Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pandaigdig na Punong-Tanggapan at Pangunahing Tanggapan ng mga Saksi ni Jehova—sa Larawan

Pandaigdig na Punong-Tanggapan at Pangunahing Tanggapan ng mga Saksi ni Jehova—sa Larawan

Pandaigdig na Punong-Tanggapan at Pangunahing Tanggapan ng mga Saksi ni Jehova—sa Larawan

PANDAIGDIG NA PUNONG-TANGGAPAN NG MGA SAKSI NI JEHOVA

[Larawan sa pahina 352, 353]

Ang pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova ay pinangangasiwaan buhat sa Brooklyn, New York, E.U.A., mula noong 1909. Nasa mga gusaling ito ang mga opisina ng punong-tanggapan mula noong 1980

[Mga larawan sa pahina 352]

Ang Watchtower Educational Center, sa Patterson, New York (kasalukuyan pang itinatayo noong 1992)

[Mga larawan sa pahina 353]

Ang ilan sa mga tirahan para sa libu-libong naglilingkuran sa pandaigdig na punong-tanggapan

[Mga larawan sa pahina 354]

Dating mga otel sa Brooklyn na kinumpuni upang maging tuluyan ng karagdagang 1,476 na boluntaryo

[Mga larawan sa pahina 354]

Mga tirahan para sa pamilyang Bethel sa Wallkill, New York

[Mga larawan sa pahina 354, 355]

Sa mga palimbagang ito (sa Brooklyn, New York), inilalathala ang mga Bibliya, mga aklat, at mga brosyur sa 180 wika upang ipamahagi sa buong daigdig

[Mga larawan sa pahina 356]

Milyun-milyong audiocassette may kinalaman sa Bibliya ang ginagawa sa palimbagang ito sa Brooklyn taun-taon. Mula rito, isinasaayos din ang pagpapadala sa ibang mga lugar. Mahigit na 15,000 tonelada ng literatura sa Bibliya at iba pang materyales bawat taon ang ipinadadala sa lahat ng bahagi ng daigdig

[Mga larawan sa pahina 356]

Sa palimbagang ito sa Watchtower Farms, malapit sa Wallkill, New York, daan-daang milyong sipi ng “Ang Bantayan” at “Gumising!”, sa 14 na wika, ang iniimprenta taun-taon

Ang mga Saksi ni Jehova at ang legal na mga korporasyon na ginagamit nila ay may mga tanggapan at mga palimbagan sa maraming bahagi ng daigdig. Ang mga larawan sa sumusunod na mga pahina ay nagpapakita ng marami, bagaman hindi lahat, ng mga pasilidad na ito. Sa mga lugar na kasalukuyang itinatayo ang mga bagong gusali noong 1992, mga larawang iginuhit ng mga arkitekto ang ipinakikita. Ang mga estadistikang ibinigay ay para noong 1992.

HILAGANG AMERIKA AT ANG WEST INDIES

ALASKA

[Larawan sa pahina 357]

Magiliw na tinatanggap ang mga bisita sa tanggapang pansangay ng Samahan. Dito sa Alaska, tulad sa ibang lugar, ang mga Saksi ni Jehova ay nangangaral sa bahay-bahay, kahit ang temperatura paminsan ay bumababa hanggang -50° C.

[Larawan sa pahina 357]

Ang eroplanong ginamit upang ihatid ang mga tagapaghayag ng Kaharian sa liblib na bahagi ng teritoryo

BAHAMAS

[Larawan sa pahina 357]

Ang mga publikasyon ng Watch Tower ay nakarating sa Bahamas noon pang 1901. Ang pagpapatotoo nang regular ay unang ginawa noong 1926. Mula noon, mahigit na 4,600,000 sipi ng literatura sa Bibliya ang ipinamahagi sa kapuluan na ngayo’y pinangangasiwaan sa tanggapang ito.

BARBADOS

[Mga larawan sa pahina 358]

Mahigit na 140 relihiyosong grupo sa Barbados ang nag-aangking Kristiyano. Mula noong 1905, ang mga Saksi ni Jehova ay tumulong sa mga tao rito upang suriin nila sa kanilang mga sarili kung ano ang sinasabi ng Bibliya.

BELIZE

[Mga larawan sa pahina 358]

Halos kalahati ng populasyon ng Belize ang nakatira sa may kabukiran. Upang marating ang ilang nayon sa may looban, ang mga Saksi ni Jehova taun-taon ay naglalakad nang malayo na may mga napsak at mga bag sa pangangaral.

COSTA RICA

[Larawan sa pahina 358]

Ang Samahan ay unang nagtatag ng tanggapang pansangay sa Costa Rica noong 1944. Mula noong dekada ng 1950, ang bilang ng mga taga-Costa Rica na nakikibahagi sa tunay na pagsamba ay umabot na sa libu-libo.

DOMINICAN REPUBLIC

[Mga larawan sa pahina 359]

Ang literatura ng Watch Tower ay ipinamahagi rito noon pang 1932. Ngunit ang personal na pagtuturo sa mga taong interesado ay nagsimula noong 1945, nang dumating ang mga misyonero na makikita sa kaliwa. Sa kalilipas na mga taon, nang sampu-sampung libo ang nanabik na mag-aral ng Bibliya kasama ng mga Saksi, kinailangan ang mga pasilidad na ito ng sangay.

EL SALVADOR

[Mga larawan sa pahina 359]

May ilang pagpapatotoo na ginawa rito noong 1916. Gayunman, noon lamang 1945 saka naging handa ang isang tao sa El Salvador na tanggapin ang Kristiyanong bautismo sa tubig (gaya ng makikita rito). Mula noon, libu-libo pa ang naging lingkod ni Jehova.

GUADELOUPE

[Mga larawan sa pahina 359]

Ang proporsiyon ng mga mamamahayag sa teritoryong pinaglilingkuran ng tanggapang pansangay na ito kung ihahambing sa populasyon ay isa sa pinakamahusay sa buong daigdig. Marami sa Guadeloupe ang may pagpapahalagang tumanggap ng mabuting balita.

CANADA

[Larawan sa pahina 360, 361]

Ang tanggapan ng Samahan sa Canada ay nangangasiwa sa pangangaral ng mabuting balita sa pangalawa sa pinakamalaking bansa sa daigdig. Mahigit na 100,000 tagapaghayag ng Kaharian ang abalang gumagawa sa lupaing ito.

