (Nobyembre 1, Nobyembre 15, at Disyembre 1, 1962, sa Ingles), at muling pinagtibay sa isyu ng Nobyembre 1, 1990. Idiniin ng mga artikulong iyon ang katayuan ng Diyos na Jehova bilang “ang Kataas-taasang Isa,” habang ipinaliliwanag din na ang mga makasanlibutang mga pinunò ay “nakatataas na kapangyarihan” may kinalaman lamang sa mga tao at sa lawak ng panunungkulan na ipinahihintulot ng Diyos na gawin nila sa kasalukuyang sistema ng mga bagay. Ipinakita ng mga artikulo ang pangangailangan para sa tunay na mga Kristiyano na taimtim na igalang ang gayong makasanlibutang mga pinunò at tumalima sa kanila sa lahat ng bagay na hindi salungat sa batas ng Diyos at sa kanilang sinanay-sa-Bibliyang budhi.—Dan. 7:18; Mat. 22:21; Gawa 5:29; Roma 13:5.
Ang matatag na paninindigan ng mga Saksi ni Jehova sa mga pamantayang ito ng Bibliya ay nagdulot sa kanila ng isang reputasyon ng pagiging hiwalay sa sanlibutan na nagpapaalaala sa mga tao ng sinaunang mga Kristiyano.
Nang Ipagdiwang ng Sanlibutan ang mga Kapistahan Nito
Nang isinaisantabi ng mga Saksi ni Jehova ang relihiyosong mga turo na may paganong pinagmulan, tumigil na rin sila sa pakikibahagi sa maraming mga kaugalian na may gayunding bahid. Subalit sa loob ng isang panahon, may ilang pagdiriwang na hindi nabigyan ng kinakailangang maingat na pagsusuri. Ang isa rito ay ang Pasko.
Ang kapistahang ito ay ipinagdiriwang taun-taon maging ng mga tauhan ng punong-tanggapan ng Samahang Watch Tower sa Bethel Home sa Brooklyn, New York. Sa loob ng maraming taon batid nila na hindi Disyembre 25 ang tamang petsa, subalit nangatuwiran sila na ang petsa ay matagal nang iniuugnay sa kapanganakan ng Tagapagligtas at na ang paggawa ng mabuti sa iba ay angkop ano mang araw. Gayunman, pagkatapos na higit na masiyasat ang paksa, ang mga tauhan ng punong-tanggapan ng Samahan, gayundin ang mga tauhan ng mga tanggapang sangay ng Samahan sa Inglatera at sa Switzerland, ay nagpasiyang hihinto na sa pakikibahagi sa mga pagdiriwang ng Pasko, kaya wala nang ginanap na pagdiriwang ng Pasko doon pagkalipas ng 1926.
Si R. H. Barber, isang tauhan ng punong-tanggapan na gumawa ng puspusang pagsisiyasat sa pinagmulan ng mga kaugalian kung Pasko at sa ibinubunga nito, ay nagharap ng resulta nito sa pagsasahimpapawid sa radyo. Inilathala rin ang impormasyong iyan sa The Golden Age ng Disyembre 12, 1928. Iyon ay isang lubusang pagbubunyag ng nakasisirang-puri-sa-Diyos na mga pinagmulan ng Pasko. Simula noon, ang paganong pinagmulan ng mga kaugalian sa Pasko ay karaniwan nang batid ng madla, subalit iilan lamang ang nagbago ng kanilang paraan ng pamumuhay bilang resulta. Sa kabilang dako, ang mga Saksi ni Jehova ay handang gumawa ng kinakailangang pagbabago upang maging mas karapat-dapat na mga lingkod ni Jehova.
Nang ipakitang ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus ay aktuwal na naging mas mahalaga sa mga tao kaysa sa pantubos na inilaan ng kaniyang kamatayan; na ang pagkakatuwaan ng kapistahan at ang espiritu ng pagbibigayan ng regalo ay hindi nagdudulot-kapurihan sa Diyos; na ang mga mago na pinagtularan ng pagbibigay ng regalo ay sa totoo’y kinasihan ng demonyong mga astrologo; na ang mga magulang ay nagtuturo sa kanilang mga anak ng pagsisinungaling dahil sa mga sinabi nila sa kanila tungkol kay Santa Claus; na si “St. Nicholas” (Santa Claus) ay inaamin nilang ibang pangalan lamang ng Diyablo mismo; at na ang mga kapistahang iyan ay, gaya ng inamin ni Cardinal Newman sa kaniyang Essay on the Development of Christian Doctrine, “ang mismong mga kasangkapan at mga bagay na kalakip ng pagsamba sa demonyo” na tinanggap ng iglesya—nang mabatid ang mga bagay na ito, daglian at lubusang itinigil ng mga Saksi ni Jehova ang anumang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Pasko.