Gusaling pampangasiwaan (nakasanib ang larawan ng kasalukuyang pasilidad ng sangay)

[Larawan sa pahina 360]

Mga Teritoryo sa Hilagang-kanluran

[Larawan sa pahina 360]

Kampo ng magtotrosó sa British Colombia

[Larawan sa pahina 360]

Mga rantsong bakahan sa Alberta

[Larawan sa pahina 360]

Ang French Quebec

[Larawan sa pahina 360]

Mga Probinsiyang Tabing-dagat

GUATEMALA

[Mga larawan sa pahina 360]

Bagaman ang opisyal na wika ng Guatemala ay Kastila, sari-saring masalimuot na wikang Indiyan ang sinasalita rito. Sinisikap ng tanggapan ng Samahan na tiyakin na ang bawat isa ay may pagkakataon na makarinig ng tungkol sa Kaharian ng Diyos.

HAITI

[Mga larawan sa pahina 361]

Ang paglilingkod kay Jehova ay nagdudulot ng malaking kagalakan sa mga Saksi ni Jehova sa Haiti, sa kabila ng madalas na kagipitang nakapaligid sa kanila.

HONDURAS

[Mga larawan sa pahina 362]

Mula noong 1916, mahigit na 23,000,000 oras ang ginugol sa pagtuturo ng Bibliya sa mga naninirahan sa lupaing ito. May panahon na ang mga tao ay kinailangan ding maturuan ng mga Saksi ni Jehova na bumasa at sumulat (gaya ng makikita ninyo rito) upang tulungan silang makapag-aral ng Salita ng Diyos sa kanilang sarili.

JAMAICA

[Mga larawan sa pahina 362]

Daan-daan sa Jamaica ang naging tapat na mga lingkod ni Jehova noong panahong tinitipon pa ang magiging tagapagmana ng makalangit na Kaharian. Mula noong 1935, libu-libo pa ang nakisama sa pangangaral ng mensahe ng Kaharian. Itinatayo ang tanggapang pansangay upang siyang mangalaga sa kanilang espirituwal na pangangailangan.

LEEWARD ISLANDS (ANTIGUA)

[Larawan sa pahina 362]

Noon pang 1914, ang mabuting balita ay ipinangangaral na sa mga pulô na sa ngayo’y pinangangasiwaan ng tanggapang ito. Paulit-ulit mula noon, ang mga tao sa bahaging ito ng lupa ay inanyayahan na “kumuha nang walang bayad ng tubig ng buhay.”​—Apoc. 22:17.

MEXICO

[Larawan sa pahina 363]

Bagong sentro sa pagtuturo sa Bibliya ang itinatayo ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico

[Larawan sa pahina 363]

Ang mga pasilidad ng tanggapan na ginagamit noong 1992

[Mga larawan sa pahina 363]

Ang literatura sa Bibliya na inilalathala rito ay ginagamit ng mahigit na 410,000 masisigasig na Saksi sa Mexico at sa iba pang karatig na lupain na nagsasalita ng Kastila

[Larawan sa pahina 363]

Mula 1986 hanggang 1992, mahigit na 10 porsiyento ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya na idinaraos ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ang ginanap sa Mexico, at karamihan ay sa mga grupong pampamilya

[Graph sa pahina 363]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Pag-aaral sa Bibliya sa Mexico

500,000

250,000

1950 1960 1970 1980 1992

MARTINIQUE

[Mga larawan sa pahina 364]

Ang mga binhi ng katotohanan ay inihasik dito noong 1946. Ngunit nang dumating sina Xavier at Sara Noll (makikita rito) mula sa Pransya noong 1954, sila’y nagpanatili at nangalaga sa interes na nasumpungan. Pagsapit ng 1992, mahigit na 3,200 ang nakikibahagi kasama nila sa paghahayag ng mensahe ng Kaharian.

NETHERLANDS ANTILLES (CURAÇAO)

[Mga larawan sa pahina 364]

Dalawampu’t tatlong misyonero ang naglingkod sa teritoryo ng tanggapang pansangay na ito. Dalawa sa orihinal na grupo (makikita rito) na dumating noong 1946 ay patuloy pa ring gumagawa noong 1992.

NICARAGUA

[Larawan sa pahina 364]

Magmula noong 1945, nang dumating ang mga misyonero, ang mga Saksi ni Jehova sa Nicaragua ay nagsimulang dumami. Noong 1992 sila’y naging mahigit na 9,700. Ang mga tao na nagnanais na maturuan ng mga Saksi mula sa Bibliya sa ngayon ay nakahigit pa sa bilang ng lokal na mga Saksi.

PANAMA

[Mga larawan sa pahina 365]

Mula noong katapusan ng ika-19 na siglo, ang mga tao sa Panama ay tumatanggap na ng tulong upang matutuhan ang mga kahilingan ng Diyos para sa buhay na walang-hanggan.

PUERTO RICO

[Larawan sa pahina 365]

Mula noong 1930, mahigit na 83,000,000 sipi ng literatura sa Bibliya ang ipinamahagi sa Puerto Rico, at 25,000,000 pagdalaw-muli ang ginawa upang maglaan ng karagdagang tulong sa mga taong interesado. Ang pagsasalin na ginagawa rito ay tumutulong upang ang literatura sa Bibliya ay mabasa ng mga 350,000,000 na nagsasalita ng Kastila sa buong daigdig.

TRINIDAD

[Mga larawan sa pahina 365]

Ang mabuting balita ay masinsinan nang ipinahahayag sa Trinidad noon pa mang 1912. Maraming Saksi, kabilang ang tatlong ito na sinanay sa Paaralang Gilead, ang gumugol ng kanilang buong panahon sa gawaing ito.

TIMOG AMERIKA

ARGENTINA

[Mga larawan sa pahina 366-372]

Isang tagapaghayag ng Kaharian ang unang ipinadala sa bansang ito noong 1924. Malaking tulong ang nang maglao’y nagawa ng mga misyonerong sinanay sa Gilead, kasali na si Charles Eisenhower (makikita rito), na dumating kasama ang kaniyang asawa noong 1948. Pagsapit ng 1992, ang pangkalahatang pangangasiwa, gayundin ang literatura sa Bibliya, ay inilaan mula sa mga pasilidad na ito para sa mahigit na 96,000 Saksi ni Jehova sa Argentina. Ang literatura ay ipinadadala rin mula rito upang paglaanan ang mahigit na 44,000 Saksi sa Chile.

BOLIVIA

[Mga larawan sa pahina 367]

Ang mga taga-Bolivia ay nakaririnig na ng mensahe ng Kaharian mula pa noong 1924. Libu-libo ang may-pagpapahalagang tumatanggap ng literatura sa Bibliya at nakikinabang mula sa regular na pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya.

CHILE

[Mga larawan sa pahina 367]

Pagsapit ng 1919, ang literatura ng Watch Tower ay nakarating na sa Chile. Ang pangangaral na pinangangasiwaan ng tanggapang ito ay umaabot ngayon mula sa mahanging mga rantso ng tupa sa timugan hanggang sa liblib na mga kampong minahan sa hilaga, mula sa Bundok ng Andes hanggang sa karagatan.

ECUADOR

[Mga larawan sa pahina 367]

Isang malaking tulong sa pangangaral ng mabuting balita sa Ecuador ang ginawa ng mahigit na 870 Saksi (gaya ng dalawang makikita rito) na umalis sa kanilang katutubong mga lupain upang maglingkod kung saan mas malaki ang pangangailangan. Ang sangay na ito ay tumutulong sa mahigit na 22,000 masisigasig na tagapuri ni Jehova.

BRAZIL

[Mga larawan sa pahina 368, 369]

Noong 1992, nang palawakin ang tanggapang pansangay ng Samahan, ang palimbagan, at ang Tahanang Bethel upang maging ganitong kalaki, ang mga Saksi ni Jehova sa Brazil ay may bilang na mahigit sa 335,000 at nagbabautismo ng mahigit sa 27,000 alagad bawat taon. Ang palimbagan dito ay naglalaan din ng literatura na ipinamamahagi sa Bolivia, Paraguay, at Uruguay.

[Mga larawan sa pahina 369]

Dalawang malaking istadyum na ginamit para sa internasyonal na kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa São Paulo noong 1990; mahigit na 100 karagdagang kombensiyon ang itinakda ring idaos

[Graph sa pahina 369]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Tagapaghayag ng Kaharian sa Brazil

300,000

200,000

100,000

1950 1960 1970 1980 1992

GUYANA

[Mga larawan sa pahina 368]

Ang Samahan ay may tanggapang pansangay sa Guyana mula pa noong 1914. Ang mga Saksi ay nakarating hanggang sa kaloob-looban at nagsisikap na magbigay sa bawat isa ng pagkakataong marinig ang mabuting balita. Bagaman ang populasyon ng bansa kahit ngayon ay wala pang isang milyon, mahigit na 10,000,000 oras ang ginugol ng mga Saksi sa pangangaral at pagtuturo sa lupaing ito.

PARAGUAY

[Mga larawan sa pahina 369]

Ang pangangaral ng mabuting balita ay ginagawa na sa Paraguay noon pang kalagitnaan ng dekada ng 1920. Mula noong 1946, 112 misyonerong sinanay sa Gilead ang tumulong sa pagbibigay ng patotoo. Upang marating ang mga grupong gumagamit ng ibang wika bukod sa lokal na Kastila at Guarani, iba pang mga Saksi ang nagboluntaryong lumipat doon mula sa iba’t ibang mga lupain.

Mula sa Alemanya

Mula sa Korea

Mula sa Hapón

COLOMBIA

[Mapa/Mga larawan sa pahina 370, 371]

Noon pang 1915, isang publikasyon ng Watch Tower ang ipinakoreo sa isang taong interesado sa Colombia. Pagsapit ng 1992, ang literatura sa Bibliya na iniimprenta sa mga pasilidad na ito ay ipinadadala upang masapatan ang pangangailangan ng mahigit na 184,000 ebanghelisador sa Colombia, Ecuador, Panama, Peru, at Venezuela.

[Mapa sa pahina 371]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

COLOMBIA

PERU

ECUADOR

PANAMA

VENEZUELA

PERU

[Larawan sa pahina 370]

Ang literatura sa Bibliya ay ipinamahagi sa Peru ng isang dumadalaw na Estudyante ng Bibliya noon pang 1924. Ang unang kongregasyon ay itinatag dito pagkaraan ng 21 taon. Ngayon ay may mahigit na 43,000 aktibong tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos sa Peru.

[Larawan sa pahina 370]

Mga payunir na nangangaral sa kaitaasan ng Andes

SURINAME

[Mga larawan sa pahina 371]

Humigit-kumulang noong 1903, ang unang grupo ng pag-aaral ay itinatag dito. Sa ngayon ang mga pasilidad ng sangay na ito ay dapat na mangasiwa sa mga kongregasyon sa buong bansa​—sa liblib na mga lugar, sa mga distrito, at sa lunsod.

URUGUAY

[Mga larawan sa pahina 372]

Mula noong 1945, mahigit na 80 misyonero ang tumulong sa paghahayag ng Kaharian sa Uruguay. Ang mga makikita rito ay nakapaglingkod na sa Uruguay mula noong dekada ng 1950. Pagsapit ng 1992, mahigit na 8,600 lokal na mga Saksi ang naglilingkod na kasama nila.

VENEZUELA

[Larawan sa pahina 372]

May ilang literatura ng Watch Tower na ipinamahagi sa Venezuela noong kalagitnaan ng dekada ng 1920. Pagkalipas ng isang dekada isang mag-inang payunir mula sa Estados Unidos ang nagsimula ng isang masigasig na panahon ng pangangaral dito, na paulit-ulit na nilalaganapan ang kabisera at naglalakbay sa mga bayan sa buong bansa. Ngayon ay may mahigit na 60,000 aktibong Saksi sa Venezuela.

[Larawan sa pahina 372]

Isang arena ng huwego de toro sa Valencia na may 74,600 dumalo para sa pantanging asamblea noong 1988

EUROPA AT ANG MEDITERANO

AUSTRIA

[Larawan sa pahina 373]

Noon pang dekada ng 1890, may ilang tao sa Austria na binigyan ng pagkakataong makinabang mula sa mabuting balita. Simula noong dekada ng 1920, nagkaroon ng katamtaman ngunit patuluyang pagsulong sa bilang ng mga tagapuri kay Jehova sa lupaing ito.

[Larawan sa pahina 373]

Mahigit na 270 kongregasyon ang nagtitipon sa mga Kingdom Hall sa buong Austria

BELGIUM

[Mga larawan sa pahina 373-384]

Ang Belgium ay isa sa mga sangandaan sa daigdig. Upang matulungan ang iba’t ibang uri ng tao na nasusumpungan dito, ang sangay na ito ay namamahagi ng literatura sa Bibliya sa mahigit na 100 wika.

BRITANYA

[Mga larawan sa pahina 374]

Ang gawain ng mahigit na 125,000 Saksi ni Jehova sa Britanya ay pinangangasiwaan mula sa tanggapang pansangay na ito. Ang mga Saksi mula sa Britanya ay tumanggap din ng mga atas upang palaganapin ang mensahe ng Kaharian sa ibang bansa sa Europa gayundin sa Aprika, Timog Amerika, Australia, sa Silangan, at sa mga kapuluan ng dagat.