Ang mga Saksi ni Jehova ay nakikipagsaya kasama ng kanilang mga pamilya at mga kaibigan. Subalit hindi sila nakikibahagi sa mga kapistahan at mga pagdiriwang na nagsasangkot sa paganong mga diyos (na siyang totoo sa mga kapistahang gaya ng Pasko ng Pagkabuhay, Araw ng Bagong Taon, May Day, at Mother’s Day). (2 Cor. 6:14-17) Gaya ng sinaunang mga Kristiyano, c ni hindi sila nagdiriwang ng kapanganakan. May paggalang din nilang iniiwasan ang pakikibahagi sa mga pambansang pagdiriwang bilang pag-alaala sa mga pangyayaring pampulitika at pangmilitar at umiiwas sa tulad-pagsambang pagpaparangal sa mga bayani ng bansa. Bakit? Sapagkat ang mga Saksi ni Jehova ay hindi bahagi ng sanlibutan.
Pagtulong sa Kanilang Kapuwa
Ang pagbibigay-pitagan sa mga diyos ay nasa kaibuturan ng pansosyal at pangkulturang
pamumuhay ng Imperyong Romano. Yamang ang mga Kristiyano ay hindi nakibahagi sa anumang may bahid ng paganong mga diyos, minalas ng mga tao ang Kristiyanismo bilang lantarang paghamak sa kanilang paraan ng pamumuhay; at sang-ayon sa historyador na si Tacitus, ang mga Kristiyano raw ay kilalang napopoot sa sangkatauhan. Nagpapakita ng katulad na saloobin, sinipi ni Minucius Felix, sa kaniyang mga sulat, ang isang Romano na nagsasabi sa isang kakilalang Kristiyano: “Hindi kayo nanonood ng mga palabas; hindi kayo sumasama sa prusisyon . . . kinasusuklaman ninyo ang sagradong mga palaro.” Hindi nauunawaan ng mamamayan ng sinaunang Roma ang mga Kristiyano.Gayundin sa ngayon, marami sa sanlibutan ang hindi nakauunawa sa mga Saksi ni Jehova. Maaaring hinahangaan ng mga tao ang mataas na pamantayang moral ng mga Saksi subalit iniisip na dapat makibahagi ang mga Saksi ni Jehova sa daigdig na nakapalibot sa kanila sa mga gawain nito at makisangkot sa pagtulong na gawing mas mabuting lugar ang daigdig. Gayunman, yaon mismong mga nakakakilala sa
mga Saksi ni Jehova ay nakaaalam na may dahilan mula sa Bibliya para sa lahat ng kanilang ginagawa.Sa halip na ibukod ang sarili sa sangkatauhan, itinatalaga ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga buhay sa pagtulong sa kanilang kapuwa katulad ng ibinigay na halimbawa ni Jesu-Kristo. Tinutulungan nila ang mga tao na matutuhan kung papaano mapagtatagumpayan ang mga suliranin ng buhay sa ngayon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kabatiran sa Maylikha at sa mga alituntunin para sa buhay na nakaulat sa kaniyang kinasihang Salita. Ibinabahagi nila nang buong puso sa kanilang mga kapitbahay ang mga katotohanan ng Bibliya na makapagpapabago sa buong pangmalas sa buhay ng isang tao. Ang pinakabuod ng kanilang paniniwala ay ang pagkatanto na “ang sanlibutan ay lumilipas,” na malapit nang mamagitan ang Diyos upang wakasan ang kasalukuyang masamang sistema, at na ang maluwalhating kinabukasan ay naghihintay sa mga nananatiling hindi bahagi ng sanlibutan at naglalagak ng kanilang buong pananampalataya sa Kaharian ng Diyos.—1 Juan 2:17.
[Mga talababa]
a Ang The Watch Tower, Hunyo 1, 1918, p. 174.
b Para sa higit pang detalye, tingnan ang Kabanata 30, “Pagtatanggol at Legal na Pagtatatag ng Mabuting Balita.”
c The History of the Christian Religion and Church, During the Three First Centuries, ni Augustus Neander, p. 190.
[Blurb sa pahina 188]
Hindi mga ermitanyo, gayunman, hindi nakikibahagi sa istilo ng pamumuhay ng sanlibutan
[Blurb sa pahina 189]
Sila’y umalis sa mga iglesya ng Sangkakristiyanuhan
[Blurb sa pahina 190]
“Ang mga Kristiyano ay nanatiling nakabukod at naiiba sa estado”
[Blurb sa pahina 194]
Napalagay sa pagsubok ang Kristiyanong neutralidad
[Blurb sa pahina 198]
‘Walang sinuman ang nagpasiya para sa kanila’
[Blurb sa pahina 199]
Kung bakit nila itinigil ang pagdiriwang ng Pasko
[Kahon sa pahina 195]
Hindi Banta sa Alinmang Pamahalaan
◆ Nang sumusulat tungkol sa pagtrato ng mga Saksi ni Jehova sa isang lupain sa Latin Amerika, isang editoryal sa Omaha, Nebraska, E.U.A., “World-Herald” ang nagsabi: “Kinakailangan ang isang panatiko at suspetsosong imahinasyon upang maniwala na ang mga Saksi ni Jehova sa papaano man ay nagsisilbing banta sa alinmang makapulitikang rehimen; sila, bilang isang relihiyosong grupo, ang pinakamasunurin at pinakamaibigin sa kapayapaan, at humihiling lamang na pabayaang ipagpatuloy ang kanilang pananampalataya sa kanilang sariling pamamaraan.”