IBSA House

Watch Tower House

[Mga larawan sa pahina 374]

Ang literatura sa Bibliya ay iniimprenta rito sa Ingles, Maltese, Gujarati, at Swahili

[Larawan sa pahina 374]

Ang Service Department ay nangangasiwa sa mahigit na 1,300 kongregasyon sa Britanya

[Mga larawan sa pahina 374]

Ang mga suplay ng literatura ay ipinadadala sa lahat ng bahagi ng Inglatera, Scotland, Wales, Irlandya, at Malta, gayundin sa mga lugar sa Aprika at sa Caribeano

PRANSYA

[Mga larawan sa pahina 375]

Ang pagsasalin at photocomposition ng lahat ng mga publikasyon ng Watch Tower na iniimprenta sa buong daigdig para sa mga nagsasalita ng Pranses ay ginagawa sa sangay sa Pransya. (Mahigit na 120,000,000 tao ang nagsasalita ng Pranses.) Ang literatura ay regular na iniimprenta rito sa iba’t ibang wika at ipinadadala sa mga lupain sa Europa, Aprika, sa Gitnang Silangan, sa Indian Ocean, at sa Karagatang Pasipiko.

Ang palimbagan/opisina sa Louviers

Pagsasalin

Photocomposition

[Larawan sa pahina 375]

Opisina/tirahan sa Boulogne-Billancourt

[Larawan sa pahina 375]

Tirahan sa Incarville upang maging tuluyan ng pamilyang Bethel

ALEMANYA

[Mga larawan sa pahina 376, 377]

Sa kabila ng malupit na pagsisikap na sila’y lipulin sa Alemanya noong panahon ng mga Nazi, hindi tinalikuran ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang pananampalataya. Mula noong 1946, gumugol sila ng mahigit na 646,000,000 oras sa pagpapalaganap ng katotohanan ng Bibliya sa buong bansa.

Pinalaking mga pasilidad sa Selters/Taunus

[Larawan sa pahina 376]

Bukod sa pagsasalin ng literatura sa Bibliya sa Aleman, ang sangay na ito sa Selters/Taunus ay gumagawa ng paglilimbag sa mahigit na 40 wika

[Larawan sa pahina 377]

Ang napakaraming literatura na ginagawa rito ay regular na ipinadadala sa mahigit na 20 lupain; ang mga magasin ay iniimprenta sa maraming wika at ipinadadala sa mahigit na 30 bansa

[Larawan sa pahina 377]

Ang sariling mga trak ng Samahan ay ginagamit upang ipadala ang literatura sa buong Alemanya

CYPRUS

[Larawan sa pahina 376]

Di-nagtagal pagkamatay ni Jesu-Kristo, ang mabuting balita ay ipinangangaral noon sa mga taga-Cyprus. (Gawa 4:32-37; 11:19; 13:1-12) Sa makabagong panahon, ang pangangaral na iyon ay muling pinasimulan, at isang masinsinang pagpapatotoo ang patuloy na ibinibigay sa ilalim ng pangangasiwa ng tanggapang pansangay na ito.

DENMARK

[Mga larawan sa pahina 377]

Mula noong dekada ng 1890, nagkaroon ng malawakang pagpapatotoo sa Denmark. Ang paglilimbag ng literatura sa Bibliya ay ginagawa na rito hindi lamang sa Danes kundi sa Faeroese, Greenlandico, at Icelandico rin.

Tanawin ng sangay mula sa itaas (makikita ang pasukan sa nakasingit na larawan)

ITALYA

[Mga larawan sa pahina 378, 379]

Ang literatura sa Bibliya sa Italyano ay isinasalin at inililimbag dito. Ang sangay na ito ay nag-iimprenta at nagpapabalat ng mga aklat para gamitin lalo na sa Italya, at sa karatig na mga bansa.

Sari-saring tanawin ng mga pasilidad ng sangay malapit sa Roma

[Larawan sa pahina 379]

Sampu-sampung libo ang nagsimulang makipagtipon kasama ng mga Saksi ni Jehova nang makita nila kung ano talaga ang sinasabi ng Bibliya

[Larawan sa pahina 379]

Sa kabila ng patuloy na pagsalansang mula sa Iglesya Katolika Romana, ang mga Saksi ni Jehova sa Italya ay gumugol ng mahigit na 550,000,000 oras mula noong 1946 sa personal na mga pagdalaw sa kanilang mga kapitbahay upang ipakipag-usap sa kanila ang Bibliya. Bilang resulta, 194,000 tao sa Italya ang aktibo na ngayong mga mananamba ni Jehova

PINLANDYA

[Larawan sa pahina 378]

Ang katotohanan ng Bibliya ay nakarating sa Pinlandya mula sa Sweden noong 1906. Simula noon, ito’y dinala hanggang sa bawat sulok ng bansa, kahit sa dako pa roon ng Arctic Circle. Sampu-sampu mula rito ang nakadalo sa Paaralang Gilead upang sanayin para sa paglilingkod saanman sila kailanganin sa pandaigdig na larangan. Ang iba ay gumawa ng sariling kaayusan upang lumipat sa mga lupain kung saan mas malaki ang pangangailangan.

ICELAND

[Larawan sa pahina 379]

Sa Iceland, na may populasyon lamang na mga 260,000, mahigit na 1,620,000 sipi ng literatura sa Bibliya ang ipinamahagi upang tulungan ang mga tao na piliin ang buhay. Ngayon mahigit na 260 ang naglilingkod kay Jehova, ang tunay na Diyos.

[Larawan sa pahina 379]

Si Georg Lindal, na nagpayunir dito mula 1929 hanggang 1953; sa kalakhang bahagi ng panahong iyon, siya ang kaisa-isang Saksi sa bansa

GRESYA

[Larawan sa pahina 380]

Si apostol Pablo ang isa sa unang nagpahayag ng mabuting balita sa Gresya. (Gawa 16:9-14; 17:15; 18:1; 20:2) Bagaman matinding pinag-usig ng Griegong Iglesya Ortodokso ang mga Saksi ni Jehova sa loob ng maraming taon, mayroon na ngayong mahigit na 24,000 tapat na mga lingkod si Jehova sa lupaing ito. Ang sangay na makikita rito ay mga 40 milya pahilagang Atenas.

[Larawan sa pahina 380]

Nagpapatotoo sa Atenas

[Larawan sa pahina 380]

Isang larawan na kinuha noong 1990 noong panahon ng isang demonstrasyon laban sa mga Saksi na pinangungunahan ng mga klero

IRLANDYA

[Larawan sa pahina 380]

Ang pagtugon sa mensahe ng Bibliya sa Irlandya ay naging mabagal sa loob ng maraming taon. Maraming pagsalansang mula sa mga klero ang naranasan. Subalit pagkaraan ng 100 taon ng matiyagang pagpapatotoo, may saganang espirituwal na pag-aani sa ngayon.

Tanggapang pansangay sa Dublin

[Larawan sa pahina 380]

Dalawang matagal nang payunir na naglilingkod sa larangan

POLANDYA

[Larawan sa pahina 381]

Ang mga pasilidad na ito ay ginagamit upang maglaan ng tulong sa mahigit na 100,000 Saksi sa Polandya. Mula 1939 hanggang 1945, ang kanilang pagsamba ay ipinagbawal, ngunit sila’y sumulong mula 1,039 noong 1939 hanggang 6,994 noong 1946. Nang sila’y muling ipagbawal noong 1950, may bilang sila na 18,116; ngunit di-nagtagal matapos alisin ang pagbabawal na iyon noong 1989, ipinakikita ng mga ulat na may mahigit nang 91,000.

[Mga larawan sa pahina 381]

Sa loob ng maraming taon sila’y nagdaos ng maliliit na asamblea sa mga kagubatan; ngayon ang kanilang mga kombensiyon ay pumupunô sa pinakamalalaking istadyum ng bansa​—at may ilang istadyum ang sabay-sabay na ginagamit

Poznan (1985)

LUXEMBOURG

[Larawan sa pahina 382]

Ang Luxembourg ay isa sa pinakamaliit na bansa sa Europa. Ngunit sa loob ng mga 70 taon, ang mensahe ng Kaharian ay ipinangangaral na rin dito. Lalo na bago ang Digmaang Pandaigdig II, ang tulong ay ibinigay ng mga Saksi na nanggaling sa Pransya, Alemanya, at Switzerland.

NETHERLANDS

[Mga larawan sa pahina 382]

Mula sa sangay na ito sa Emmen, inilalaan ang pangangasiwa para sa gawain ng mahigit na 32,000 masisigasig na Saksi sa Netherlands. Ang pagsasalin ng lahat ng mga publikasyon sa Olandes ay ginagawa sa mga pasilidad na ito. Ang marami sa pagkokopya ng mga salig-sa-Bibliyang videocassette sa mga wika sa Europa ay ginagawa rin dito.

NORWAY

[Mga larawan sa pahina 383]

Makalipas ang isang daang taon, isang taga-Norway na lumipat sa Amerika at natuto ng katotohanan ng Bibliya roon ang nag-uwi ng mabuting balitang iyon sa kaniyang katutubong bayan. Simula noon, ang mga Saksi ni Jehova ay paulit-ulit na nakadalaw sa lahat ng bahagi ng Norway upang ipakipag-usap sa mga tao ang hinggil sa Kaharian ng Diyos.

PORTUGAL

[Larawan sa pahina 383]

Sa loob ng maraming dekada matapos lagdaan ng pamahalaan ang isang kasunduan sa Batikano, inaresto ng mga pulis ang mga Saksi at ipinatapon ang kanilang mga misyonero. Ngunit ang mga Saksing naiwan ay patuloy na nagtipon ukol sa pagsamba, nangaral sa iba, at nagpakarami. Sa wakas, noong 1974 sila’y pinagkalooban ng legal na pagkilala.

Ang tanggapang ito ay nangangasiwa sa gawain ng mahigit na 40,000 Saksi sa Portugal. Nakatulong ito nang malaki sa mga lupain sa Aprika na may malapit na ugnayan sa Portugal

[Larawan sa pahina 383]

Ang internasyonal na kombensiyon na idinaos sa Lisbon noong 1978

SWEDEN

[Larawan sa pahina 383]

Sa loob ng mahigit na 100 taon, nangangaral na ang mga Saksi ni Jehova sa Sweden. Sa loob ng nakalipas na sampung taon, gumugol sila ng mahigit na 38,000,000 oras sa gawaing ito. Ang maraming kongregasyon sa Sweden ay nagsasalita na ngayon ng alinman sa isa sa labindalawang wika bukod pa sa Sweko.

[Larawan sa pahina 383]

Upang tulungan ang lahat ng uri ng mga tao sa Sweden, ang mga publikasyon ay nakalaan dito sa 70 wika

ESPANYA

[Larawan sa pahina 384]

Ang sangay na ito ay nangangasiwa sa mahigit na 92,000 Saksi sa Espanya. Nag-iimprenta ito ng “Ang Bantayan” at “Gumising!” kapuwa para sa Espanya at Portugal. Sa kabila ng walang-tigil na pagsisikap ng mga klerong Katoliko na gamitin ang Estado upang pahintuin ang mga Saksi ni Jehova, ang mga Saksi ay nagpapalaganap na ng katotohanan ng Bibliya sa mga taga-Espanya mula pa noong 1916. Sa wakas, noong 1970, nang ang mga Saksi ni Jehova sa Espanya ay may bilang na mahigit na 11,000, sila’y pinagkalooban ng legal na pagkilala. Simula noon, ang bilang nila ay nag-ibayo nang walong ulit.

[Larawan sa pahina 384]

Mahigit na 1,100 kongregasyon ang ngayo’y may kalayaang nagtitipon sa mga Kingdom Hall na masusumpungan sa lahat ng bahagi ng bansa

[Larawan sa pahina 384]

SWITZERLAND

Mula noong 1903 ang Samahang Watch Tower ay mayroon nang opisina sa Switzerland. Isa sa pinaka-unang mga palimbagan ng Samahan sa Europa ang itinayo sa bansang ito. Sa loob ng maraming taon ang sangay dito sa Thun ay nag-iimprenta ng mga magasin upang gamitin sa ibang lupain.

APRIKA

BENIN

[Larawan sa pahina 385]

Ang Benin ay binubuo ng mga 60 katutubong grupo na nagsasalita ng 50 diyalekto. Nang iwanan ng libu-libo sa mga taong ito ang kanilang dating mga relihiyon, nagalit kapuwa ang mga pari ng agimat at ang mga klero ng Sangkakristiyanuhan. Ngunit ang sunud-sunod na mga daluyong ng pag-uusig ay hindi humadlang sa paglago ng tunay na pagsamba sa lupaing ito.