◆ Ang “Il Corriere di Trieste,” isang pahayagan sa Italya, ay nagsabi: “Dapat hangaan ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang katatagan at pagkakaisa. Di-gaya ng ibang relihiyon, ang kanilang pagiging iisa bilang isang bayan ay pumipigil sa kanila upang ipanalangin sa iisang Diyos, sa pangalan ng iisang Kristo, na pagpalain ang magkalabang panig sa digmaan, o paghaluin ang pulitika at relihiyon upang paglingkuran ang kapakanan ng mga Pinunò ng Estado o makapulitikang mga partido. Kahuli-hulihan ngunit mahalaga, handa nilang harapin ang kamatayan sa halip na labagin . . . ang utos na HUWAG KANG PAPATAY!”
◆ Pagkatapos na mapagtiisan ng mga Saksi ni Jehova ang 40-taóng pagbabawal sa Czechoslovakia, ang pahayagang “Nová Svoboda” ay nagsabi, noong 1990: “Ang pananampalataya ng mga Saksi ni Jehova ay nagbabawal sa paggamit ng sandata laban sa mga tao, at yaong tumanggi sa saligang paglilingkurang militar at hindi nakapagtrabaho sa minahan ng karbon ay ipiniit, hanggang apat na taon. Dito lamang ay makikita na sila’y may pambihirang lakas sa moral. Maaari nating pakinabangan ang di-sakim na mga taong iyan kahit na sa pinakamataas na tungkuling pulitikal—ngunit hindi natin sila kailanman makukuha. . . . Siyempre pa, kinikilala nila ang mga kapangyarihan ng pamahalaan ngunit naniniwalang ang Kaharian lamang ng Diyos ang makalulutas ng lahat ng suliranin ng sangkatauhan. Subalit huwag kayong magkamali—sila’y hindi mga panatiko. Sila’y mga taong buhos ang isip sa sangkatauhan.”
[Kahon/Mga larawan sa pahina 200, 201]
Mga Kaugaliang Iniwan Na
Ang pagdiriwang na ito ng Pasko sa Brooklyn Bethel noong 1926 ang siyang kahuli-hulihan nila. Unti-unting naunawaan ng mga Estudyante ng Bibliya na ang pinagmulan ng kapistahang ito at ang mga kaugaliang kaakibat nito ay hindi nagpaparangal sa Diyos
Sa loob ng maraming taon, ang mga Estudyante ng Bibliya ay nagsuot ng korteng krus at korona bilang insigniyang pagkakakilanlan, at ang insigniyang ito ay nasa unahang pabalat ng “Watch Tower” mula 1891 hanggang 1931. Subalit noong 1928 idiniin na hindi ang pandekorasyong insigniya kundi ang gawain bilang isang saksi ang nagpakita na siya’y isang Kristiyano. Noong 1936 ipinaliwanag na ipinakikita ng katibayan na namatay si Kristo sa isang tulos, hindi sa dalawang-bigang pinagkrus
Sa kanilang aklat na “Daily Manna,” ang mga Estudyante ng Bibliya ay nag-ingat ng listahan ng mga kapanganakan. Subalit pagkatapos na itigil nila ang pagdiriwang ng Pasko at nang maunawaan nilang ang pagdiriwang ng Pasko ay pagbibigay ng di-nararapat na pagpaparangal sa nilalang (na isang dahilan anupat ang sinaunang mga Kristiyano ay hindi nagdiriwang ng kapanganakan), itinigil na rin ng mga Estudyante ng Bibliya ang kaugaliang ito
Sa loob ng mga 35 taon, inakala ni Pastor Russell na ang Great Pyramid ng Gizeh ay siyang batong testigo ng Diyos, na sumusuhay sa mga sukat ng panahon ng Bibliya. (Isa. 19:19) Subalit itinakwil ng mga Saksi ni Jehova ang idea na ang isang pyramid ng Ehipto ay may anumang kinalaman sa tunay na pagsamba. (Tingnan sa Ingles ang mga isyu ng Nobyembre 15 at Disyembre 1, 1928 ng “Bantayan”)
[Larawan sa pahina 189]
Sampung milyong kopya ang ipinamahagi
[Larawan sa pahina 191]
Ang ilan ay pumunta sa mga trintsera na may mga baril, subalit ang iba, kasali na si A. P. Hughes ng Inglatera at si R. Cuminetti ng Italya ay tumanggi sa gayong pagkasangkot
[Larawan sa pahina 193]
Tumangging sang-ayunan ng mga Saksi ni Jehova ang Liga ng mga Bansa o ang UN bilang galing sa Diyos kundi itinaguyod ang Kaharian lamang ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo
[Larawan sa pahina 197]
Sina Carleton at Flora Nichols. Nang tumangging sumaludo sa bandila ang kanilang anak na lalaki, ito’y naging pambansang balita