[Larawan sa pahina 385]

Kombensiyon na idinaos noong 1990

CENTRAL AFRICAN REPUBLIC

[Larawan sa pahina 385]

Noon pang 1947, ang mensahe ng Kaharian ay nagsimula nang marinig ng mga tao rito. Isang lalaki na nakadalo sa ilang pulong ng Saksi sa ibang lugar ang namahagi sa iba ng kaniyang natutuhan. Di-nagtagal ay nagkaroon ng isang grupo sa pag-aaral, ang mga dumadalo ay nagsimulang magpatotoo kaagad, at ang mga sumasamba kay Jehova ay dumami.

CÔTE D’IVOIRE

[Mga larawan sa pahina 386]

Ang mga misyonerong sinanay sa Gilead ay tumulong upang ang tunay na pagsamba ay makapasok sa lupaing ito sa Kanlurang Aprika noong 1949. Mahigit na isandaang misyonero ang nakapaglingkod dito. Bawat taon, mahigit na isang milyong oras ang ginugugol ngayon sa paghahanap sa mga gutóm-sa-katotohanang mga tao sa lugar na pinangangalagaan ng tanggapang sangay na ito.

GHANA

[Larawan sa pahina 386, 387]

Ang pangangaral ng mabuting balita sa Ghana ay nagsimula noong 1924. Ngayon ang opisinang ito sa Accra ay nangangasiwa sa mahigit na 640 kongregasyon sa Ghana. Inaasikaso na rin nito ang pagsasalin ng literatura sa Bibliya sa Ewe, Ga, at Twi at paglilimbag sa mga wikang ito.

[Larawan sa pahina 387]

Pagpupulong sa Kingdom Hall na katabi ng tanggapang pansangay

KENYA

[Mapa/Larawan sa pahina 387]

Noong 1931, dalawang Saksi ni Jehova ang naglakbay mula sa Timog Aprika upang mangaral sa Kenya. Mula noong 1963, ang opisina ng Samahan sa Kenya, sa iba’t ibang panahon, ay nangasiwa sa pag-eebanghelyo sa maraming iba pang bansa sa Silangang Aprika. Ang internasyonal na mga kombensiyon sa Kenya noong 1973, 1978, at 1985 ay nagdagdag sa pagpapatotoong ibinigay rito sa Aprika.

[Mapa sa pahina 387]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

KENYA

UGANDA

SUDAN

ETHIOPIA

DJIBOUTI

SOMALIA

YEMEN

SEYCHELLES

TANZANIA

BURUNDI

RWANDA

[Mga larawan sa pahina 387]

Kombensiyon sa Nairobi (1978)

NIGERIA

[Mga larawan sa pahina 388, 389]

Ang mabuting balita ay ipinangangaral na sa bansang ito mula pa sa unang bahagi ng dekada ng 1920. Ang mga ebanghelisador ay ipinadala rin mula sa Nigeria sa ibang bahagi ng Kanlurang Aprika, at ang literatura sa Bibliya na iniimprenta rito ay patuloy na nakasasapat sa mga pangangailangan ng karatig na mga lupain. Sa Nigeria mismo, ang mga Saksi ni Jehova ay nakapagpasakamay ng mahigit na 28,000,000 sipi ng literatura upang tulungan silang makaunawa sa Salita ng Diyos.

[Larawan sa pahina 388]

Mula sa Service Department, inilalaan ang pangangasiwa para sa mahigit na 160,000 tagapaghayag ng Kaharian sa Nigeria

[Larawan sa pahina 389]

Kombensiyon sa Calabar, Nigeria (1990)

LIBERIA

[Larawan sa pahina 388]

Ang naging mga Saksi ni Jehova rito ay napaharap sa napakaraming pagsubok sa kanilang pananampalataya​—nang sila’y humiwalay mula sa lokal na mga pamahiin, nang sila’y tumalikod sa poligamya, nang sila’y pinag-usig ng mga opisyal dahil sa maling mga bintang, at nang sila’y pinaligiran ng nagdidigmaang mga grupong pulitikal at katutubo. Gayunman, patuloy na pinagkakaisa ng tunay na pagsamba ang lahat ng uri ng mga tao sa lupaing ito.

MAURITIUS

[Mga larawan sa pahina 389]

Noon pang 1933, masisigasig na Saksi mula sa Timog Aprika ang dumalaw sa islang ito sa Indian Ocean. Ngayon ay may mahigit na isang libong Saksi sa Mauritius na humihimok sa kanilang mga kapitbahay na hanapin si Jehova upang sila’y mapagpakitaan niya ng pagsang-ayon kapag pinuksa niya ang kasalukuyang balakyot na sistema.​—Zef. 2:3.

TIMOG APRIKA

[Larawan sa pahina 390]

Sa loob ng mahigit na 80 taon, may tanggapang pansangay ang Samahang Watch Tower sa Timog Aprika. Malaki ang nagawa ng masisigasig na ebanghelisador na galing dito upang palaganapin ang mensahe ng Kaharian sa ibang mga bansa sa timog at silangang Aprika. Sa teritoryo na dati ay sakop ng sangay na ito (kung saan may 14,674 tagapaghayag ng Kaharian noong 1945), sa ngayon ay mayroon nang mahigit na 300,000 aktibong Saksi ni Jehova.

[Mga larawan sa pahina 391]

Mahigit na 110 tagapagsalin ang gumagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng sangay na ito upang maghanda ng literatura sa Bibliya sa 16 na wikang Aprikano

[Larawan sa pahina 391]

Ang pag-iimprenta ay ginagawa rito sa mahigit na 40 wika

SENEGAL

[Mga larawan sa pahina 390]

Bagaman kakaunti lamang ang mga Saksi rito, tinitiyak ng tanggapang pansangay na ang bawat lunsod, bawat katutubong grupo, at mga tao ng bawat relihiyon, hindi lamang sa Senegal kundi rin sa karatig na mga bansa, ay mabigyan ng pagkakataong marinig ang nakapagpapasiglang-pusong mensahe ng Bibliya.

SIERRA LEONE

[Larawan sa pahina 391]

Ang pangangaral ng mabuting balita sa Sierra Leone ay nagsimula noong 1915. Naging mabagal kung minsan ang pagsulong. Ngunit nang alisin ang mga hindi nanghahawakan sa mataas na mga pamantayan ni Jehova at humiwalay ang mga hindi naglilingkod taglay ang tamang motibo, yaong mga tapat kay Jehova ay sumagana sa espirituwal.

ZAMBIA

[Larawan sa pahina 392]

Ang tanggapang pansangay na ito ay nangangasiwa sa gawain ng mahigit na 110,000 Saksi sa timog-sentral Aprika. Ang unang opisina ng Samahan dito ay itinatag noong 1936. Simula noon, ang mga Saksi ni Jehova sa Zambia ay nakagawa na ng mahigit na 186,000,000 pagdalaw-muli upang mabigyan ng karagdagang tulong ang mga taong interesado. Tinuruan din nila ang marami na bumasa upang personal nilang mapag-aralan ang Bibliya at maibahagi ito sa iba.

[Larawan sa pahina 392]

Isang serye ng mga kombensiyon sa Zambia noong 1992 ay dinaluhan ng 289,643

ZIMBABWE

[Mga larawan sa pahina 392]

Ang mga Saksi ni Jehova ay naging aktibo sa Zimbabwe mula noong dekada ng 1920. Nang sumunod na mga taon, sila’y napaharap sa mga pagbabawal sa kanilang literatura, pagbabawal sa mga asamblea, at pagkakait ng pahintulot upang makapangaral ang mga misyonero sa mga Aprikano. Unti-unti, napagtagumpayan ang mga hadlang, at sa ngayon ang opisinang ito ay nangangasiwa sa mahigit na 20,000 Saksi.

ANG SILANGAN

HONG KONG

[Mga larawan sa pahina 393]

Ang mga publikasyon ng Watch Tower ay isinasalin dito sa Intsik, na ginagamit ng mahigit na isang bilyong tao sa maraming diyalekto nito. Sa Hong Kong mismo, ang pangangaral ng mabuting balita ay nagsimula nang si C. T. Russell ay nagpahayag sa city hall noong 1912.

INDIA

[Larawan sa pahina 393]

Ang sangay na ito ay nangangasiwa sa paghahayag ng mensahe ng Kaharian sa mahigit na ikaanim na bahagi ng populasyon ng lupa. Sa kasalukuyan, pinapatnugutan ng tanggapang ito ang pagsasalin sa 18 wika at ang pag-iimprenta sa 19. Kabilang sa mga ito ang Hindi (sinasalita ng 367 milyong tao) gayundin ang Assamese, Bengali, Gujarati, Kannada, Malayalam, Marathi, Nepali, Oriya, Punjabi, Tamil, Telugu, at Urdu (na bawat isa ay sinasalita ng sampu-sampung milyong tao).

[Mga larawan sa pahina 393]

Mga Saksing nangangaral sa Malayalam

. . . sa Nepali

. . . sa Gujarati

HAPÓN

[Mga larawan sa pahina 394]

Ang mga Saksi ni Jehova sa Hapón, tulad din sa ibang lugar, ay masisigasig na tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos. Noong 1992 lamang, sila’y gumugol ng mahigit na 85,000,000 oras sa pangangaral ng mabuting balita. Sa aberids, mga 45 porsiyento ng mga Saksing Hapones ang nakikibahagi sa paglilingkurang payunir bawat buwan.

[Larawan sa pahina 394]

Ang literatura sa Bibliya ay inilalathala rito sa maraming wika, kabilang ang Hapones, Intsik, at ang mga wika ng Pilipinas

[Larawan sa pahina 394]

Isang Regional Engineering Office ang tumutulong sa pagpapatayo ng mga pasilidad ng sangay sa iba’t ibang lupain

[Graph sa pahina 394]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Mga Payunir sa Hapón

75,000

50,000

25,000

1975 1980 1985 1992

REPUBLIKA NG KOREA

[Mga larawan sa pahina 395]

Mga 16 na milyong sipi ng literatura sa Bibliya, bukod pa sa mga tract, ang inilalathala rito taun-taon upang paglaanan ang mahigit na 70,000 Saksi sa Republika ng Korea. Mga 40 porsiyento ng mga Saksing Koreano ang nasa paglilingkurang payunir.

MYANMAR

[Mga larawan sa pahina 395]

Nang maitatag ng Samahang Watch Tower ang isang tanggapang pansangay dito noong 1947, mayroon lamang 24 na Saksi ni Jehova sa bansa. Ang mahigit na 2,000 Saksi na ngayo’y aktibo sa Myanmar ay nagsisikap na marating hindi lamang ang mga naninirahan sa mga lunsod kundi maging ang higit na nakararaming tao sa may kabukiran.

PILIPINAS

[Larawan sa pahina 396]

Noong 1912, si C. T. Russell ay nagpahayag sa Grand Opera House ng Maynila sa paksang “Saan Naroroon ang mga Patay?” Simula noon ang mga Saksi ni Jehova rito ay gumugol ng mahigit na 483,000,000 oras sa pagpapatotoo sa mga tao na nasusumpungan sa humigit-kumulang na 900 tinatahanang isla ng Pilipinas. Ang pangkalahatang pangangasiwa sa mahigit na 110,000 Saksi sa 3,200 kongregasyon ay inilalaan mula sa sangay na ito. Ang pag-iimprenta ay ginagawa rito sa walong wika upang sapatan ang lokal na mga pangangailangan.

[Mga larawan sa pahina 396]

Mga Saksi mula sa ilan sa pangunahing mga wika sa Pilipinas

SRI LANKA

[Mga larawan sa pahina 397]

Bago ang Digmaang Pandaigdig I, ang mabuting balita ay ipinangaral na sa Ceylon (ngayo’y Sri Lanka), sa may katimugan ng India. Isang grupo ng pag-aaral ang dali-daling inorganisa. Mula noong 1953 ay mayroon nang tanggapang pansangay ang Samahan sa kabiserang lunsod, upang mabigyan ang mga Sinhalese, ang mga Tamil, at ang iba pang katutubong mga grupo sa bansang ito ng pagkakataon na marinig ang mensahe ng Kaharian.

TAIWAN

[Larawan sa pahina 397]

May ilang pagpapatotoo na ginawa rito noong dekada ng 1920. Subalit ang paggawa nito nang lalong patuluyan ay nagsimula noong dekada ng 1950. Ngayon ang bagong mga pasilidad ng sangay ay itinatayo upang magsilbing sentro para sa ibayong gawain sa bahaging ito ng lupa.

[Larawan sa pahina 397]

Kongregasyon sa Taipei

THAILAND

[Larawan sa pahina 397]

Noong dekada ng 1930, ang mga Saksing payunir ay dumating mula sa Britanya, Alemanya, Australia, at New Zealand upang ibahagi ang katotohanan ng Bibliya sa mga taga-Thailand (na noo’y tinawag na Siam). Mga delegado mula sa maraming lupain ang dumalo sa internasyonal na mga kombensiyon dito noong 1963, 1978, 1985, at 1991 upang patibayin ang lokal na mga Saksi at upang pasiglahin ang pagpapalaganap ng mensahe ng Kaharian.

[Larawan sa pahina 397]

Kombensiyon noong 1963

[Larawan sa pahina 397]

Mga delegado mula sa ibang bansa noong 1991

MGA KAPULUAN NG PASIPIKO

FIJI

[Larawan sa pahina 398]

Ang opisina sa Fiji ay itinatag noong 1958. May panahon na ito’y nangasiwa sa gawain ng paghahayag ng Kaharian sa 12 bansa at 13 wika. Ngayon ang sangay sa Fiji ay nag-uukol ng pansin sa humigit-kumulang na isang daang tinatahanang isla na sakop ng Fiji.

[Larawan sa pahina 398]

Ang internasyonal na mga kombensiyon dito noong 1963, 1969, 1973, at 1978 ay tumulong upang higit na mapalapit ang lokal na mga Saksi sa mga nasa ibang bansa

GUAM

[Larawan sa pahina 398]

Ang opisina sa Guam ay nangangasiwa sa pangangaral ng mabuting balita sa mga isla na nakakalat sa mga 7,770,000 kilometro kuwadrado sa Karagatang Pasipiko. Ang pagsasalin ng literatura sa Bibliya sa siyam na wika ay pinangangasiwaan nito.

[Larawan sa pahina 398]

Ang tagapangasiwa ng sirkito ay madalas na naglalakbay sa eroplano sa pagitan ng mga isla

[Larawan sa pahina 398]

Ang lokal na mga Saksi (na makikita rito sa Micronesia) kung minsa’y gumagamit ng mga bangka upang marating ang kanilang teritoryo

HAWAII

[Larawan sa pahina 399]

Nagkaroon ang Samahang Watch Tower ng tanggapang pansangay sa Honolulu mula 1934. Ang ilan mula sa Hawaii ay nakibahagi sa pag-eebanghelyo hindi lamang sa mga isla ng Hawaii kundi maging sa Hapón, Taiwan, Guam, at sa mga isla ng Micronesia.

NEW CALEDONIA

[Larawan sa pahina 399]

Sa kabila ng paghadlang ng relihiyosong mga mananalansang, ang mga Saksi ni Jehova ay nagdala ng mensahe ng Kaharian ng Diyos sa New Caledonia. Maraming tao ang nakinig nang may pagpapahalaga. Noong 1956 ang unang kongregasyon ay itinatag. Ngayon ay may mahigit na 1,300 tagapuri kay Jehova rito.

NEW ZEALAND

[Larawan sa pahina 399]

Noong 1947 isang tanggapang pansangay ang itinatag ng Samahang Watch Tower sa New Zealand upang mabigyan ng higit na mabisang pangangasiwa ang pangangaral ng mabuting balita rito.

[Larawan sa pahina 399]

Ang pagsasalin na ginagawa sa sangay na ito ay nagpapangyari sa mga naninirahan sa Samoa, Rarotonga, at Niue na makatanggap ng regular na pagpapatibay sa espirituwal.

[Larawan sa pahina 399]

Ang mga tagapagsalin at mga proofreader ay nagtutulungan upang maglaan ng mga publikasyon na may mataas na uri

AUSTRALIA

[Mga larawan sa pahina 400]

Nagkaroon ang Samahang Watch Tower ng tanggapang pansangay sa Australia mula pa noong 1904. Noon ang sangay na ito ay nangasiwa sa gawain ng paghahayag ng Kaharian sa halos ikaapat na bahagi ng globo, kalakip ang Tsina, Timog-silangang Asia, at mga kapuluan ng Timog Pasipiko.

[Larawan sa pahina 400]

Ang Regional Engineering Office ay tumutulong sa konstruksiyon ng mga sangay sa Timog Pasipiko at sa Timog-silangang Asia

[Larawan sa pahina 400]

Sa kasalukuyan, ang sangay na ito ay nag-iimprenta ng literatura sa Bibliya sa mahigit na 25 wika. Ang palimbagan dito ay tumutulong para maglaan ng literatura sa mga 78,000 Saksi na naroroon sa dakong pinangangasiwaan ng walong sangay sa Timog Pasipiko.

[Mapa/Larawan sa pahina 400]

Mga lupaing pinaglalaanan ng literatura ng sangay sa Australia

[Mapa]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

AUSTRALIA

PAPUA NEW GUINEA

NEW CALEDONIA

SOLOMON ISLANDS

FIJI

WESTERN SAMOA

TAHITI

NEW ZEALAND

PAPUA NEW GUINEA

[Mga larawan sa pahina 400]

Napaharap sa isang pantanging hamon ang mga Saksi ni Jehova sa lupaing ito​—ang mga tao ay nagsasalita ng mga 700 iba’t ibang wika. Mga Saksi mula sa di-kukulangin sa sampung ibang lupain ang lumipat dito upang makibahagi sa gawain. Sila’y puspusang nagsikap upang matuto ng lokal na mga wika. Ang mga taong interesado ay nagsasalin para sa mga nagsasalita ng ibang wika. Ang mga larawan ay mabisang ginagamit kapag nagsasalaysay ng mga pangyayari sa Bibliya.

SOLOMON ISLANDS

[Mga larawan sa pahina 401]

Isang pag-aaral sa Bibliya na idinaos sa pamamagitan ng koreo mula sa ibang bansa ang nagdala ng mensahe ng Kaharian sa Solomon Islands noong unang bahagi ng dekada ng 1950. Sa kabila ng mabibigat na hadlang, lumaganap ang katotohanan ng Bibliya. Ang tanggapang pansangay na ito at ang maluwang na Assembly Hall ay bunga ng lokal na kasanayan, tulong mula sa ibang bansa, at masaganang espiritu ni Jehova.

TAHITI

[Mga larawan sa pahina 401]

Noong unang bahagi ng dekada ng 1930, nakarating na sa Tahiti ang mga Saksi ni Jehova taglay ang mensahe ng Kaharian. Dito, sa kalagitnaan ng Karagatang Pasipiko, isang masinsinang pagpapatotoo ang ibinibigay. Sa loob lamang ng katatapos na apat na taon, ang pagpapatotoong ginawa ay umaabot sa mahigit na limang oras ng pakikipag-usap, sa aberids, sa bawat lalaki, babae, at bata sa isla.

WESTERN SAMOA

[Mga larawan sa pahina 401]

Ang Western Samoa ay isa sa pinakamaliit na bansa sa daigdig, pero may tanggapang pansangay rin ang mga Saksi ni Jehova rito. Ang pasilidad na ito ay itinayo noong 1992 para mangasiwa sa gawain dito at sa iba pang isla sa karatig, kalakip na ang American Samoa.